"Hindi mo ba gagalawin 'yong pagkain mo?" tanong ni Lily sa katabi niya na si Matt
Parang napabalik sa realidad si Matt at kinuha ang pagkain niya at sumubo.
"Gusto mo ba samahan kitang bumili ng pagkain?" tanong ko kay Callen na katabi ko.
"No, no, stay here" sabi niya bago tumayo
"Omg, hindi siya mapakali--, bakit hindi ka nagk-kwento sa'kin Dayne!" mabilis pa sa alaa kwatrong sabi sa 'kin ni Lily pagka alis ni Callen
"Ang ganda mo din eh 'no,"
Pigil ngiti lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. I didn't expect Callen to be here too. Akala ko nga busy siya because he didn't text me yet he is here.
"Oh alam mo na Matt, hanap ka na din ng bebe mo tapos mag triple date tayo!" excited na sabi ni Lily.
Matt did not answer but he smiled at her, pero mukha siyang hindi komportable.
"Huwag nating ipressure si Matt makakahanap din 'yan," sabi ko
"Basta dapat kasing ganda ko," sabi ni Lily at inayos ang bangs niya
"Actually I have someone in my mind,"
Naintriga kaming dalawa sa sinabi niya. I glance at Callen na umupo sa tabi ko na ngayon ay kadadating lang at may dalang pagkain.
"Sino?"
"Ipapakilala ko siya kapag kami na,"
Sumimangot si Lily sa kaniya.
"Gusto niyo bang mameet ang bebe ko? papuntahin ko ba sya?--- ay, walang date si Matt kapag pinapaunta ko siya, wag na lang pala, ako muna date ni bebe Matt~" pang aasar ni Lily
"SIGE lang, go lang kayo diyan, dito lang kami sa likod niyo," Lily said while we are strolling
I secretly wanted to thank her for that. Supportive as ever. Nakasukbit ang kamay niya sa braso ni Matt, habang si Matt nakasimangot.
"Maingay talaga siya kahit kailan," sabi ko kay Callen
"Lily," Matt said in authoritative tone kaya napalingon ako sa kanila.
They are facing each other, Lily was about to cry while Matt looks like he is scolding Lily. Tapos nilagpasan niya kaming lahat hanggang sa makalabas siya ng mall.
Nagkatinginan kami ni Lily, nakatulala siya ng ilang segundo bago sundan si Matt.
"Is it because of me again?" sabi ni Callen habang nakatanaw sa dalawa.
"Huy hindi," mabilis kong sabi sa kaniya.
Tumawa siya at humarap sa akin "Mukhang mahihirapan akong kuhanin ka ah,"
"Mukhang pati mga kaibigan mo kailangan ko ring ligawan,"
"L-ligawan?"
Nanliligaw siya?
"Nanliligaw k-ka?"
"Hindi pa ba halata?" natatawa niyang sabi
He muttered some curse to fix his glasses.
"ANO ba kasing ginawa mo?" tanong ko kay Lily pagdating sa bahay ni Matt.
"W--W- ewan, wala akong ginawa,"
"Napaka gaga m--tita!"
Nagmano kami pareho dito. Hindi pa man nakakapagsalita si tita nakita namin si Matt na naka jersey at may hawak na bola, nakapagpalit siya agad.
"Ayan na pala siya," sabi ni tita at umalis na sa harap namin
"Hoy," sabi ni Lily at inagaw ang bola na hawak ni Matt.
"Para kang timang"
Tignan mo ang isang 'to, ganyan pa makipag usap kay Matt siya na nga may kasalanan.
"Your acts sometimes is too much" seryosong sabi niya kay Lily
"Gusto ko lang namang--"
"It's suppose to be OUR date, the three of us, pero pilit mo tayong inilalabas sa frame at tinutulak silang dalawa sa gitna"
Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko dahil nagpunta doon si Callen, Kung hindi siya pumunta hindi sana sila mag aaway ng ganito.
"Sorry" sabi ni Lily habang nakatingin sa ibaba.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Matt. Knowing him lumalambot na yan kay Lily. Hindi niya kayang tiisin 'yan.
Callen continue to court me which made me really happy, he even went to my house para magpa alam sa parents ko, pati na rin kay ate, so he got the permission from my family too.
"Dayne, kailan mo ba sasagutin 'yan, tignan mo! tignan mo! nako baka maagaw 'yan" bulong ni Lily sa akin habang nakasulyap sa labas kung saan naghihintay si Callen.
"Don't rush things, anything worth having is worth waiting for" sabi ni Matt habang diretso lang ang tingin sa prof na nagtuturo sa harap.
Napaisip muna ng ilang minuto si Lily bago sabihing "True"at bumalik na sa pakikinig sa prof.
"YAY, picturan mo 'ko ha" sabi ni Lily sa akin habang naghihintay kami.
She is wearing a crop top sunflower shirt a denim shirt, light make up, her hair is not in ponytail.
"Akala mo ba maglalaro tayo doon Lils? Camping 'yon kaya pahihirapan tayo panigurado" sabi ni Matt.
We are having a 2 days and 1 night camping trip on zambales. Every year the school does this as a celebration to school anniversary.
While looking at her, napansin ko nanaman na parang may itim nanaman sa braso niya.
"May pasa ka nanaman" sabi ko at tinignan siya ng masama.
