"Sabi sa' iyo mahirap HUMMS eh" bulong sa'kin ni Lily habang nagtuturo ang teacher sa harap.
Hindi ko siya nilingon, sa halip, tinaas ko ang kamay ko at pinaypayan ang sarili.
Nasa classroom kami ngayon at tanghaling tapat kaya sobrang init.
"Ang tagal mo ng nag aaral ng HUMMS ngayon mo lang naisip 'yan, edi dapat nag STEM o ABM mas mahirap 'yon," sabi ko at inirapan siya.
"Edi wala akong kasama," she said habang nakanguso.
Napa-face palm ako sa sinabi niya.
"Yun naman pala eh, edi magtiis ka," I said.
"Ang daya, si Matt lang magaling dito eh, tch, " sabi niya at sinipa ang upuan ni Matt na nasa harap namin.
Naglikha ito ng ingay at napatingin rin sa amin ang katabi ni Matt, kaya napahinto ang teacher namin sa pagtuturo.
"Sino 'yon?" she asked.
We both fell silence when she starts scanning the classroom.
No one answered kaya bumalik na rin siya sa pag tuturo. No offence, but the subject is really boring, I mean the way she teaches.
"Bakit?—" lingon sa 'min ni Matt nang makakuha ng pagkakataong hindi nakatingin ang teacher.
I lean forward and whisp, "Wala, kaartehan ni Lileng—"
Hinarap niya ako ng nakakunot ang noo at umuusok ang noo.
She really hates that nickname of hers. For me, it's cute.
Nag high five kami ni Matt, pero nagulat kami ng biglang may lumipad na eraser sa direction namin, ko specifically. Buti nalang at nakailag ako.
"Kanina pa kayo bulong ng bulong diyan," galit na sabi ng teacher namin.
"Ibalik ninyo 'tong mga books sa library," our teacher said with authority bago lumabas ng room.
"High five pa nga."
Kinolekta namin ang mga books bago nagpunta sa library, nabawasan na tuloy ang oras namin para kumain, kailangan pa namin itong ibalik sa mga shelves kung saan kinuha.
"Guys gutom na 'ko, kaninang nagdidiscuss si ma'am gutom na talaga ako, tapos tignan mo nag overtime na siya ta's pinabalik pa satin mga libro Parang tanga lang" pagrarant ni Lily.
Akala mo naman, she is just sitting there, pinapanood kami habang inaabot ko kay Matt ang mga libro, habang si Matt ay nakaakyat sa upuan dahil sa taas pa nakalagay ang mga libro na kinuha namin
"Sige, bumili ka na ng pagkain do'n basta ibili mo rin kami ah," Matt said.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Lily na parang naubusan ng candy kanina.
"Thank you, the best ka talaga Matt!" she said bago tumakbo papalayo.
"Uto-uto" sabi ko kay Matt nang maka alis si Lily.
Madali talagang madala 'to sa arte ni Lily ever since. We've been friends since childhood, and I know how soft he is pagdating kay Lily. Well, she is really treating us like his real siblings.
"Tito Vince left again," pagdadahilan niya sa 'kin.
My mouth went O.
"Nanaman?" I asked.
"Bakit daw?"
"Sumama sa..." bago pa man niya matapos ang sasabihin niya I already rolled my eyes.
Kahit hindi na niya ituloy ang sabihin niya I know what it means, Tito Vince is Lily's father, a former mayor in our city. So his Dad is with his girlfriend, again. Kaya pala gano'n ang gaga.
If I know pupunta 'yan sa cr para umiyak. We once saw her crying last year because of this issue again, but it's a different girl.
"Dapat ba samahan ko siya?" I asked Matt.
"Just let her bring out her tears,"
"Kaya nga nakangiti siya kapag kaharap tayo because she doesn't want us to see her cry or in pain, alam mo naman 'yon."
He has a point. She really doesn't want other people seeing her cry, nagagalit.
"Ikaw baka gutom ka na din, sunod ako sa canteen pagkatapos nito," he said.
"Tulungan na kita," I said at umakyat din sa ladder.
Konti na lang naman kaya kapag nagtulungan kami, matatapos ito agad.
Tinulungan ko siyang maglagay sa mga shelves kahit ayaw niya, pababa na sana kami nang makita kong may tao sa harap, muntik na akong mahulog sa hagdan mabuti nalangnahawakan ako ni Matt.
"Are you two done?" sabi niya at may itinurong libro sa likod namin.
Nakuha namin ang ibig niyang sabihin kaya bumaba na kami ng hagdan at binigyan siya ng daan para kunin ang librong gusto niya.
The famous Callen Alcarez, I mean being five years in this school imposibleng hindi mo makikilala ang lalaking 'yan. Those iconic eyes with eyeglasses.
Known for being quiet but can catch your attention by just his presence, marami ring nagkakagusto sa kaniya, si Lily pwede pa but not me.
Maybe because I already planned my life, after I graduate senior high, I will study college and take business so I can help Dad, then our business will boom and we will be super rich. When I turn 26, that's the time that I will get married.
"Perez,"
Napalingon kami pareho nang biglang may tumawag kay Matt.
"Pakitawag ang mga kasama mo may meeting tayo," the teacher said
"Sunod ako" sabi sa akin ni Matt bago umalis.
He is a member of taekwondo here in school. Baka mag uumpisa na silang magtraining.
I found Lily kasama ang ate ko sa isang table.
"Si Matt?" she asked
Pasimple kong pinagmasdan ang mga mata niya, it's a bit red, kaya nalaman ko kaagad na umiyak ito. Hindi ko nalang ito pinansin because she doesn't like it.
"May meeting."
On the other side, I gave ate a questionable look. Mabuti nalang at may pagkain na dito dahil gutom na rin ako.
