THISA IRENE Nang alisin ko ang piring ko ay hindi ko inaasahan kung nasaan ba kami ngayon. “For real?” “Yes, love.” nakangiti na sagot niya sa akin kaya napangiti ako. “Ang ganda na ng treehouse mo,” namamangha na sabi ko sa kanya. “Treehouse natin, pagmamay-ari natin itong dalawa, sa ating dalawa lang,” nakangiti na sabi niya sa akin at talagang tinama niya ang sinabi ko. “Matibay ba yan?” tanong ko sa kanya. “Oo naman, mas matibay pa sa relasyon ng parents natin,” natatawa na sabi niya sa akin. Tumawa na lang rin ako. Ngayon ay hagdan na itong treehouse namin. Noon kasi ay nahihirapan pa akong umakyat tapos ang taba ko pa noon kaya talagang katawan ko pa lang ay mabigat na. Kung natuwa at namangha ako kanina sa ganda ng labas ay mas natuwa ako sa kulay ng treehouse namin dito sa

