CHAPTER 2

1346 Words
THISA IRENE “I’ll k*ll you!” sabi ko sabay tutok sa kanya ng knife na laruan lang naman. “T—Tabachingching, ‘wag kang magjoke ng ganyan,” sabi niya sa akin. “I’m not joking, kuya. Tikman mo ang ganti ng api,” sabi ko sa kanya sin*ksak saks*k ko ang leeg niya gamit ang kutsilyo ko na laruan. “Ouch! Stop na! Aray ko!” “Tama na, tabachingching.” “Ayaw ko nga,” sabi ko sa kanya. “Baby tabachingching, stop na. Mababawasan ang kapogian ko sa ginagawa mo eh,” sabi niya sa akin. Okay na sana ‘yung baby pero dinugtungan pa niya. Alam na alam talaga niya kung paano ako galitin. “Nakakainis ka talaga, kuya! Hindi ka ba nagsasawa na tawagin akong tabachingching?” naiiyak na tanong ko sa kanya. “Bakit naman ako magsasawa?” tanong niya sa akin kaya lalo na lang akong naiyak. “Ibig sabihin wala ka talagang balak na tigilan ako sa kaka-tabachingching mo?” “Wala,” sagot niya kaya doon na lumakas ang iyak ko. “I hate you, I hate you na talaga!” umiiyak na sigaw ko kaya naman bigla na lang pumasok si mommy at daddy dito sa room ko. “Mommy, si kuya oh,” sumbong ko sa mommy ko. “Baby, what happened?” “He said na, hindi niya ako titigilan na tawagin akong tabachingching,” sagot ko sa kanya. “Tita, alis na po ako.” paalam na naman niya dahil tapos na niya akong asarin. “Sige, ingat ka.” ang tanging sinabi ni mommy at hinayaan lang na lumabas ito kasama si daddy. “Mommy, hindi niyo man lang ba papagalitan si kuya?” tanong ko sa kanya. “Baby, dapat sanay ka na sa kuya mo. Ilang taon na siyang ganyan, hindi ka pa rin sanay?” tanong pa niya sa akin. “Bakit po parang kasalanan ko pa?” masama ang loob na tanong ko sa kanya. “Baby, lambing lang ng kuya mo ‘yon. Hindi naman siya ganun kapag sa labas diba? Kapag sa bahay lang natin at sa bahay nila. Kasi kung gusto ka niyang i-bully talaga ay dapat kahit sa labas ginagawa niya–” “Whatever!” naiinis na sabi ko. “Huwag ka ng umiyak, baby.” malambing na sabi ni mommy. “I hate him,” umiiyak na sabi ko habang kumakain ako ng strawberry na binigay ni daddy. “Eat ka na lang, baby. Healthy ‘yan, hayaan mo na ang kuya mo.” kausap sa akin ni daddy. “Labas na kami, baby. ‘Wag ka ng umiyak dahil love na love ka naming lahat,” sabi pa sa akin ni mommy. Hindi na ako nagsalita dahil masama ang loob ko. Lumabas na sila at ako ay umiiyak pa rin habang kumakain. Ako naman kasi ang anak nila pero kinakampihan nila ang pangit na ‘yon. Lumayas na lang kaya ako dito? Umalis na lang kaya ako? Hahanapin kaya nila ako? Alam ko na busy ngayon si mommy at daddy lalo na kakauwi lang ni daddy. Mabilis akong nagsuot ng hoodie ko at kinuha ko ang backpack ko. Nilagay ko ang wallet ko at ang mga snacks ko. Pati na itong mga strawberries ko ay nilagay ko rin sa bag ko. Dahan-dahan akong lumabas sa room ko at patago-tago pa ako. Hindi dapat nila ako mapansin. Lalayas na ako dito. “Goodbye, mommy. Goodbye, daddy. Goodbye house,” sabi ko bago ako lumabas sa gate namin. Naiiyak talaga ako kaya naman i can’t hold my tears. Ayaw kong umalis but I have to do this. Kapag hinayaan ko na lang ang Raleigh na ‘yon ay aapihin na lang niya ako lagi. At ang parents ko, wala silang pakialam. Ang tingin lang nila ay nilalambing ako ng pangit na ‘yon. It’s not lambing. Dahil ilang taon na akong nagtitiis sa pang-aasar niya sa akin. Hindi naman lambing ‘yun