"Thanks for the food, Lils,"
"Makikitable kami ng mga kasama ko."
Tumingala ako at tinignan ang nagsalita. Wearing her different uniform from us, she is standing beside me.
"Pang apatan lang 'tong upuan hindi tayo magkakasya"
"It's okay, malapit na matapos lunch niyo diba? May vacant pa kami."
Kumunot ang noo ko " Hindi pa nga ako tapos kumain oh," sabi ko at nagsimula ng kumain.
Hindi ko alam sa school na 'to, dapat kasi hindi sabay sabay ang lunch and recess ng lahat ng grade levels para hindi napupuno ang canteen.
Hindi ba mas maganda kung sabay sabay nag lulunch ang mga mag katulad ng grade level? Hindi 'yong may college, may mga lower grades, it will be organized in that way and less hassle for students.
May maya pa dumating na ang mga kasama ni ate, and one of those is Callen. I almost forgot that he has the same course as my sister.
Nakita ko ang biglaang pag ayos ni Lily sa bangs niya. Tatlo silang naglalakad papunta sa direksyon namin.
Iniwas ko ang tingin ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Dalian mo dyan," sabi ni ate.
Hindi ko pa nga nakakalahati ang kinakain ko but fine!
Kinuha ko ang bottled water para tapusin na ang pagkain ko.
Nang lumingon ako sa direksyon nila nagulat ako nang makita siyang nakatingin sa 'kin na para bang mag iniintaydahil do'n nasamid ako
Umubo ako at hinawakan ang dibdib ko. Nabitin sa ere ang kamay ni ate nang itaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
Nang maging maayos na ang pakiramdam ko, tinignan ko silang lahat na nakatingin sa 'kin with their worried face. This is embarrassing! I gave them an awkward smile.
"Uh, nagulat ako" sabi ko at sumulyap kay Callen na wala pa ring pinagbago ang expression, he just fix his eyeglass.
Pagkatapos no'n mabilis na rin kaming umalis ni Lily dahil malapit na magsimula ang klase namin. Mabuti nalang dahil hindi ko na kayang manatili pa do'n pagkatapos ng kahihiyan na naidulot ko.
"Don't worry ako lang nakakita no'n," Lily said at binigyan ako ng mapang asar na ngiti.
My brain stopped working, so nakita niya pala. Of all people bakit siya pa ang kailangang makakita? This girl is very loud!
"Nakita ang ano?" patay malisya kong tanong sa kaniya.
"Nako, 'wag ako, sige uncrush ko na siya."
"Weird ka" sabi ko at mabilis na pumasok sa loob ng classroom.
Ang intimidating niya kasi tumingin bakit gano'n. Tsaka bakit gano'n ang mata niya, ang ganda. Tapos, he looks cool, hugging the laptop bag.
Pumasok si Matt sa kalagitnaan ng klase, hindi siya napagalitan dahil excused naman siya.
Nang makaupo siya, inabot ko sa kaniya ang tinapay na binili ko kanina.
"Ano 'to?" lingon niya sa 'kin
"Hindi ka nag lunch diba?" bulong ko dito
Sumilay ang ngiti sa labi nito and said "Salamat."
Napa ayos kami parehas ng upo nang humarap sa teacher sa direksyon namin.
Nang tumalikod uli ito, mahina kaming tumawa ni Matt bago nakinig uli sa klase.
"UUWI nanamang mag isa si Matt" sabi ni Lily nang makababa kaming tatlo sa jeep
"Matagal pa naman"
"Kahit n— 'yong crush mo oh" sabi sa 'kin ni Lily at itinuro ang lalaki sa harap namin na hindi kalayuan.
Nung una hindi ko ito makilala, but when he looked at his right side to fix his bag and I saw glasses, I knew what she was talking about.
"Crush mo 'yon?" Matt asked me.
Iniharang niya ang kamay niya sa gilid para mapatabi kami sa gilid dahil may dadaan na sasakyan.
"Desisyon ka, hindi ko crush 'yon," sabi ko kay Lily
Lily made an expression na parang hindi siya naniniwala sa 'kin.
"Alam mo ba!" sagaw n'ya na para bang nasa kabilang kanto ang kausap niya pero nasa tabi lang naman namin si Matt at ikinuwento niya ang mga nangyari kanina.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. She is so talkative. Hindi mo malalaman na may dinadala itong problema.
"Ikaw ang may gusto do'n eh!" pag aangal ko.
"Oo nga kaya nga uncrush na dahil binibigay ko na siya sa 'yo–yie–bye" she said, papaliko na sana siya nang pigilan ko siya.
"Ano?"
Nang bumalik siya, I pinch his cheek, and we said, "Fighting," bago siya tuluyang lumiko sa daan papunta sa bahay nila while Matt and I keep going.
"Huwag kang naniniwala do'n," natatawa kong sabi kay Matt talking about what Lily said earlier.
Baliw talaga ang isang 'yon. You can see her being crazy but she is broken inside. Damn why is she like that?
"Wala akong time sa gano'n, nag-gwapuhan siguro?"
Kumunot ang noo niya at dahang dahang tumingin sa akin.
"Hindi, I mean cool," nag aabang siya sa mga sasabihin ko.
"or gwapo? Basta 'yon"
Hindi ko rin alam.
"Ka-batch ng ate mo 'yon diba?"
"Yup,"
Pinanliitan niya ako ng mata.
"What? Hindi ako nakakalimot okay?" I said at nag iwas ng tingin.
"I didn't say anything—"
"Dream always comes first," I cut him off.
"Hindi ko nakakalimutan," sabi ko habang natatanaw ang likuran ni Callen na unti unting nawawala sa paningin ko.