THISA IRENE
Monday na naman at kailangan ko na namang pumasok sa school. Kahit pa kailangan ko ng bumangon ay nakapikit pa rin ako. Ayaw ko pa kasing tumayo at gusto ko pang matulog. Ewan ko ba, bakit ba kasi ang aga ng pasok namin sa school.
“Baby, bangon ka na. Nasa baba na ang kuya mo,” sabi niya sa akin kaya kaagad akong bumangon.
“What? Why?” nagtataka na tanong ko kay mommy at nawala na ang antok ko.
“Kasi maaga ang daddy mo umalis,” sagot niya sa akin.
“Eh, bakit ako sasabay sa kanya?”
“Busy po ako, marami po akong gagawin sa shop. At alam ko naman na safe ka kapag kasama mo ang kuya mo,” sabi sa akin ni mommy.
Kung alam lang niya na sira ang araw ko kapag kasama ko ang lalaking ‘yon. Kung alam lang niya ang tinitiis ko sa mga pang-aasara nun sa akin. Pero kahit naman alam nila ay wala naman silang pakialam. Because kampi sila sa lalaking ‘yon. Nakakainis talaga siya, bakit ba kasi sa kanya pa ako sasabay?
Pero dahil wala rin naman akong magagawa ay bumangon na ako at pumasok na ako sa bathroom. I need to ligo na dahil male-late ako kapag nagtagal pa ako. I can do it by myself kaya naman hinahayaan na ako ni mommy. She’s helping me na lang sa pagsuot ng uniform ko. She also combed my hair. My mommy is the best mom in the world kahit pa minsan ay hindi niya ako kinakampihan. Ang sweet ng mommy ko, she woke up early to prepared my baon.
Ayaw raw niya na bumibili ako sa cafeteria. And I don't like di naman eating doon because I like my mom’s prepared foods. Mas masarap at mas marami kaya busog na busog talaga ako.
After ayusin ng mommy ko ang hair ko ay bumaba na kami sa baba para kumain na ako ng breakfast.
“Good morning, tabachingching,” nakangiti na bati sa akin ni kuya.
Hindi ko siya binati dahil ayaw ko. Super early pa tapos narinig ko na naman ang tabachingching niyang tawag sa akin. It so nakakairita kaya. I don’t like it, kasi nilalait na naman niya ako kapag naririnig ko ‘yon.
“Raleigh, nagbreakfast ka na ba?” tanong ni mommy sa kanya.
“Tapos na po, tita.”
“Okay, pasensya ka na ha. Kakain lang muna si Thisa,” sabi ni mommy sa kanya.
“Okay lang po, tita. Mahaba pa naman po ang time ko. Tabachingching, just take your time,” nakangiti pa siya habang nagsasalita kaya naman inirapan ko siya.
Pumasok na ako sa dining room para kumain. Ang lahat ng nasa mesa ay lahat favorite ko kaya naman pumapasok akong busog sa school. Ang sabi ni mommy ay need ko kumain para may energy daw ako to study. Hindi rin naman ako papasok na hungry ako.
Kahit pa gusto ko pang kumain ng marami ay kailangan ko ng tapusin ang pagkain ko dahil nakakahiya naman kay boy saklay. Dahil sa aksidente na nangyari ay naka-saklay siya ngayon. Masakit raw ang ankle niya, he’s so kawawa pero kasi inaasar niya ako kaya ‘wag na lang.
Mas okay na hindi ako naaawa sa kanya. He’s so annoying kasi kaya naman deedma ko siya. After ko kumain ay lumabas na ako. Tumayo na rin siya, mas nauna pa akong lumabas kaysa sa kanya. Nauna pa nga akong pumasok sa kotse nila eh. Same school kaming dalawa habang si Kuya Adler naman ay lumipat siya sa ibang school. Kaya itong lalaking ito talaga ang kasabay ko.
Si Ate Alliyah naman ay ibang school na rin. Nasa public school na siya. Hindi ko alam kung bakit ba ayaw nilang magkakasama sa iisang school lang. Need pa talaga nilang magkalat-kalat ng school.
“Bye, mommy!” nakangiti na sabi ko at kumaway ako sa kanya.
“Bye, baby. Love you,” malambing na sabi ni mommy.
“Love you too, mom!” nakangiti na sabi ko.
“Kuya, alis na po tayo.” malambing na sabi ko sa driver nila kuya.
“Okay po, Miss cute.” sagot niya sa akin.
Buti pa si kuya driver ay cute ang tawag sa akin hindi tulad ng iba d’yan. Nanlalait na lang lagi.
“Bakit ang tagal mo?” tanong niya sa akin.
“So what?” masungit na tanong ko sa kanya.
“Ang tagal ko kaya naghintay sa ‘yo,” sabi pa niya sa akin.
“Bakit, sinabi ko ba na hintayin mo ako? Hindi ko naman sinabi na pumunta ka sa house namin,” mataray pa rin na sabi ko sa kanya.
“Ang aga-aga mainit na naman ang ulo mo. Sige ka, papangit ka niyan at papayat ka,” sabi na naman niya sa akin.
“Ha, Ha, Ha,” sarcastic na tawa ko sa kanya.
“Ang cute mo pa naman sa hairstyle mo ngayon tapos ang sungit mo,” sabi niya sa akin.
“Buti naman at alam mo na ngayon na cute ako,” sabi ko sa kanya.
“May sinabi ba ako na cute ka?” nakangisi na tanong niya sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin. Tahimik na lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Sa totoo lang ay excited na talaga ako. Excited na akong pumunta sa taekwondo class ko. Mabuti na lang at napilit ko si mommy. Alam ko naman kasi na hindi niya ako kayang tiisin at syempre kakampi ko ang daddy ko.
“Anong oras ang uwi mo?” tanong niya sa akin.
“Four o’clock,” sagot ko sa kanya.
“Bakit four?”
“May ibang gagawin pa ako,” sagot ko sa kanya.
“Ano naman ‘yon?” tanong niya sa akin.
“Why are you asking ba? You’re so chismoso naman.” naiinis na sabi ko.
“Why are you so maarte ba? Hindi ka ba makapag-salita na hindi ganyan? ‘Yung maayos naman sana,” sabi niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“You’re not only chismoso but also pakialamero,” sabi ko sa kanya.
“Whatever!” sabi niya sa akin kaya lalo akong nainis sa kanya.
Hindi ko na nga lang siya pinansin dahil naiirita ako sa kanya.
“Bakit parang puno na naman itong lunch box mo?” tanong niya sa akin.
“Siguro marami ka na namang baon,” sabi pa rin niya kahit hindi ko siya pinapansin.
“Baka naman dala mo na naman ang mangkok–”
“Ang ingay mo talaga!” naiinis na sabi ko sa kanya.
“Bakit ka nagagalit? Siguro ay dala mo noh?”
“You’re so annoying na talaga. I’ll my friends na talaga na masama ang ugali mo para naman hindi ka na nila crush,” sabi ko sa kanya.
“Crush nila ako?” tanong niya sa akin.
“You’re not bingi naman siguro diba?” mataray na sagot ko sa kanya.
“Eh ikaw, sino naman ang crush mo?” tanong niya sa akin.
“Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang, gusto ko lang malaman,” sagot niya sa akin.
“Ang crush ko ay si—”