kundi pambubully na niya. Hindi pa naman madilim ang daan kaya hindi ako natatakot. Mag-isa lang akong naglalakad. Dahil dito ang daan sa house nila Mama Rachel ay dito ako dumaan. Kailangan ko pang magtago sa mga halaman nila mama para lang walang makapansin sa akin mula sa loob. Tuwang-tuwa na ako dahil nakalampas na ako sa gate. “Saan ka naman pupunta?” Nagkunwari ako na wala akong narinig. “Bingi ka na da ngayon?” “Saan ka pupunta? Bakit ka naglalakad na mag-isa?” tanong niya sa akin pero tumakbo ako para makalayo ako sa kanya. “Hey, Thisa!” sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin hanggang sa humarang na siya sa harap ko. “Tatakbo ka pa eh ang bagal mo naman,” sabi niya sa akin. Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa tinarayan ko siya. “Alam ba ng mommy mo na lumabas ka sa bahay niyo?” tanong na naman niya sa akin. “May nagpapaalam ba na lumalayas?” mataray na tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya. “Lalayas ka pala?” “Tsk!” “Tara na ihatid na kita sa bahay niyo,” sabi niya sa akin. “Ayaw ko ng umuwi!” “Lalayas ka? Saan ka naman pupunta? Alam mo ba na may mga nangunguha ng mga bata ngayon?” “Hindi nila ako kukunin, mamumulubi sila sa akin. I’m sosyal at mahal ang foods na kinakain ko,” sabi ko sa kanya pero tumatawa lang siya. “Tama ka naman. Pero mas gusto nila ang mataba eh lalo na ikaw. Ibebenta nila ang organs mo, bubuksan nila ang malaki mong tiyan,” natatawa na sabi niya sa akin na tinatakot pa ako. “Get out of my way!” naiinis na sabi ko sa kanya. “Ayaw ko nga,” sabi niya sa akin. “I hate you na talaga, kuya.” sabi ko sa kanya. “Love mo ako?” natatawa na tanong niya sa akin. Pero sinamaan ko lang siya ng tingin. “Tara na nga,” sabi niya at hinila na niya ako. Kung sa school namin ay marami ang may crush sa kuya kong ito ay ako naman itong inis na inis sa kanya. Bakit naman naging crush nila ito? Hindi naman gwapo. He’s ugly kaya tapos sa school suplado siya. “Ano ba ang laman nitong bag mo?” tanong niya sa akin. “Foods ko, baka magutom ako eh.” sagot ko sa kanya habang nakasimangot. Dahil sa naging sagot ko sa kanya ay bigla na lang siyang tumawa na parang baliw kaya mas lalo akong naiinis sa kanya. “Tama nga naman. Baka magutom ka,” sabi pa niya. “This is your fault!” “Bakit ko naman naging kasalanan?” tanong niya sa akin. “Kung hindi mo ako inaasar ay hindi–” “Pati ba naman ang mangkok ay nilagay mo dito sa bag mo?” tanong niya sa akin habang tuwang-tuwa siya na hawak niya ang mangkok kanina na may laman na strawberries. “Ewan ko sa ‘y–” “Tara na nga, may ipapakita ako sa ‘yo.” sabi niya sa akin at binuhat niya ako. “Saan tayo pupunta?” “Secret,” nakangiti na sagot niya sa akin. “Iuwi mo na lang ako. Baka mamaya ay ipa-kidnap mo pa ako–” “Hindi ko ‘yun gagawin. Baka wala na akong happy pill,” natatawa na sabi niya. “Baka sumakit na ang tummy mo dahil sa kakatawa mo. Tuwang-tuwa ka eh,” sabi ko sa kanya. “Huwag mo akong kausapin dahil hinihingal na nga ako sa bigat m–” Sa inis ko ay sinabunutan ko na ang buhok niya. Sino ba kasi ang nag-utos na tumawa siya ng tumawa. Naiinis ako sa kanya dahil hindi natuloy ang paglalayas ko. At ang may kasalanan ay ang lalaking ito. Kailan pa kaya siya mawawala sa buhay ko? “Nandito na tayo,” sabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD