"Anong meron?" I asked them pagkababa ko sa dining.
Maraming nakahain na pagkain sa lamesa, pinaghandaan talaga. May mga candle lights rin doon.
"Sabi ko magbihis ka ng maganda diba?" medyo galit na sabi ni ate.
"May bisita ba?"
Tumingin ako sa pligid, wala namang ibang tao maliban sa amin.
She did not answer kaya alam ko na ang sagot.
"Wala naman pala, okay na yan" sabi ko at umupo na.
Nang mapansin ko na nakasuot sila mama ng semi formal habang ako naka t-shirt lang napatigil ako.
"Should I go and change ma?
"Huwag na Dayne, kumain na tayo at may mahalagang announcement kami ng papa niyo"
Nakatutok ang atensyon namin kay mama. Medyo kumunot ang noo ko nang makitang mukhang masayang masaya sila.
Magsasalita na saana si papa pero naunahan siya ng tunog ng cellphone ko. Biglang napunta sa akin ang mga atensyon nila. Mabilis ko itong kinuha at binasa.
From: Callen babe
Nag aayang uminom si Archi.
Kumunot ang noo ko and was aout to reply nang marinig ko ang maotoridad na boses ni papa.
"Itago mo 'yang cellphone mo Dayne"
Mabilis ko itong tinago kahit hindi pa nasesend ang message ko.
Mamaya ko na nga lang siya rereplayan.
"Huwag kayong magcecellphone sa harap ng pagkain"
"Si ano nanaman 'yan" rinig kong sabi ni ate pero hindi ko pinansin.
Madiin muna akong tinignan ni papa bago magsalita uli. "Happy to say that our business is doing well in this province, and we are planning to make one in manila too and...."
Lumunok siya si mama. They are giving signals to each other which I don't understand.
"Naisip namin na, mas maganda na in order to manage the business much well, kailangan nandoon kami sa manila"
I am happy for the news but a bit sad because they have to leave.
"Aalis kayo ma?" my sister asked.
"Aalis tayo, pagkatapos ng graduation ni Dayne"
I stop. Binaba ko ang kutsara na hawak ko.
"Ma"
"Ayokong pabayaan kayo ng ate mo dito, gusto ko magkakasama tayong apat"
"You know that I can't leave ma, nandito si Callen" I said trying to smile.
I can't just leave him alone here.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nating umalis," I honestly said.
All their attention is on me now.
"Maayos naman tayo dito"
"look for the bigger picture anak, mas maganda ang magiging--"
"Ayokong umalis pa" pinal kong sabi.
Tahimik lang si ate sa gilid habang sila mama at papa sinusubukan pa rin akong kumbinsihin.
"Gusto mong umalis dito?" tanong ko kay ate.
"I always want to try new things so why not"
Are they really going to abandon all the memories in this place? Parang ang dali lang iwan sa kanila ang mga bagay dito, ang mga tao.
"Kayo nalang nag umalis kung gusto niyo, but I will not leave here, excuse me tapos na akong kumain" sabi ko at umakyat na sa kwarto.
Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.
Iniisip ko palang na iiwan lahat ng mga nakasayan ko at magumpisa uli sa simula pinanghihinaan na ko ng loob. Masyado na akong nasanay sa lugar that I don't think I can leave it anymore.
Binuksan ko ang cellphone at tinawagan si Callen.
"Wala ka bang pasok bukas?" I asked him habang nakapikit.
Nakarinig ako ng ingay sa background pero hindi ko ito maintindihan.
"Sinong kasama mo?"
("Si--"') narinig ko ang pagkakahablot sa cellphone niya.
("Dayne! Si Archi 'to")
Magkasama pala sila.
("Pagpapaalam ko sana si Cal, magtatake lang sana kami ng break sandali sa mga school works")
"Pwede naman kayo sa bahay nalang magpahinga para less hassle" sabi ko habang minamasahe ang sentido ko.
katahimikan ang nanalagi sa kabilang linya, narinig ko uling kinuha ang cellphone at si Callen na ang sunod na nagsalita.
("Babe")
"Kung gusto mong magpahinga, magpahinga ka sa bahay niyo"
Hindi ko siya masasamahan sa bar dahil pagod ako at wala sa mood. Baka mambabae sila.
"Okay?"
"Callen?"
("Okay babe")
"Goodnight, I love you"
(I love you)
"Hindi mo pinayagan? tsk tsk"
Napamulat ako ng mata at nakita si ate sa pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?"
"At hindi ka ba marunong kumatok?"
"Baka kasi maistorbo kita sa pakikipag usap mo sa boyfriend mo"
Lumapit siya at umupo sa kama ko. Tumalikod ako sa kaniya.
"Kung mahal ka niya maiintindihan niya kung bakit ka aalis"
"Bakit ba pinipilit nyo 'kong paalisin dito?" harap ko sa kniya.
"Gusto niyo lang ako ilayo sa kaniya eh" sabi ko at inirapan siya.
"Gaga ka, mas maganda kasi ang mga opportunities sa manila"
"Kaya nga kayo nalang 'yong umalis!"
Kumunot ang noo niya. " Bakit ka sumisigaw? para kang tanga" sabi niya bago umalis.
Paulit - ulit kasi nakakinis.
It was a lazy morning, our teacher is discussing when all of the sudden, there is a student wearing a jacket approach the door of our classroom. Nakasuot ang hoodie sa ulo niya. Namukaan ko kung kanino iyon. Pasimple kong sinulyapan si Matt which is looking at her with concern in his eyes.
"Sorry for being late sir" mahinang sabi niya pero dahil tahimik noong dumating siya narinig namin.
I heard some gasp from our classmate. She used to be loud and so cheering laya siguro nagtataka sila kung bakita ganito si Lily ngayon.
"Yes you may go and sit"
Nayuko siya habang papunta sa pinakalikod na upuan. Nagtama ang paningin namin ni Matt nang sabay namin siyang nilingon pero kaagad din ako umayos ng upo at ibinalik uli ang tingin sa harap.
Nang maglunch. Nilapitan siya ng ibang kaklase namin.
I tried dialing Callen's number para san sabay kaming maglunch pero hindi niya iyon sinasagot kahit ilang bese ko na siyang tinawgan. I even texted him.
Naririnig ko mula sa likod, they are asking her if she's okay. At kahit na inaabala ko ang sarili ko sa pagsusulat, nararamdaman ko ang titig ng ilang mga kaklase ko sa 'kin.
"Hala ang dami mong pasa!" one of my classmate said in horror.
Doon na akong tuluyang napalingon sa kanila. Doon ko nakita na madami nga, sa mukha. She also lose weight and dark circles around he eyes are visible. Biglang nanikip ang dibdib ko at naramdaman ang mga luha sa gilid ng mata.
Tumayo at nilapitan siya.
"Can you leave?" tanong ko sa mga kaklase ko sa tabi niya.
Nanghila ako ng upuan at ip-pwesto na sana iyon sa harap niyang nang may matamaan ako, pagkalingon ko nakita ko si Matt na may hinihila ring upuan papunta sa harap ni Lily.
Lumunok ako at inayos nalang ang upuan.
"Anong nangyari sa 'yo?"
"Siya ba may gawa niyan?"
All of the sudden she started to cry. I am tearing up a bit too dahil sa kalagayan niya. May pasa siya sa gilid ng labi, sa mata. Shocks.
"Iyong gagong lalaki ba na 'yon ang may gawa sa'yo niyan?"
You can see a fire anger in his eyes.
"Lily!" niyugyog siya ni Matt.
But she is just crying.
"Matt!"
Nanlaki ang mata ko nang tumayo siya at mabilis na lumabas ng classroom.
Shit this is bad.
Patakbo rin akong lumabas ng classroom at sinundan siya.
"Matt!" pagtatawag ko pero parang hindi niya ako naririnig.
Pumunta siya sa college department at inakyat ang room ni Louis.
