LAUREN'S POVS Nakangiti akong nakatitig kay Fizz na mahimbing na natutulog. Ngayon ang unang gabi namin bilang magkinakasama. Hindi naman nalalayo ang feelings noon kay Jade Joshua, masaya din ako na magkasama kami ngayon at titira na sa iisang bubong. Hinaplos haplos ko muna ang pisngi niya bago ko siya bigyan ng mabilis na halik. Pagkahalik ko sa kanya, tumayo na ako sa higaan saka dumiretso sa cr para magtoothbrush at maghilamos. Pagkatuyo ko din ng mukha ko ay pumunta na ako sa kusina para magluto. Nagluto ako ng hotdog at bacon na nakita ko sa ref niya. Nagsangag din ako ng kanin para ipares dito. Eksakto pagkalapag ko ng mga plato sa mesa, lumabas na ng kwarto si Fizz. Hihikab hikab siyang lumapit sa akin saka yumakap mula sa likuran ko. "Good morning, love," mahina niyang sabi

