KIDE'S POVS Hindi ko talaga mahinuha kung bakit niya iyon napagdesisyunan pero ng sabihin niya ang dahilan niya, agad akong nalungkot. Hindi ko alam na sobra na siyang nahihirapan dahil hindi naman siya normally na nagsasabi sa akin. Buong gabi akong hindi mapakali dahil sa sinabi niya. Ayoko siyang umalis dahil lalo kaming malalayo sa isa't isa na ayokong mangyari. Kami na lang dalawa ang magkasama kaya ayoko na sanang magkalayo pa kami ng sobra pero ayoko din naman siyang nahihirapan kaya siguro maganda na din na umalis siya. "Ok ka lang?" Napabalik ako sa realidad ko ng tapikin ako ng isa naming kaklase. Agad siyang hinanap ng mata ko. "Huh? Oo," sagot ko na lang. Kakatapos lang ng una naming subject at sakto namang walang prof na pumasok para sa susunod na subject kaya libre kaming

