Awtomatikong napasunod ang tingin ni Vera nang itaas ni Anton ang kwintas na hawak nito at pinagmasdan iyon. She was sitting in front of his desk inside the gallery room. Pagpasok pa lang sa kwartong iyon kung saan walang tanong siyang sumunod sa matanda ay napahanga na siya. Puno ng magagandang paintings ang kwartong iyon. Mistulang nasa isang exhibit show siya habang isa-isang pasimpleng sinusulyapan ang mga nakasabit na larawan sa dingding. She had a good impression on the family na lalong nagpahanga sa kanya nang makita ang mga pangalan sa ibaba ng bawat paintings at ang iba’t ibang klase ng trophy at recognition na halos pumuno sa buong kwarto. Karamihan sa mga larawan doon ay tampok ang mga bata. May mga madudungis at mayroon din mga mukhang maralita. Iba't ibang tema, a mother a

