LAUREN'S POVS Matapos namin mapag-usapan ni Celes ang tungkol sa natuklasan niya ay agad kaming bumyahe papunta sa bahay nila Kide. Kabado ako habang nasa byahe. Hindi ko kasi alam kung maniniwala ba sa amin si Jade Joshua o hindi dahil tungkol kay Veronica ang sasabihin namin at alam kong katulad ko, mabuting tao din ang pagkakakilala niya doon. Pagkadating namin sa kanila, agad naming nakita si Kide na nasa labas ng pintuan nila't tila iniintay na kami. "Nasa kwarto siya," bungad niya sa amin pagkalapit namin sa kanya. Bahagya akong napatawa ng mahina dahil sa sinabi niya. "Bakit?" "Wala naman, may naalala lang ako," tugon ko. "Naalala mo na naman si Jade Joshua no," sagot ni Celes. "Hindi iyon, naalala ko lang na ganitong ganito din yung set up natin noon," sagot ko. Noong panahon

