Chapter 19

2036 Words
"So what is the problem this time?" Tinignan ko siya ng masama and tried to walk pero iniharang niya nag sarili niya. He is wearing a simple shirt and summer short, magulo ang buhok niya at tanging sarili lang ang dala. "Sa akin ganyan ang itsura mo pero sa mga babae mo nakangiti ka!" He managed his expression. Totoo naman, pagdating sa 'kin laging pagod ang expression niya! "Anong babae sinasabi mo? Wala akong babae--" It interrupted by a phone call, pero pinatay niya ito. "Sino 'yong kasama mo sa canteen noong isang araw?" He sigh loudly. "That's the reason why you ignored me for 2 days?" "Oo!" Galit kong sabi sa kaniya. "Doon ka na sa babae mo!" His phone rings again, naiinis niya itong pinatay. "Hindi ko siya babae, Kasama ko siya sa isang project Dayne--" "Babae? Hindi pwedeng lalaki?" "Si Ma'am ang nagdesisyon non" "Wow Coincidence, nakapartner mo ang babaeng may gusto sayo?" I sarcastically said. Hindi makapaniwala niya akong tinignan. "Saan mo nanaman nakuha 'yan?" His voice is tired, mukhang sukong suko na siya sa away namin. "I stalk the girl!" The girl even posted a picture of them, lowkey bragging, and her stupid friends thinks that she is the girlfriend. Pumikit siya at huminga ng malalim. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay, I told him that I don't want to see him but he still wait here, nakita niya ako kaya wala akong choice kung hindi kausapin siya. Natahimik ako. I rolled my eyes and was about to leave nang hawakan niya ang braso ko. "Look I'm sorry" "I'm sorry kung nagselos ka, I'll be careful with girls" Huminto ako at tinignan siya. Tumango siya at niyakap ako, he put his head on my neck, nararamdaman ko ang paghinga niya doon, and his hands on my waist. Pakiramdam ko kahit papano kumalma ang puso ko. His phone rings again. "f**k," he muttered bago kuhanin iyon nang hindi umaalis sa pwesto niya. "Sandali lang," he said at mabilis akong hinalikan sa labi bago lumayo. "Sino 'yan?" tanong ko at lumapit sa kaniya ng konti. "Ano? Bakit?" kunot noo niyang tanong sa kausap niya habang nakatingin sa ibaba. May problema nanaman ba? "Ulitin niyo, hanapin niyo sila pasagutan niyo ulit" Hinilot niya ang sentido niya. "No, I can't make it today," tinignan niya ako. "May gagawin ako" "Just do it Chi, kaya niyo 'yan, oo aatend ako bukas" he said bago binaba ang tawag. "May problema nanaman? Lagi nalang ha" I said. "No, they can handle that" he said before smiling at me. "Bawi ka naman, date tayo sa mall" I said before smiling at him. "Magkasama ba kayo ni Callen kahapon?" bungad sa 'kin ni ate. Kumunot ang noo ko because she looks mad. Nakakunot ang noo niya while his lips is pressed in thin line. "So what? Boyfriend ko siya nagdate kami bakit?" "Chill, I'm just asking" hindi iyon pinansin. "Kaya pala hapon na siya pumasok" Napahinto ako, he didn't tell me na may pasok siya. "Kapag kami bumagsak dahil sa kaniya, tignan niya lang kung anong gagawin ko, huwag niya kaming dinadamay sa pagbagsak niya!" "What?" Napatingin siya sa akin. "Hindi mo alam?" Umiling ako. "Nanganganib ang tatlong major subjects niya," Lumakas ang t***k ng puso ko sa sinabi ni ate. "H-ha? B-bakit?" That can't be, matalino si Callen, lagi niyang dala ang laptop niya para gumawa ng powerpoint at magreview. Bakit nanganganib ang grades niya? "Hindi mo alam kung bakit?" tumawa siya. "Laging absent, ginawang solo ang dapat by pair kaya ayun pabagsak na" "'y-yong kapartner niya si Lira?" "Oh kinukwento niya pala" No he didn't. I do my research kaya alam ko ang pangalan ng babae. "Oo, ang pride ng boyfriend mo ayaw may kapartner, mukha bang madali ang financial accounting? Naku" Bakit pakiramdam ko kasalanan ko? s**t. Lumabas ako ng bahay at agad tinawagan si Callen. Bakit hindi niya sinabi sa'kin? "Sagutin mo please" Nagr-ring lang ang cellphone niya. For 5th time calling him sinagot na niya ito. ("Hello!) It's not him. It's another guy. "Can you give the phone to Callen? Please? Thank you" ("Sino 'to?") he sound drunk. "Archi it's Dayne--" ("Ah! Dayne!