Sumungaw ang matatamis na ngiti ni Vera nang marinig ang malulutong na tawanan habang papalapit siya sa pavillion na nasa gilid ng mansion nina Grant. Naroon ang mga kaibigan ng nobyo na maaga pa lang ay isa-isa nang nagdatingan ngayon araw. Iyon na raw ang magsisilbing stag party ni Grant dahil ayaw nitong pumayag sa inihandang party ng mga kaibigan para dito. Katwiran ni Grant ay wala itong tiwala sa mga kaibigan kaya mas mabuting sa loob ng mansion ganapin ang selebrasyon sa gayon ay makatiyak na walang kalokohang maaaring gawin ang mga kaibigan nito. May tiwala naman siya sa nobyo at kampante siya na hindi nito papatulan kung anuman ang kalokohang iniisip nito na pwedeng gawin ng mga kaibigan nito. Pero aaminin niya na mas kumportable siya sa desisyon ng nobyo. “Kaiden, come

