LAUREN'S POVS Matapos ang ilang nakakapagod na araw sa pag-aayos ay dumating na din ang araw na iniintay namin. Dumating na ang foundation week ng school namin. Mahaba ang naging opening ceremony ng umaga dahil sa mga ininbitahang bisita ng school. "Saan nyo gusto pumunta?" Tanong ni Celes habang naglalakad kami sa hallway. "Doon na lang muna tayo sa booth natin," tugon ko. Marahan munang napaisip si Celes. "Hindi pa yata sila ayos doon," sabi niya. Napatingin ako sa cellphone ko para makita ang oras alas nuwebe pa lang pala. "Ay oo nga pala no, 10 nga pala ang start ng café natin," sabi ko ng maalala ang schedule. "Yep at talagang pagbukas nun ay pupunta ako agad dahil nakatao ngayon doon si Kide at gusto kong makita ang itsura niya," kumento niya. Tumango na lang ako. "So saan mun

