THISA IRENE Bago kami tuluyang umuwi ay dumaan muna kaming dalawa sa ospital para magpacheck ako. Kaibigan niya ang tumingin sa akin kaya naman safe ang tungkol sa nangyari kagabi. May mga gamot na binigay sa akin dahil baka raw magkaroon ng side effects ang binigay sa akin. Medyo masakit rin ang ulo ko ngayon. After namin sa hospital ay umuwi na kami at nasa bahay namin ang pamilya namin. Nagluto sila mommy at mama ng pagkain namin. “Okay ka na ba, baby?” nag-aalala na tanong sa akin ni mommy. “I’m okay, mom. Medyo masakit lang talaga ang ulo ko,” sagot ko sa kanya. “Next time ay ‘wag ka nang uminom ng kahit na anong alak sa kahit na anong party,” sabi niya sa akin. “Opo, mommy. Hindi na po,” sabi ko sa kanya. “Mabuti na lang talaga at ang asawa mo ang kasama mo kagabi. Hindi nati

