LAUREN'S POVS MATAPOS ANG ILANG ARAW na puro pag-gagala lang sa loob ng school, dumating din ang araw kung kailan ako tatao sa aming booth. Matapos din ng unang araw namin dito na kasama si Fizz ay hindi na ulit siya nakapunta dahil nagkaroon ng ilang mga meeting sa opisina nila. "Bakla, ready ka na bang magpakababae?" Tanong sa akin ni Celes na inaato ang costume na susuutin. Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa kanya saka lumapit at kinuha ang costume na para sa akin. Marahan akong humarap sa salaming kaharap niya saka itinapat ang costume sa harapan ko na tila suot ko. "Makakapunta ba si Fizz?" Tanong ni Celes. Agad akong napabuntong hininga dahil sa tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya sa totoo lang dahil busy pa din hanggang ngayon si Fizz at hindi ko

