CHAPTER 3

1552 Words
THISA IRENE “Nandito na tayo,” sabi niya sa akin at ibinaba na niya ako. “Ano naman gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya. “Wala, tatambay lang.” “Uuwi na ako. Baka maraming mosquito dito,” sabi ko sa kanya dahil dito ba naman kami sa may bakanteng lote na may mga trees. “Wala,” sagot pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang siya sa akin. Kahit naman tarayan ko siya ay walang effect sa kanya. “Umakyat ka.” utos niya sa akin. “Saan? And why?” tanong ko sa kanya dahil bakit niya ako pinapaakyat. Sa tree ba? “Dito,” sagot niya sa akin sabay turo sa puno ng santol. “What?!” tama nga ako sa may tree nga talaga. “Akyat na,” utos pa rin niya sa akin kaya naman pinalo ko ang balikat niya. “Ayaw ko nga, baka mahulog pa ako. Saka hindi ako marunong magclimb sa tree.” sagot ko sa kanya dahil totoo naman. “Ang laki kasi ng katawan mo kaya hindi mo na kayang buhatin ang sarili mo,” sabi niya sa akin kaya naman lalong sumama ang loob ko sa kanya. “Uuwi na ako,” sabi ko at tumalikod na ako. “Sorry na, nagbibiro lang ako.” sabi niya at pinigilan niya ako. “Bakit ka biglang naging mabait? Dahil lang sa gusto mo na umakyat ako?” tanong ko sa kanya. “May ipapakita kasi ako sa ‘yo tapos aalis ka na agad.” “Bakit naman kasi sa taas pa ng tree? Baka naman mahulog ako,” sabi ko sa kanya. “Hindi ‘yan, sasaluhin kita kahit pa mabigat ka.” okay na sana pero may karugtong pa ang sinasabi niya. “Ayaw ko nga, bakit ba mapilit k—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang lumiwanag ang tree at nagulat ako dahil may tree house sa taas. Bakit ngayon ko lang ito nakita. Hindi ko naman ito napansin noon. “Wow!” nakangiti na sambit ko. “Maganda ba? Do you like it?” tanong niya sa akin at nasa taas na siya ng tree. Nakangiti pa siya sa akin. “Pangit,” sagot ko sa kanya at tumalikod na ako. “Talaga?” “Pangit nga, kasing pangit mo,” sabi ko at naglakad na ako palayo sa kanya. Kapag sinabi ko sa kanya na maganda ay sure akong magiging mayabang na naman siya. Makaganti man lang ako sa kanya. Lagi na lang kasi siyang masaya kaya dapat lang saktan ko rin siya para mawala ang maganda niyang smile. Maganda ang tree house at gusto ko umakyat doon pero ayaw ko muna sa ngayon. Kapag naging mabait na siya sa akin. “Talaga bang pangit?” tanong na naman niya sa akin na sumunod pala sa akin. “Yes,” mabilis na sagot ko sa kanya. “Hindi ka pa nga umakyat doon. Tapos sinasabi mo na agad na pangit,” sabi niya sa akin. “Pangit naman talaga,” sagot ko sa kanya. “Ang sama mo naman–” “Mas masama ka,” sabi ko at tumakbo na ako papasok sa gate namin. Mabuti na lang talaga at nasa room pa rin sila mommy at daddy kaya hindi nila nalaman na lumabas ako. Maliban na lang kapag sinumbong ako ng pangit na ‘yon. Naglakad ako papunta sa may window para silipin kung umalis na ba si kuya. Mabilis naman akong nagtago dahil hindi pa pala siya umalis. Nakatingin kasi siya dito sa room ko. Bakit kaya hindi pa siya umaalis? Nakakainis na siya bakit nandito pa siya. Gumapang ako papunta sa kama ko pero nagulat ako dahil bigla na lang bumukas ang pintuan ng room ko. Nagulat na naman ako dahil siya ang nakatayo sa may pintuan. “Anong ginagawa mo d’yan? Aso ka rin ba ngayon?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Pero mas bagay sa ‘yo na maging b–” “Shut up!” naiinis na sabi ko dahil alam ko na ang kasunod ng sasabihin niya. Lalaitin na naman niya akong pig. I’m chubby, not piggy. “Why are you here ba?” tanong ko sa kanya. “Nakalimutan mo ang bag mo. Sayang naman ang mangkok mong baon,” nakangisi na sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na ako. Para na kasi akong ewan dito sa floor. Ang akala ko ay ihahatid lang niya ang bag ko pero may balak pa siyang tumambay dito sa room ko. Hindi ko na lang siya pinansin. “Tabachingching,” tawag niya sa akin. “Hey!” “Wala ka bang balak na kausapin ako? Galit ka na ba sa akin–” “Matagal na akong galit sa ‘yo,” putol ko sa sasabihin niya. “Really? Galit ka sa akin? O baka naman crush mo ako?