“Anong plano mong gawin ngayon, Grant?” naninimbang na tanong ni Jax. Mataman niyang tiningnan ang kaibigan habang patuloy itong nagpapakalango sa alak. Laglag ang balikat nito habang paminsan-minsan ay umiiling. Narito sila ngayon sa bar na pag-aari ni Toby. Nagmadali siyang pumunta rito nang tumawag sa kanya si Toby at ipaalam na halos maghapon nang nag-iinom si Grant ayon sa staff ng bar na tumawag dito. Hindi nito maiwan ang kapatid na naaksidente kaya siya ang tinawagan nito upang samahan ang kaibigan nila. “Ano pa? I..tutuloy ko ang kaso.” “Paano ang Mommy mo?” Tumunghay ito sa kanya at halos magdikit ang mga kilay na ngumisi. “M-mommy ko?... Ang…ang peke kong Ina?” Lumagok ulit ito ng alak sa hawak na bote saka tumawa nang malakas. “Ano nga ba ang maganda kong gawin sa kanya?

