“Tita, nandito na ako,” agad na sigaw ni Rael pagkatapos nitong patayin ang makina ng sasakyan at bumaba sa kanyang pick-up. Mabilis naman lumabas ang tinawag nito na agad na sumalubong sa kanya. “Hay, mabuti naman at dumating ka na! Kanina pa kami nag-aalala sa ‘yo dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko,” nag-aalalang sambit ng ginang. “Bakit ba ginabi ka?” “Pasensya na po, ang lakas kasi ng ulan kanina sa Maynila. Maraming kalsada ang lubog sa bahay. Na-lowbat pa ‘yong cellphone ko kaya hindi ko naipaalam sa inyo na gagabihin ako.” “Ganoon ba? O siya, pumasok ka na at magpalit ka na muna ng damit bago ka kumain. Iinitin ko na rin muna ang ulam,” malambing na taboy nito sa kanya. “Sige po,” aniya na naglakad papunta sa likod ng sasakyan nang maalala ang mga dala niya. “Pero ilalabas k