Umikot si Matt para tigman iyon at tinignan din siya ng masama.
Inilayo niya ito at tumawa " Gagi nabangga ako sa pader, you know my skin is sensitive"
"Kapag nalaman kong sinasaktan ka ng boyfriend mo, masusuntok ko 'yon at magagalit ako sayo" seryosong sabi ni Matt sa kaniya.
Of course me too!
"Hindi nga," she said pero hindi ako naniniwala.
"Bye, andyan na jowa ko" she said at tumayo na at pinuntahan ang boyfriend niya.
Sa itsura palang ng boyfriend mukha na talagang sadista, college student, criminology major. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Lily at pinatulan ang isang 'to.
But of course as long as she is happy, we are happy.
"Sino kasama mo?" tanong ko kay Matt
'cause I will be with Callen, kung wala siyang kasama, he can be with us I think...or not.
"Hindi naman kayo available kaya kasama ko mga kasama ko sa taekwondo"
I stop, these days hindi na nga kami nagkakasama masyado. Lily with his borfriend, me with Callen and he with his trainings, madalang na rin kami magkasabay sabay umuwi, sa klase nalang kami nakakapag usap ng matino. I suddenly feel bad about it.
"Okay lang ano ka ba, basta masaya kayo," he said and pat my head.
Matt is the most caring, sweetest and matured man that I've met. He can be protective, kaya niyang sakyan ang mga trip mo. Hindi ka na makakahanap ng isa pang Matt sa mundo.
"Hanap ka na rin kasi para lahat tayo masaya" nakasimangot kong sabi sa kaniya
"Agawin ko na ba?" natatawa niyang sabi
"Oo!"
He chuckled at umiling iling.
"Basta alam n'yo mangyayari kapag may umiyak sa inyo ha"
Sobrang swerte ng mapapangasawa niya.
"Puntahan mo na siya" sabi niya
He smiled at me at hinarap ako sa kung saan, then I saw Callen there, holding his phone.
Kumaway siya sa akin nang makita ako kaya nagpaalam muna ako kay Matt bago siya puntahan.
Pagkarating namin sa camping site, we started the with zumba, may mga zumba instructor sa harap habang nakalinya kami at sinusundan sila.
After namin kumain ng lunch at nang medyo bumaba na ang araw, doon na nagsimula ang paghihirap namin.
We are team up with 5 members assign by the producer of this camping.
We need to find the tent and bags with toiletries around the area. Paunahan ito dahil kapag wala kayong nakuha, you'll be sleeping in grass with this cold breeze.
Sadly si Matt lang ang kakilala ko sa mga team mates ko, Akira is with us too but I don't care.
Lily with her boyfriend and Callen are on the same team. Sayang at hindi ko ka team si Callen.
Ang lugar ay puro puno, marami ring mga sundalong nakapalibot sa lugar, properties yata ito ng mga sundalo, mabuti nalang at pinayagan kami.
Nakasunod lang ako kay Matt habang naghahanap kami, inaalalayan niya ako tuwing may paakyat o kaya may lubak na daan.
And this attention seeker Akira keeps on anoying me, gusto niya ang mga ginagawa sa'kin ni Matt ay gagawin rin sa kaniya.
Ang dalawa naming kasama nag maghahanap ng mga toiletries.
Halos mapatalon ako sa tuwa nang may makita siyang nakasabit na tent doon.
Nakatingala ako habang pinapanood ko kung papano niya sungkitin ang tent. Ipinuwesto ko na rin ang kamay ko para daluhin iyon.
"Don't worry, I got you Matt kapag nahulog ka" sabi ni Akira habang nakapwesto sa ibaba ng puno, waiting for Matt to fall.
I rollled my eyes.
May gumalaw sa paa ko kaya napaatras ako ng kaunti. Binaba ko ang tingin ko upang makita kung ano 'yon. Pero mga tuyong dahon lang ang mga naroon.
"Dayne!"
Pagkatingala ko, tumama sa akin ang tent bag kaya napaupo ako. Nakarinig ako ng malakas na kalampag kasabay ng pagyakap sa akin ni Matt.
"Sorry" sabi niya
I can feel my tears skipping in my eyes. Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha. He traced my eyes using his thumb at hinipan iyon.
When I opened my eyes, bumungad sa akin ang nag aalala niyang mukha but as soon as our eyes met smile slowly formed in his lips.
"Okay ka lang?" natatawa niyang sabi sa akin
"Nakakainis ka" sabi ko
Narramdaman ko pa rin ang hapdi sa ibabang parte ng mata ko.
"Sorry," pag uulit niya
I closed my right eyes at pinaypayan iyon nang makaramdamn ng hapdi.
"Ay-- nakuha na tuloy" sabay kaming napatingin sa nagsalita.
Nanlaki ang mata ni Lily nang makita kami ni Matt. May dala silang mahabang stick, siguro ay panungkit sa tent kanina.
"Anong nangyare sayo?" sabi niya at tumawa
I saw Callen looking at us dead serious, nagtagal ang titig niya sa kamay ni Matt na nasa pisngi ko, maya maya pa ay nag iwas ito ng tingin and said.
"Hanap nalang tayo sa iba" bago siya nag umpisang maglakad papalayo.
"O--"
Lily look at me with her mapang asar na ngisi.
"Ganda mo talaga eh 'no, pa'no ba maging isang Dayne Lacera?"