THISA IRENE Nang sumapit na ang tanghalian ay nagpasundo ako sa asawa ko dito sa greenhouse. Doon raw kami kakain ng lunch sa bahay nila mama. Kaya lagot talaga sa akin ang mga kapatid niya lalo na si papa dahil isusumbong ko silang lahat kay mama. Ngayon pa lang ay natutuwa na ako sa mga naiisip ko. Para akong isang kontrabida sa tv. “Kumusta ang bonding niyo ng mommy mo?” tanong sa akin ng asawa ko habang nasa daan kami pauwi sa bahay nila. “Okay naman, na miss ko ang greenhouse,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Mabuti naman at nag-enjoy ka,” sagot niya sa akin. “Alam mo nakakatuwa nga ang kapatid mo,” sabi ko sa kanya. “Sino sa kanila?” “Si Camilla,” sagot ko sa kanya. “Bakit? May nakakatuwa ba sa kulot na ‘yon?” Nakangisi na tanong sa akin ng asawa ko. “Oo, kasi naalala ko an

