LAUREN'S POVS Pag gising ko kinaumagahan, wala pa din si Fizz. Malalim akong napabuntong hininga. Nasaan na ba siya? Iiwan na lang ba niya ako ng ganito? Wala akong ganang nag asikaso sa pagpasok sa school. Pumasok din ako ng hindi kumakain dahil ang bigat talaga ng pakiramdam ko. "Di pa din umuuwi?" Bungad ni Celes pagkaupo ko sa pwesto ko. Umiling ako habang bagsak ang balikat at nakanguso. "Nako ha, iba na yan. Umuwi ka na kaya sa inyo?" "Hindi pwede. Ayokong magalit sila mama dahil mali na naman ang desisyon ko," tugon ko. Bumuntong hininga siya. "Kaysa naman ganyan ka, ghinost ka na yata niya," sabi pa niya. "Mayaman din naman kasi siya kaya wala sa kanya kung iiwan niya ang condo unit niya sayo." Sa totoo lang, gusto ko na din namang umalis sa condo unit niya pero wala akong ma