--") "Yes it's me, can please lend the phone to Callen--" ("Hindi!") nalayo ko ang cellphone ko dahil sa pagsigaw niya. ("Hindi mo siya makukuha sa'min") Kumunot ang noo ko. "I am not trying to take him away, just wanted to talk to him--" ("Anong hindi! Hinahawakan mo siya sa leeg! Kinokontrol mo siya! Look now he is failing!") nakarinig ako ng pagkabasag sa background. Napahawak ako sa poste sa gilid ko. Kahit hindi kami magkaharap I can feel his anger towards me. Nabigla ako sa sinabi niya kaya natahimik ako. I-i'm not. ("Pinagbabawalan mo siya sa mga gusto niya, lagi kang hindi pwede, hindi pwede!---" "Nasaan kayo" my voice cracks. I can also feel my tears. My hands is already shaking and there is a lot of question on my mind that needs an answer damn. ("Can't you see ? You are no good for him, you are turning his world upside down---") ("Hello?") ibang boses na ang sumagot. It's him. I cleared my throat at sinubukang hindi iparinig ang hikbi ko. "Nasaan ka?" Nang sabihin niya kung nasaan, nagmadali akong pumunta doon. I made sure na hindi halata na galing ako sa iyak bago siya harapin. Nasa condo siya ni Archi. Pagkabukas niya ng pinto kaagad ko siyang niyakap. May mga nagkalat na bote ng alak sa lamesa kaya pasimple ko siyang inamoy. Hindi siya amoy alak. "Dalhin ko lang sa kwarto si Archi" sabi niya bago bumitaw. Inakay si Archi papasok ng kwarto. "Kumain ka na? tamang tama tapos na ang niluluto ko" he said pagbalik niya. "Hindi ako uminom ah, sinamahan ko lang siya dito" He is explaining even if I didn't asked him. "Alam ko," "Ipagsasandok kita ng pagkain--" "Huwag na," I tap the seat beside me, he looked puzzled at first pero sumunod din siya, nang makaupo siya I held his hand ang kiss his palm. Makikita mo ang pagkagulat sa mata niya dahil sa mga kinikilos ko. Pumayat na siya and stress is all over his face. Am I really giving him a hard time? "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nanganganib na mga grades mo?" Bahagyang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Kaya ko namang isalba 'yon, hindi ako babagsak, akong bahala" he said and smile na para namg okay ang lahat, like he is superman who can do anything. 'yong dark circles sa mata niya hindi na natanggal. Tinanggal ko ang salamin niya and traced his eyes using my hands. "Dahil ba sa'kin?" His smile faded. "Dayne, don't say that" kinuha niya ang salamin niya at ibinalik ito. I can't help but to think ang mga sinabi ni Archi sa 'kin. "Nasasakal na ba kita Callen hmm?" I gently asked him. "Of course not" Umiling siya at hinalikan ang kamay ko. "Magsabi ka ng totoo" "Hindi nga" sabi niya at nag iwas ng tingin. "Oo!" Napalingon kami sa nagsalita sa kwarto. "Chi!" "Sabihin mo na dre," nilapitan siya ni Callen. "Sabihin mo na halos hindi ka na natutulog dahil ginagawa mo mag isa ang dapat by pair, hindi ka na natutulog dahil nagcocomply ka ng mga activities dahil sa mga absences mo at dahil 'yon sa kaniya!" turo niya sa 'kin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at pumikit ng mariin. Lahat ng mga sinasabi niya parang tumutusok sa puso ko. Truth really hurts huh. "Masyado kang whipped diyan sa girlfriend mo dre" "Tumigil ka na Chi" Kinuha ko ang cellphone ko at dali daling tumayo. "Aalis na 'ko" I can't take what Archi just said, feels like I'm gonna busrt out in tears. "Dayne sandali!" Pagkalabas ko ng unit, tuluyan ng bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. O my God, ang bobo mo Dayne, anong ginawa mo kay Callen. Nang makapasok ako ng elevator natanaw ko siya sa malayo, kaya madali kong pinindot ang down button. Hinarang niya ang kamay niya, that hurts but he didn't mind. Nang makapasok siya, I was