JADE'S POVS "Sorry talaga," tumayo siya't niyakap ako. Hindi ko siya magawang itulak pero hindi ko din siya magawang yakapin pabalik. "Mahal kita pero tuwing naiisip ko na pumatol ka sa bading, nandidiri ako." Tila nagpantig sa taenga ko ang sinabi niya. Nandidiri? Mariin akong napapikit para kalmahin ang sarili. Naramdaman ko din na tumulo ang luha ko hanggang pisngi. Tang*na, ang sakit. Akala ko tanggap niya ako. Akala ko, nakahanap na ako ng babaeng bubuo sa akin pero hindi pala. "So, kasinungalingan lang yung sinabi mong ok lang sayo yung nakaraan ko?" Bahagya siyang tumingala sa akin. Nagkatinginan kami saglit bago siya bumitaw sa akin. "Hindi mo ako masisisi Jade, mahirap iyon para sa akin," sagot niya. Mali, hindi iyon mahirap sadyang hindi mo lang matanggap. Hindi mo ko tangga

