THISA IRENE “Good morning, mom.” bati ko sa mommy ko pagpasok ko sa loob ng bahay namin. “Good morning, baby. Okay ka lang ba? Bakit hinihingal ka?” tanong niya sa akin. “I’m okay, mom. Tumakbo kasi ako,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Dahil hindi ko naman puwedeng sabihin kong bakit ko pinapahirapan ang sarili ko. Dahil sa kagagawan ng mga Dela Vega nakapag-papawis ako ng wala sa oras. “Okay, magbreakfast na tayo,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Akyat po muna ako, mom. Sunod na lang po ako,” sabi ko sa kanya. Tumakbo rin ako paakyat sa room ko. Pagpasok ko ay napaupo na lang ako sa sahig dahil ngayon ko pa lang naramdaman ang pagod ko sa tinakbo ko kahit na hindi naman ito ganun ka layo. Nakakainis kasi eh, ang lakas ng trip nila papa gov. Tapos sinabayan pa talaga ng asawa ko na