"Matt! punyeta"
Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan hiningal na ako, kaya huminto muna ako saglit at humawak sa railings.
Pero nang makarinig ako ng mga sigawan sa taas kaagad na akong umakyat and to my horror, I saw Mattpunching Louis at maraming taong nakapalibot dito na para bang nanonood sila ng isang laban.
"Matt tumigil ka na" I said trying to pull him nang makita kong inaatake niya si Louis, kahit na alam kong risky dahil pwede akong matamaan ng mga suntok nila. Mabuti nalang at may humila rin kay Louis.
"Gago ka!" sabi ni Matt habang nakahawak ako sa kaniya.
"Sino ka ba! Sabi ko na nga ba may lalaking 'yong malanding 'yon--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil mabilis akong lumapit at sinampal siya.
"Asshole"
Napaatras ako when he tried to move closer to me aggressively, mabuti nalng talaga at may dalawang lalaking nakahawak sa kaniya.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kaibigan ko, tandaan mo 'yan" sabi ko at tinalikuran siya.
Hinila ko si Matt na mukhang makikipag away pa dahil sa mga tingin niya kay Louis.
"Kukuha ako ng first aid kit at hot compress sa clinic"
"Huwag na"
"Huwag ka ngang makulit diyan"
Dumudugo ang labi niya at putok ang kilay, para na rin sana sa mga pasa ni Lily.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na lalaki, ang lalking kanina ko pa tinatawagan. I heard Matt sigh then he block my view, pero umusog ako para mas lalo silang makita.
"Dayne,"
I raised my hand to stop him from talking and moving at pinagmasdan si Callen.
Pinanonood ko kung papaano siya bumili ng pagkain para sa kasama niyang babae. Pinanood ko silang masayang dumaan sa gilid ko, hindi nila kami nakita dahil medyo malayo kami.
Kaya ba hindi niya sinasagot mga tawag ko? may kasama na pala siyang maglunch.
Mabilis kong hinila si Matt nang makita kong susunod na siya kela Callen.
"Huwag na" hawak ko sa damit niya.
Matagal niya akong tinignan bago pumikit at umiling. Nag aalinlangan niyang hinawakan ang ulo ko at dinala iyon sa dibdib niya.
Mahina ko siyang tinulak. "Hindi ako iiyak ano ba"
But I am lying, I can already feel my tears.
Dinala niya ulit ang ulo ko sa dibdib niya, but this time hindi na ako pumalag. He let me cry for a moment pero naisip ko si Lily kaya tumigil ako at inayos ang sarili.
Kumuha ko ang mga kailnagn namin at binalikan si Lily sa room.
"Nakita na ba ni tita or tito 'yan?" I ask Lily
Umiling siya.
"Gusto mong matulog sa 'min or kela Matt?"
"Huwag na..." mahina niyang sabi
Mariin akong pumikit at lumunok. Walang nagsasalita sa ming tatlo, nakatingin lang kami pare pareho sa baba.
Nang maisip ko ang nakita ko kanina lalo ako nabalisa. Is Callen cheating? Tinignan ko ang cellphone ko pero wala siyang mensahe, kaya pinatay ko ito.
Don't you ever message me again Callen Alcarez you cheater.
"So what happened to us?" Lily asked out of the blue.
"Sorry for being busy guys pero totoong namimiss ko na kayo, miss ko na 'yong tayong tatlo"
I admit we really became busy, her with Louis, I with Callen and Matt in... I don't know.
"Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Louis, I am so sorry" she started to cry.
Seeing her cry makes me cry too.
"Sorry din, naging busy ako.."
Huminga ako ng malalim, I can't say it kaya hindi nalang ako nagsalita. Bumaling ang atensyon namin kay Matt.
"I was just waiting for you two"
Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.
"Let's promise we'll not do it anymore, " she said at nilagay ang kamay niya sa mesa ko.
"Kahit may kaniya kaniya na tayong buhay we will not forget this friendship" emotional na sabi niya.
I put my hands sa ibabaw ng kamay niya and Matt's hands on mine.
"Promise"