The next day...
***
JC's POV
Hindi ko sinabi sa kahit na sino yung nangyari kahapon tsaka wala na akong gagawin sa Dave na 'yun, yung kapatid ni Raquel hangga't hindi niya ako istorbohin ulit. Mabait pa naman ako.
"JC!"
Si Raquel na naman. Hindi ko siya pinansin at tuloy lang sa paglalakad pero dahil makulit ang lahi niya, sumunod pa talaga.
"JC naman! Please talk to me!" hinarangan niya ang daraanan ko.
"Look I'm sorry for what I did yesterday.. it.. it's just that I really do like you and I want us to be friends. I can accompany you anywhere and you don't have to be a loner. I'll help you---"
"If you're pointing out that my life is boring and you could change that, No. Tantanan moko." tsaka ko siya nilampasan ulit pero nakasunod pa rin. Aiisshhh. I'm starting to lose my patience on this girl.
Salamat naman at nag-bell na. Pumasok na ako sa classroom at umupo sa likuran.
***
Tapos na ang klase pero nakatambay ulit ako sa tree house ng nakatanggap ako ng text mula sa driver namin. Wala raw sa school si Kirstine dahil pumunta sakin? Agad akong bumaba ng tree house at tumakbo papunta sa gate dahil baka andun naghihintay sakin. Nalalakad lang kasi ang school niya mula dito.
Nagdilim ang paningin ko sa naabutan ko. Umiiyak na yung kapatid ko tapos biglaang pinatid ni Dave habang tumatawa yung dalawa niya pang kaibigan.
WHAT THE FCK.
"Kirstine!!"
"K-Kuya! Waaahhh!!" nagsitakbuhan agad yung tatlo at wala akong nagawa. Pinatayo ko ang kapatid ko at yumakap agad siya sakin.
"Shhh.. it's okay. Kuya is here.." pagpapatahan ko sa kanya. Hiniwalay ko siya sakin at pinunasan ang mga luha niya.
"Oucchiiee kuya. It's bleeding! Look! Waaaaahhh!!" turo ni Kirstine sa tuhod niya at dahil takot siya sa dugo at phobia niya ito, lalo siyang umiyak.
This is Strike 2. Makikita niyo talaga Dave Sanchez. The game you want to play is on.
***
Third Person's POV
Swimming Varsity si Dave at members doon yung mga kaibigan niya. Nasa swimming pool sila nagkakarera at nagpapagalingan habang nadoon rin ang kanilang coach. Biglang dumating si JC.
"Oh Mr. Lozano. Naparito ka?" tanong nung coach.
"Sasali lang sa kasiyahan niyo coach at gusto kong makalaban si Sanchez."
Hindi inakala ng coach iyon dahil sa pagkakaalam nilang lahat, hindi active si JC sa kahit anong sports sa school pero sobrang talino nito. Napapayag niya rin naman kaya pumunta siya sa shower room para magpalit at maligo. Paglabas niya, may ibang estudyante na ang nakaupo sa bleachers. Karamihan ay mga babae at kasama doon ang girlfriend ni Dave.
Ang bilis talagang kumalat ng balita. Tilian agad sila ng nakita si JC na naka-topless. Sa edad na 14, 5'9" na ang height niya at hindi mapagkakailang maganda na rin ang katawan kahit di gaanong maskulado.
Lumapit si Dave kay JC ng patawa-tawa.
"Sa tingin mo mananalo ka sakin?? Ako ang pinakamagaling sa varsity namin!" pagmamayabang pa niya.
"Edi pustahan tayo. Pag ako nanalo, aalis ka sa Varsity."
Tumawa pa siya ng mas malakas ng narinig niya iyon mula kay JC at sumali na rin yung ilan pa niyang kaibigan.
"At pag ikaw natalo??"
"Mag d-drop ako sa skwelahang 'to."
Napatigil silang lahat sa sinabi niya at pati yung coach, umangal kesyo daw running for valedictorian si JC at kung ano-ano pa pero parang walang naririnig si JC mula sa kanya dahil nags-streching ito.
"Deal. Oh guys!! The famous JC Lozano here, is challenging me for a relay at pag ako natalo, mark my words I will leave this team pero pag siya raw natalo, magd-drop siya sa pag-aaral. Witness kayong lahat ah??" anunsyo ni Dave sa mga tao.
Nagsimula na ang karera nila. Pagpito nung coach, tumalon agad sa pool si JC at mabilis itong lumangoy. Si Dave ang nanguna sa simula pero mas bumilis pa si JC hanggang sa pabalik na siya sa kabila hanggang sa mahawakan na niya yung gutter.
Panalo si JC, of course.
"WOOOOHHH!!!! JC I LOVE YOUUUU!!!!"
"JCCC!! KYAAAHH PANALO KA!!"
At iba-iba pang sigawan. Natulala si Dave. JC smirked at him tapos bigla pa itong tumingin sa bleachers hanggang sa nagtama ang mga mata nila sa girlfriend ni Dave.
JC winked at her at kitang kita iyon ni Dave pati ang pamumula ng mukha ng babae. Tinapik siya ni JC sa balikat sabay bulong ng..
"Bye bye varsity and might as well... watch out for your girlfriend."
***
JC's POV
Lunch time ulit at nakaupo na ako dito sa pwesto ko palagi sa canteen. Kumakain na ako nung chocolate cake ko for dessert ng may babaeng umupo sa harapan ko. Sakto nga ang tansya ko. Lalapit siya sakin, ang girlfriend ni Dave.
"H-Hi JC.."
"Hello." sabay ngiti ko ng konti pero syempre peke 'yun. Namula yung mukha niya. Tss. Madali matatapos ang laro ko ng walang kapawis-pawis.
"U-Umm.. magtatanong lang sana.. please don't be mad.."
"Sure. Ano 'yun?"
"Ah eh kasi.. did you winked at me earlier??"
"Oh, at the pool? Yes. There's something in you ng napansin kita. Well, despite the fact that you're pretty, hindi ka kagaya ng ibang babae na kung makasigaw, wagasan. You're kinda interesting."
Non-sense. Walang interesting sa kanya.
"Talaga??"
"Yes. Are you single?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko. For sure, she's already assuming things inside her little head.
"Uh-uhmm.. I'm..."
Lumapit ako sa mukha niya at tumingin sa mga mata niya. And I smiled again. "You are right?"
Biglaan siyang napatango. See. Ang dali.
"Say it." sabi ko.
"Yes. I am single, JC Lozano and I don't mind if I date you." todo ngiti siya sakin. Tignan ko lang ang maging reaksyon mo dito, Sanchez. Pinindot ko na ang pause button sa recorder ko na nasa kaliwang kamay ko sa ilalim ng mesa.
***
"Langya ka gago!!" tsaka sana siya susugod sakin pero humarang bigla si Raquel.
"Kuya ano ba!! What is your problem?!!"
"Yan! Yang gagong 'yan! Nakipag-break sakin ang girlfriend ko dahil sa kanya!!"
At dahil mahilig gumawa ng eksena ang mga tao, may dumagdag pa. Yung EX girlfriend ni Dave at kung ano-ano narin ang pinagsasabi para ipagtanggol ako. Katuwa naman silang panoorin tatlo. Nagtalo rin sina Raquel ng sinabi nung babae na idedate ko raw siya.
"Miss, ayoko sa'yo at di kita idedate." sambit ko na nakakuha ng atensyon nilang tatlo at ng iba pang usisero't usisera sa paligid.
"What?"
"Don't let me repeat my words again dahil hindi ka bingi. Tinanong ko lang kanina kung single ka at hindi ko na kasalanan kung nag-assume ka dahil iba pala ang natitipunan ko."
She now looks like she'd seen a ghost. Serves her right. Ang low class na p********e. Ng wala ng nagsalita, umalis na ako doon.
Nakalabas na ako ng school pero sumunod na naman si Raquel sakin.
"JC!! Anong intensyon mo at ginawa mo 'yun?? Are you mad at my brother because of me, following you around??"
"No." tipid kong sagot dahil hindi naman talaga. Sa kapatid niya ako mismo galit.
"Then why??? Una sa Varisity tapos ngayon ang girlfriend niya? What did he do to you???"
I sighed tsaka lumapit sa kanya, looking as innocent as possible. I leveled my face to her and held her chin lightly.
"I'm mad at your brother but you can repay that."
"P-Paano..?" she stuttered.
"Date me."
Then I'll break your heart. Ang panghuli sa larong sinimulan ng kapatid mo.
***
Seirra's POV
Nakatapat na ako ngayon sa laptop ko habang iniintay na mag-online si Creth. Later on, tumatawag na siya and so I answered it.
"Hey!"
"Sup Seirra na bestfriend kong panget."
"Nagsalita ang gwapo."
"Talaga."
"Ewan ko sa'yo. O kwentuhan moko dali! Anong bago??"
Kinwentuhan niya nga ako at ikinagulat ko yung nangyari kahapon na nakipag-away pala siya tapos kung paano binully yung kapatid niyang si Kirstine na wala man lang kalaban-laban. Nainis rin ako dun. How dare those people!
The story went on and my brows furrowed. I know him since we were very young which means I also know about his playing schemes. Hindi nga lang simpleng laruan pero involved pa ang mga tao sa paligid at events sa totoong buhay.
That is Jasper Creth Lozano pero ang case ngayon ang pinakamalala. Sinermonan ko siya at nagbangayan kami pero hindi siya galit. Ako lang. I sighed in frustration. Then I remembered about Raquel.
"Pumayag ba siyang i-date ka??"
"Of course. She'll surely fall. Patay na patay 'yun sakin."
"Sira ka talaga! Kaya mong saktan siya kahit yung kapatid niya ang may kasalanan sa'yo??"
"May kasalanan rin siya. She stole my first kiss and hell, she's so damn annoying. Siya rin ang pinakamalapit na kakilala ko sa kuya niya. I know if I'd hurt her, dodoble ang mararamdaman ng Dave na iyon dahil alam niyang kasalanan niyang binangga niya ako." he explained to me. I sighed heavily at nasapok ang noo ko.
"Oh gosh Creth. Nakakasakit ka ng ulo. You and your games."
"Bayaan mo na. It's quite fun actually. Parang pelikula pero sa totoong buhay. Now, Seirra. Would you hate me for all of that??" tanong niya sakin.
I stayed quiet for a while at napairap.
"No you idiot. Psh." sambit ko na nagpatawa sa kanya.
"Buti naman kundi friendship over tayo."
"Baduy mo! Ulul!"
He just smirked and later on, stuck his tongue out and made faces. Natawa na rin lang ako. No matter what he does, he's still Creth. Hinding-hindi mababago ang paningin ko sa kanya.
"Hey Creth?" I called him.
"Ow?"
"Promise me. Don't fall inlove with her alright?"
Kailangan ko ng assurance. Natatakot ako sa posibleng mangyari dahil.. ayoko. Hindi pwede.
"Give me a reason why?" he asked playfully.
"Dahil.. dahil ako lang ang Prinsesa mo hindi ba??"
Ngumiti siya sakin at mas nilapit pa ang mukha niya sa camera.
"I promise you, Seirra. I'm your Prince. Sa'yo lang."