Huminga siya nang malalim bago kumatok sa pinto ng VIP room na itinuro ng waitress ng bar kung nasaan si Grant. Ilang beses siyang kumatok pero wala siyang narinig na sagot mula sa loob pero rinig niya ang pagbagsak sa sahig ng isang babasaging bagay na tingin niya ay bote. Kinagat niya ang labi saka pinihit ang doorknob. Mula sa pagkakayuko ay inilibot niya ang mga mata sa may katamtamang liwanag ng maluwang na kwarto. Agad ding sumuot sa ilong niya ang matapang na amoy ng alak kasabay ng pagdampi ng lamig sa balat niya dulot ng malakas na buga ng aircon. Sa gitna noon ay nakita niya ang isang bulto ng katawan na nakahiga sa isang mahaba at itim na sofa. Nag-iisa. Nakapatong ang isang braso nito sa noo habang ang isang kamay naman ay nakalaylay sa gilid. Agad niya itong nakilala. Kahi