about to leave nang hilain niya ang braso at mabilis na pinindot ag down botton. "Huwag kang makinig kay Archi, it doesn't matter Dayne kaya kong ipasa ang mga subjects ko---" "It doesn't matter?" marahas kong pinunasan ang luha ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo? It's your damn grade, you know that you can't fail, inaasahan ka ng daddy mo, hindi mo iyon pwedeng balewalain lang!" Pareho kaming natahimik sa loob ng elevator, mabuti nalang at walang lumapasok na tao. Looking back, It's really my fault. Argh, sumasakit ang ulo ko. Mas magiging okay siya kung wala ako, edi sana consistent dean lister siya. Pumikit ako ng mariin. "Let's....let's break up" Sakto bumukas ang elevator kaya mabilis ako lumabas, hindi hinihintay ang sasabihin niya. "Dayne sandali!" Hinawakan niya ang braso ko."Hindi ako papayag" "I don't need your permission Callen" matigas kong sabi, trying to pull a strong face, kahit sa loob ko durog na durog ako. "No, no, huwag hiwalay please" he said and hug me. It breaks my heart when I saw tears escape in his eyes. "Okay lang kahit ganyan ka, okay lang sa 'kin, huwag lang hiwalay" My tears started to fall. Okay lang sa kaniya, s**t, okay lang sa kaniya! Pero sa akin hindi, I don't want him to fail. I don't want him to be distracted and the only way to do that is to cut me off in his life. Tama si Archi, sinasakal ko na siya, I am already controlling him. "We are going to manila after graduation," I cleared my throat. "or even earlier than graduation" He stop and look at me innocently. Basang basa ng luha ang mukha niya. "Iiwan mo 'ko?" basag ang boses niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko, parang may nagbara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita."S-sorry" I saw pain in his eyes pero agad iyon napalitan ng determinadong titig, para bang may sumilay na pag asa dito. "No it doesn't matter, I'll wait Dayne, I'll wait" He said at hinigpitan uli ang yakap sa akin. Nagpanic ang loob ko nang sabihin niya 'yon. No, he can't do that. "No, Callen, don't, dahil hindi na ako babalik dito." "Ayon," sabi ko sabay tingin sa kanilang dalawa. My tears started to fall pagkatapos kong magkwento sa kanila. "Huwag mo 'kong tignan ng ganyan Matt aba magshot ka" sabi ko habang umiiyak. Kahit ako ang nakipaghiwalay masakit pa rin sa'kin. We are currently at Matt's house, room specifically at umiinom. "Masama ba 'ko? " I asked them. "Hoy sumagot kayo" I said nang hindi sila sumagot pareho. "Slight," sabi ni Lily na lasing na, nakapikit na ang mata niya. "Naguguilty ako sa ginawa ko, kasalanan ko 'to!" Lily chuckled. "May pag asa na si Matt!" sabi niya at sinuntok si Matt. Napatingin ako kay Lily but I quickly divert my gaze to Matt nang magsalita siya. "Aalis ka?" he asked. Tumango ako. I don't think I can still see Callen, medyo malapit lang ang bahay namin, we are in the same school. Kapag makikita ko siya maaalala ko ang mga ginawa ko sa kaniya. "Sayang naman--" "Manahimik ka nga dyan lileng" "Nasusuka ako" sabi ko at mabilis na tumayo papunta sa banyo. "Ako na" sabi ko at sinubukang kunin ang panyo sa kamay ni Matt pero nilayo niya ito. "Ako na," sabi niya He lean forward at pinunasan ang labi ko. "About sa sinabi ni Lily" I am looking at him while he is seriously and gently wiping my lips. Itinagilid ko ang mukha ko. That's when the time na tinignan niya ako sa mata. "Ano?" I saw how his adam's apple moves. "Yeah I like you" Ilang minuto kaming nagkatinginan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya, he's been a good friend to me, to us. I didn't know that he has a feelings for me. "Uuwi na ako" sabi ko tsaka tumayo. "Don't cut me off in your life," I stop walking pero hindi ko siya nilingon. "Hindi ako nang hihingi ng kapalit, I just want you to know how I feel...that's all"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD