Ruthless 3

1640 Words
JC's POV Hindi pa ako tuluyang makapasok sa gate, kita ko na si Raquel kasama ang mga kaibigan niya. Ng napansin niya ako, ngumiti siya agad at kumaway. Ngiting alam kong puno ng pag-asa. See how the two words I've said, 'Date me.' had her hopes up? Tch. Not a chance. Pero ngumiti pa rin ako. Peke naman. This is also an advantage of not having so many people around my world. No one knows me as much. "Good Morning JC!" bati ni Raquel sakin. "Good Morning to you too." Todo asaran naman yung mga kaibigan niya at kinikilig pa. Mga babae talaga dito. Why can't they be all like Seirra? On the second thought, wag nalang pala. It's better to have one unique Seirra in my life. "Mind if I join you walk?" "No. Not at all." "Alright!" tapos hahawak sana siya sa braso ko pero sinimulan ko ng lumakad. Nakakainis pero kailangan kong tapusin ang larong nasimulan ko na. Kwento siya ng kwento sakin ng kung ano-ano kahit hindi ako kumikibo. Ang ingay naman ng babaeng 'to. Tsk. Nag ring na yung bell. "Sabay tayong mag lunch later JC ah!" "Okay." sagot ko kahit ayoko naman talaga. Siya pa yung naghatid sakin sa classroom. Unbelievably obsessed chick. Psh. *** Raquel's POV Nasa table ako kasama ang mga barkada ko dito sa canteen. Todo tingin naman ako sa pintuan dahil baka dumating na si JC. "Ayan na si JC oh. Haayyyyy ang gwapo. Gosh!" "Tumigil ka nga diyan Lara. Akin na si JC." "Ows? Kayo na ba??" pagtatanong ni Karen. Kahit kelan talaga, mga atribida sila. "Hindi pa but that will happen soon. Hintayin niyo lang. Sige, puntahan ko muna Prince Charming ko." sabay tayo ko at nagmadali papunta sa table kung saan si JC. "Hey JC!" and then I smiled widely. Tumango siya sakin at ngumiti ng konti. Hayyyyy ako na talaga! "Anong gusto mong kainin for lunch? Ibibili na kita! My treat." I offered. "No it's fine. Dito ka nalang. Ako na bibili ng food natin." "N-Natin?" "Yeah. Ayaw mo?" "Gusto syempre! Okay I'll wait here. Hehe." Marami talagang napapatingin sa kanya. Mostly girls pero subukan lang nilang lumapit, kakalbuhin ko sila isa isa. Marami ring tumitingin sakin dahil syempre, maganda ako at sumasama sakin si JC. Inggitera't insecures. Hah. Maya-maya, bumalik na si JC bringing with him one tray na puno ng pagkain namin. "Wow! Thanks!" "Anything for a pretty lady like you." then he winked. He winked! AT ME!! And I'm pretty raw!!! JC's POV Pulang pula na ang mukha niya ngayon. Tumingin ako sa gilid ng hindi masyadong nagpapahalata. Ayun nga si Dave at ang sama ng tingin sakin. Nasiyahan naman ang kaloob-looban ko sa mukha niyang iyon. "Subuan na kita?" alok ko kay Raquel, giving her an innocent smile. "H-Ha..?" Umiling-iling ako kunwari amused sa kanya. Nilagyan ko naman ng kanin at ulam ang kutsara ko tsaka tinapat sa kanya. "Please?" Nanlaki ang mga mata niya habang namumula bago tumango at binuka yung bibig. Sinubuan ko nga siya. "Yan. Ako din subuan mo." she willingly obligued. "Pakikuha ako ng glass of water if it's alright pero kung hindi naman.." I trailed off pero alam kong papayag yan. "Okay I will. Wait lang." mabilis siyang tumayo. Good girl. Pagkabalik niya, inabot niya sakin ang baso ng tubig. Tinignan ko iyon and gave her a dismayed look. "Bakit? Is there something wrong??" "Gusto ko sanang may ice pero----" kunwari napatigil ako. One.. two... "I'll go get some ice. Saglit." tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Ang bilis niya namang mapasunod. Uto-uto kasi at nabubulag sa nararamdaman niya sakin. Nakakatawa. *** Naglalakad na ako palabas ng campus habang nakasunod ulit yung buntot ko. May babaeng lumapit sakin. If it isn't the ex girlfriend of Dave. "JC.. diba you like me??" her eyes looked at me desperately.  Isa pang katawa-tawa. "No he doesn't. Malandi ka. Mabuti nga't nagkahiwalay kayo ng kapatid ko. Stay away from JC you bitch." I smell some girly drama. Tss. Wala na akong oras para makinig sa kanila kaya nauna na akong umalis. Third Person's POV Dalawang linggo pa ang lumipas at nabalitaan na nga sa buong campus na ang tinuturing na misteryosong Prinsipe ng skwelahan ay nakikipag-date na sa isang sikat na Junior student. Karamihang babae ay nadismaya at nanghinayang. Dumating ang Martes. Nasa classroom nila si Raquel habang nagdidiscuss ang guro sa harapan pero siya, nag do-doodle lang sa pangalan nilang dalawa ni JC. Lahat pala sa klase ay puro babae dahil naka separate ang mga lalaki. Hindi niya napansin na pumasok pala si JC na may dalang bouquet of pink roses habang may dalawang lalaking nakasunod sa kanya at may mga gitarang dala. Umingay ng sobra sa loob ng classroom kaya napatingala si Raquel. Nanlaki ang mga mata. "Uso pa ba.. ang harana. Marahil ikaw ay.. nagtataka." simula ni JC sa pagkanta. "KYAAAAHHH!!!" "OH s**t! WAAAAHH PRINCE JC!!!" "OMG OMG OMG!! OH EM EF GEE!!!" *Sino ba 'tong.. mukhang gagong.. nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba." Unti-unti itong lumalapit kay Raquel habang nakangiti ng matamis. Pulang pula na ang mukha ni Raquel buhat ng kilig na nararamdaman. Sinong mag-aakalang peke lang lahat ng ito?? Natapos ang kanta at mas lumakas ang tili ng mga babae. JC's POV "Be my girlfriend." sabi ko ng nakalahad sa kanya sa bulaklak at nakatitig sa mga mata niya. Go on. Just fall and drown later on. It was not a question. Statement iyong sinabi ko sa kanya. Kinuha niya agad ang bulaklak mula sakin at niyakap ako. "Of course!! Super yes JC!!!" I hugged back. "I'm glad to hear that." Yes I am. Now I have one more step to go and that is to break you. *** Seirra's POV "Kami na ni Raquel, Sei." My smile faded. "Oh, wag kang mag-alala Prinsesa ko. Wala lang 'yun sakin. I just have to break her heart." he gave me his smile. Ang gwapo niya talaga. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya sa laro niya and that he is telling the truth. Alam kong hindi ko siya dapat kinokonsinti pero ayoko naman siyang magbago. Besides, I'm quite thankful na laro lang sa kanya iyon dahil kung totoo mang gusto niya si Raquel or worse--- mahal niya, I'm sure it'll break me instead. "Siguraduhin mo lang." pagbabanta ko at nagagalit-galitan, glaring at him on the screen. "Pag hindi ko na siguraduhin, mapapauwi kita ngayon din??" "Creth!!" "Hahaha! Joke lang. Oo naman. Pangako 'yan." Ngumiti ako. I trust his words. *** Third Person's POV Masayang-masaya si Raquel sa araw-araw na gumigising siya at alam niyang sa kanya na ang Prinsipeng pinangarap simula noon. Si JC naman ay tuloy lang sa pagpapanggap na masaya, doing allot of sweet gestures to her na para bang special talaga si Raquel sa kanya. Ngayon, nasa isang park sila malapit sa school, naglalakad-lakad habang nakakapit si Raquel sa braso ni JC. "Babe?" tawag ni Raquel. JC looked down at her and smiled adoringly. "Yes Baby?" Namula na naman si Raquel. "I love you." sambit nito. "I do too." labas sa tengang sambit ni JC pabalik tsaka hinalikan ang tuktok ng ulo ni Raquel. She giggled in delight. Lumipas pa ang ilang araw, linggo hanggang sa mag-isang buwan ang relasyon nila at sa mga oras na iyon, sobrang attached na ni Raquel kay JC at nahulog na talaga ng tuluyan. She loves him already at lumalala habang lumilipas ang mga oras na magkasama sila. A day before their second monthsary, which is Friday, nakapagdesisyon na si JC. JC's POV I can clearly see na mahal na niya talaga ako. 2 months is long enough at ayoko ng patagalin pa o mapagpabukas man lang. Bumaba na ako sa kotse dahil nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Marunong na akong mag-drive dahil ginusto kong matuto.  Tinawagan ko siya and on the first ring, nasagot agad. (Babe! Hii!! Miss mo na ako??) excitement is evident in her voice dahil sakin. How ironic since I'll be the one to end it too. "Hey. Nasa labas ako ng bahay niyo." (Really?? Hihihi grabe miss mo nga ako! Haha sige I'm going out na.) "Okay." then I hang up. Ilang sandali lang, bumukas na yung gate at tumakbo siya palapit sakin para yumakap sana pero pinigilan ko siya. "I'm breaking up with you." deretsong sambit ko at walang pinapakitang kahit anong emosyon. "W-What..? Hahaha you're joking right??" she tried to laugh it off but the nervousness is very clear in her voice. "I've been known as a man of my words. Do you think I'm joking?" "N-No.. I mean yes... but no! You're not really breaking up with me! You said you love me!!" now, she's panicking. "I am seriously breaking up with you and No, I never loved you. You are just a mere game." "J-J..C... please don't.. tell me you're lying.." "Tss." tsaka sana ako aalis na pero niyakap niya ako pero tinanggal ko ang mga braso niya sakin. "JC! Hindi ko kakayanin please! No!" Tumutulo na ang mga luha niya. May naramdaman ba akong awa? Wala kahit konti. Bigla siyang lumuhod. "JC please.. mahal na mahal kita... don't do this to me.. maawa ka naman oh... hindi ko talaga kakayanin.." "Awa? Tss. Ni katiting wala akong nararamdaman kagaya ng pagmamahal na inakala mong binibigay ko sa'yo. You don't know me as much as the others and the whole 2 months was just an act. I had fun playing with you by the way." tsaka ko binuksan yung pinto ng sasakyan pero bago ko pa masara, narinig ko siyang magsalita. "You're so cruel..." "Yes I am. I was born to be one. *grin*" "...and ruthless.." she continued crying her heart out, still on the ground. Pinaharurot ko na ang sasakyan palayo sa kanya. K.O. Game Over. Anong laro kaya ang kasunod?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD