LAUREN'S POVS Nang umalis kahapon si Fizz ay hindi ako kinabahan pero ngayon na lumipas na ang isang araw ay kinakabahan na ako. Hindi siya nagtetext sa akin, ni hindi ko siya macontact dahil patay yata ang cellphone niya. "Bakit mo kasi pinaalis?" Tanong ni Celes habang nakapangalumbaba. Nasa classroom na kami't nag-iintay na magsimula ang klase. "Kasi mukhang kailangan siya doon," nagpout ako bahagyang yumuko. “What? Kailangan siya ng ex niya? Ano mamamatay na ba iyon at kailangan niya si—wait, kahit mamamatay na yun, bakit niya naman kakailanganin si Fizz?” iritadong sabi ni Celes. Marahan akong napaisip, totoo ang sinabi niya. Matagal na silang wala, hindi na siya kargo ni Fizz. “Hindi ko na din alam baks,” tugon ko na lang. Bumuntong hininga siya. “Pag-uwi ni Fizz, mag-usap ka

