THISA IRENE “Hey, can you get my bag?” utos ko agad kay Johanna habang inaayusan ako ng makeup artist nila at ang iba naman dito ay busy sa pag-aayos sa set namin. “Bakit mo ako inuutusan?” mataray na tanong niya sa akin. “At sino naman ang dapat kong utusan? Sila? Eh ikaw kaya ang assistant ko,” nakangiti pa ako sa kanya habang sinasagot ko siya. “I’m not your assi–” “Yes, you are. They didn’t inform you?” kunwari ay nagtataka na tanong ko pero sinadya ko talaga na hindi niya malaman. “Tigilan mo nga ako, Thisa. Wala ako sa mood sa mga trip mo,” naiinis na sabi nila sa akin. “Okay, sasabihin ko na lang sa boss mo na ayaw mong gawin ang trabaho mo. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Raleigh kapag nalaman niya na hindi nagtatrabaho ng maayos ang mga employee niya? Baka paalisin ka na

