JADE'S POVS Alam ko ng niloloko niya ako. Halata naman iyon sa kilos nila pero hindi pa ako nagsasalita. Gusto ko siyang makausap ng kaming dalawa lang. Pumasok ako sa trabaho ng parang walang nangyari. Nakasalubong ko pa si Willie. "May sakit ka ba?" Tanong ni Paulo sa akin ng sabay sabay kaming maglunch. "Hindi ka pumasok kahapon." "Wala, pagod lang ako dahil aa byahe kaya hindi ako pumasok," sagot ko. "Anong problema mo ngayon?" Napatingin ako kay Raquel. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napakunot ang noo ko. "Halatang halata sa mukha mo na hindi ka ok kaya sabihin mo na kung anong problema mo." Bumuntong hininga ako. "Hindi dito ang lugar para pag-usapan yun." "Ow, sounds private," luminga linga si Melai sa paligid. "Tapos na naman kayo kumain. Tara sa fire exit?" Napangi

