JADE'S POVS "Ang taray, may pa change dp si bakla kasama ang kanyang bagong bebe," kumento ni Paulo habang pinapakita sa akin ang litrato namin ni Veronica. Natatawa akong napailing. Ngayon ko na lang ulit iyon napalitan ng profile picture ko sa f*******:. Nakakatuwa na madami agad ang naglike nito pagkapost ko pa lang. "Ganun talaga pag bago jowa, bago din profile picture," kumento din ni Melai. "Sana all may jowa." "Sana all hindi kabit," napatingin kaming tatlo kay Paulo. Nakatingin lang siya sa cellphone niya. "So kaya nagyaya mag-inom," sabi ni Raquel. Napatingin si Paulo sa amin saka bahagyang nagpout. Nandito kami sa apartment unit ko. Rest day namin ngayon at nagyaya si Paulo na magbonding. Nagsabi ako kay Veronica na nandito kami. Hindi pa siya dito nakakapunta kaya binigay

