Raquel's POV
"Gago ka talaga! Mamatay ka na!!"
Susugod na sana si Kuya pero hinarangan ko siyang makalapit kay JC.
"Kuya tama na!" awat ko.
"Ano ba Raq?! Pinagtatanggol mo pa rin ang gagong iyan??!!"
Tinignan ko si JC. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya. How could he be so heartless?
"Oo!! Kaya tama na or else hindi kita papansinin!!"
Umiling si kuya. "You are unbelievable. Gumising ka sa katangahan mo Raquel."
He glared at JC one more time bago tuluyang umalis. Tama ka kuya. Katangahan nga na mahal ko pa rin siya kahit ang sakit sakit ng ginawa niya.
"The show is done people." sambit ko sa mga estudyante at umalis na rin. Ayokong maiyak na naman at mapahiya sa maraming tao dahil sa tuwing makikita ko si JC, parang gusto ko ulit magmakaawa para bumalik siya sakin.
I fell really hard and I don'r want to stand up yet kahit masakit.
***
JC's POV
Ako ulit ang sentro ng atensyon dahil sa nabalitaan nila tungkol kina Raquel. Ganyan naman palagi ang mga tao.
They always want to talk about other people's lives even though it does not concern them. Ano bang mapapala nila dun? Napapakain ba sila? Psh.
"Bro! Grabe, binasag mo puso nung magandang chix sa third year?? Ang tindi!" sabi ng isa kong kaklaseng lalaki.
"Balita pa raw, pinaglaruan mo lang. Ang astig naman nun!"
"Turuan mo naman kami! Pwede kang dumagdag sa barkada namin!!" alok ng isa pa.
Iilan sila sa mga taong pilit makipagkaibigan talaga sakin. Hindi naman makikipagkaibigan ang mga 'yan kung walang kailangan. Lahat may rason.
"Nah." tanggi ko at hindi na sila pinagtuunan ng pansin.
***
Raquel's POV
Everywhere I go, may nasasabi ang mga tao sakin. Mabuti sana kung positive pero puro negative. Mga pangungutya. Masakit pero pinipilit kong wag pansinin dahil sa two months na nakasama ko si JC, even if he only... played with me, sobrang saya ko. And that was enough for the consequence of falling for the Cruel Prince.
"Well, well. If it isn't Raquel of III-B. Look at you. Parang pasan mo ang buong problema ng mundo." sabi ng president ng student council. Si Jenina.
Palaban akong babae pero sa mga oras na 'to, wala akong gana makipag-tarayan or much more, makipag-away. Lalampasan ko na sana siya pero biglang hinawakan ng dalawang alipores niya ang magkabilang braso ko.
"How rude of you. Kinakausap pa kita." duro sakin ni Jenina. Diba mas rude ang pagduro niya sa akin?? Tsk.
"Ano ba kasing kailangan niyo?" tanong ko.
"Well you see, we love JC as much as the other girls around and then nabalitaan namin 2 months ago na naging kayo. Of course wala kaming magawa dahil takot kami kay JC pero ngayong alam na naming wala palang silbi ang pagmamayabang mo dahil laruan ka lang pala.." sabi ng kaibigan ni Jenina na katabi niya.
Aray. It really did hurt. Napayuko ako ng konti.
"Aww.. masakit?? Ayan kasi. Asa ka pa namang magustuhan ka ni Prince JC!!" Jenina shouted right at my face. Konting lakas naman diyan Raquel. Kombinsi ko sa sarili ko bago magbuntung-hininga.
"Inggit lang kayo. At least ako, nagkaroon ng chance na maging girlfriend ni JC at naranasan kong gusto niya ako even though it was all pretending. Malakas kasi loob ko di kagaya niyo at di hamak naman na ang papangit niyo. Pwe."
Nagngitngit ang mukha nung dalawa sa harapan ko at humigpit ang kapit ng dalawa pa sa magkabilang gilid ko. Then later on...
I received two hard slaps. Feeling ko namanhid mga pisngi ko. I may be weak emotionally but I won't go down physically, without a fight.
Tinadyakan ko ang paa ni Jenina kaya napa-aray siya. Nagpumiglas rin ako kaya nakawala ako sa kapit nung dalawa. I was about to run when someone grabbed my hair.
"Aww sht!!" hanggang sa pinagtulungan na nila ako.
"Malandi ka!!" tsaka ako kinalmot sa pisngi.
"Makapal ang mukha!!" nasa sahig na ako habang sinasabunutan nila ng may tumadyak pa sakin. Darn. I feel so helpless and weak.
"Ugghh.." ungol ko sa sakit ng pinagagagawa nila. Lumalabo na rin ang paningin ko hanggang sa... wala na akong makita.
JC's POV
Pauwi na sana ako dahil gumagabi na din ng may narinig akong ingay ng mga babae malapit sa lockers. Hindi ko na sana papansinin pero ewan ko ba, pumunta pa rin ako.
At doon ko nakita si Raquel na nasa sahig at pinagtutulungan ng apat na babae. Napailing ako.
"That's no fair play." napatigil silang apat at gulat na napatingin sakin.
"P-Prince JC.."
"I'll count on 3 for you all to get lost." nanlaki ang mga mata nila.
"3.." I started counting kaya nagmadali silang tumakbo paalis. Napatingin ako sa walang malay na si Raquel. Yes, I love playing games but I'm not too heartless to leave her alone here, battered.
And I'm 98% sure it's because of me. Binuhat ko siya bridal style at sarado na ang clinic ng school kaya naglakad ako palabas ng campus. Pinagtitinginan ulit kami at kumukuha pa ng litrato ang iilan. Wala akong paki.
Dumating na rin ang driver ko kaya isinakay ko si Raquel sa backseat habang nakaalalay ako. Sinabihan ko si manong na dalhin kami sa ospital.
***
Raquel's POV
Minulat ko ang mga mata ko at uupo sana.
"Aray!"
Damn. Ang sakit ng katawan ko. Bakit-----
"You're awake."
Napatingin ako sa may sofa.
Andun si JC nakaupo habang nakacross-arms at naka number four ang isang paa. Tsaka teka... nasa ospital pala ako? Oh wait. Yeah. Nabugbog nga pala ako. Pero teka ulit, anong ginagawa dito ni----
"Ako nagdala sa'yo dito. Nakita kitang nagpapabugbog dun sa apat na seniors." mind reader lang??
"Teka. HIndi ako nagpabugbog. Sila bumugbog sakin. And well.. thank you.."
Tumayo siya at lumapit sakin. Tumitig pa sa mukha ko. "You should've shouted for help or at least fought."
"Madami sila.." tumingin ako sa gilid dahil napaka-intimidating at seryoso talaga ng mga mata niya. JC wag kang malapit masyado. Hindi ako nakakahinga.
"Ako ang dahilan hindi ba?"
Straightforward.
"U-Uh.. well.. sort of... pero alam kong ako naman talaga ang may kasalanan. Masyado kasi akong assuming at hopeful. Pati determinado na rin pero sino nga ba ako diba?" tas ngayon tumingin na rin ako sa kanya.
"Who am I to steal your kind of heart?" mapaklang sambit ko.
"I have no heart."
"Oo nga pala because you're too ruthless."
He shrugged. "Partly. Pero wala na nga akong puso. Someone has it already."
He then turned his back on me at deretso sa pintuan. "Bye. Get well soon. I'll teach those girls a lesson." and he flashed me a smile.
Or maybe he isn't as heartless as most of us thought?