FIZZ' POVS Napapailing na lang ako habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Katabi ko ngayon si Chris at katabi naman niya si Mako sa kabilang banda dito sa backseat, si papa naman, nasa shotgun seat katabi ng driver namin. Hindi ko alam na kasama sila. Hindi ko alam na ininvite sila ni papa ngayon. Hindi ko nasabi kay Lauren na kasama at for sure, hindi yun matutuwa na nandito si Chris. "Wag mo nga ipahalatang ayaw mo kaming nandito," sabi ni Chris. Hindi sa ayaw, ang awkward lang kasi. "Ikaw lang, di ako kasali," kumento ni Mako. Nakita kong siniko siya si Chris saka tila nagmake face. "May iniisip lang ako. Ok lang sakin na nandito kayo," sabi ko. Ayoko naman na palakihin, ok lang naman kasi talaga, di ko lang inaasahan. "Sus, ok daw pero biglang sumimangot nung makita kam-- ako," tumi