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Para kang crazy dog,” sabi ko sa kanya dahil ang assuming niya. Ang bata ko pa para magkaroon ng crush. “Kagatin kita d’yan eh,” sabi niya sa akin at sound pa siya na parang dog. “Kaya lang hindi ko kayang kagatin ang b*boy,” sabi niya sa akin at tumawa na naman siya. Dahil ayaw ko ng makinig sa mga panlalait at pambubully niya sa akin ay mabilis akong pumasok sa banyo. Dito na lang muna ako tatambay sa bathroom ko. Hihintayin ko na lang na umalis siya. Ayaw ko na talaga siyang patulan ngayon. Kapag naman kasi isumbong ko siya sa mommy ko ay siya pa rin naman ang kakampihan nila. Pinuno ko ng tubig ang bathtub ko dito sa room ko. Nilagay ko rin ang mga laruan ko dito at hinayaan ko silang magpalutang-lutang sa water. Natutuwa ako dahil pinaliguan ko silang lahat. May binili kasi ang daddy ko na set ng mga toys na nandito sa cabinet ng bathroom ko. Binuhos ko ang lahat ng bubble soap ko. Kaya naman tuwang-tuwa ako sa mga bubbles. Umaapaw na ang mga bubbles sa bathtub ko. Hanggang sa nagulat ako dahil biglang bumukas ang pintuan ng room ko at pumasok na lang bigla si kuya. “Ouch!” napadaing siya dahil nadulas siya. “Kuya, are you okay?” tanong ko sa kanya. “What do you think?” tanong niya sa akin. “Bakit ka kasi bigla na lang pumasok dito? Wait lang, tatawagin ko na lang sila mommy.” sabi ko sa kanya at tumayo na ako pero bigla na lang rin akong nadulas kaya naman bumagsak rin ako kay Kuya Raleigh. “Ahh, ang bigat mo! Mamatay na yata ako!”’ sigaw niya kaya umiyak ako ng malakas. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot dahil umiyak pa rin ako. “Ikaw pa talaga ang umiiyak na para bang ikaw ang nasaktan. Ang bigat mo kaya, ilang kilo ka ba?” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong umiyak hanggang sa pumasok sila mommy dito sa loob ng banyo. “What happened?” nag-aalala na tanong nila. “Nadulas po ako sa floor,” sagot ko. “Raleigh, okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” tanong ni daddy. “Masakit po ang likod ko, tito.” sagot niya. “Akala ko umuwi ka na kanina?” tanong ni mommy. Ako naman itong kinakabahan. Baka kasi sabihin niya kay mommy na naglayas ako. Tumingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. “Hinatid ko lang po ang gamit na nakalimutan ni Thisa sa bahay. Ang tagal po kasi niya dito sa banyo kaya nag-aalala ako. Nang pumasok po ako ay nadulas po ako sa bula,” sagot niya sa parents ko. “Pumunta na tayo sa hospital, mommy.” sabi ko sa kanila dahil nag-aalala ako sa kanya kahit pa bully siya. “Baby, di ba po sabi ko ‘wag kang maglalaro ng bula.” sabi sa akin ni mommy. “I’m sorry po,” nakayuko na sabi ko at nagsimula na akong umiyak. “Huwag ka ng umiyak, hindi mo kasalanan.” sabi sa akin ni Kuya Raleigh. Ako naman itong nagulat dahil medyo naging mabait na siya sa akin. “Ako na ang bahala sa kanya,” sabi ni daddy at binuhat niya si Kuya kahit pa big na si Kuya. “Nasaktan ka ba, baby?” tanong sa akin ni mommy. “Hindi po, mommy.” “Huwag ka ng maglalaro ng bubbles sa susunod ha–” “Magiging okay lang po ba si kuya? Paano po kung magalit sa akin si Mama Rachel? Baka po magalit siya dahil nasaktan ang anak niya,” nag-aalala na tanong ko. “Magiging okay ang kuya mo,” sabi niya sa akin. Hindi na ako nagsalita. Hanggang sa nakauwi na ang daddy ko. Sinabi niya sa akin na okay lang si kuya. Kaya naman nakahinga ako ng maayos. Akala ko kasi nabali na ang likod niya. Alam ko naman na mabigat ako kaya sure ako na nasaktan siya. “Bakit ba ako maaawa sa kanya? Ang bad niya kaya sa akin,” kausap ko sa self ko dahil karma na siguro ni kuya ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD