“What are you doing, Grant?” tanong agad ni Lucille pagpasok pa lang sa opisina niya. “What is this all about?” Pabalya nitong inilapag sa mesa niya ang hawak nitong ticket saka galit na hinarap ang binata. Napasunod ang tingin niya roon na hindi man lang tinitingnan ang ginang saka kalmadong ipinagpatuloy ang pagpirma sa mga dokumentong nasa harap niya. “Plane ticket to New York. From now on, doon ka na titira kasama ni Savannah.” “The name of the passengers are clearly written on the ticket. Ang tinatanong ko, bakit?... And what did you say? We’re going to stay there for good? What’s going on with you? Is this your another way to delay the wedding?” “Believe me, Mom. It would be better for you to do as I say,” nagtitimping sambit niya. Ilang araw na siyang nakabalik mula sa Italy pe

