JADE'S POVS "Yes, lola," tugon ko kay lola Judith na kausap ko ngayon sa cellphone. Nagsasabi na ako sa kanya na pupunta akong New York as soon as possible. Kukuha lang muna ako ng mga requirements ko at magreresign sa trabaho. "Opo lola, aasikasuhin ko po agad, thank you po and see you soon." Pagbaba ko ng cellphone ko, napabuntong hininga ako. Nagdesisyon ako agad na gusto ko umalis, nakalimutan kong marami nga palang requirements ang kailangan kong asikasuhin bago ako makaalis. Wala pa akong visa, ni passport, wala pa din akong planong gawin pagdating ko doon. Maya maya tumunog ang cellphone ko, nagtataka akong napatitig sa screen ng cellphone ko. Tumatawag si Paulo, anong meron? Rest day namin ngayon at wala namang napag-usapang gala kaya wala akong inaasahang tawag o kahit ano mu

