FIZZ' POVS MATAPOS ANG TATLONG ARAW ay sa wakas ay pauwi na kami ulit ng Maynila. Sumakit ang ulo ko sa mga utos ni papa, isama pa ang paghila sa akin ni Chris kung saan saang lugar habang nasa Baguio kami. Hindi ko na iyon minasama pero hindi na talaga ako komportable sa ganun. "Ito maganda kuha mo sakin," rinig kong sabi ni Chris kay Mako habang pinapakita ang screen ng cellphone niya. "Magaling ako eh," kumento naman ni Mako. Natatawa na lang akong napailing sa kumpyansa ni Mako. Totoong magaling kumuha ng litrato si Mako pero nakakatawa lang talaga tuwing sinasabi niya iyon. "Ay, mas maganda itong kuha ni Fizz sa akin, kita yung strawberries," sabi pa ni Chris. "Mas marami din ang kuha niya." "Malamang, siya hinihila mo kung saan," tugon ni Mako. Hindi na lang ako umimik dahil tot

