Three days. It's been three days since me and Lily fight. Mailap siya sakin kaya hindi ko rin siya pinapansin, si Matt lang ang kinakausap niya, lumilipat rin siya ng ibang upuan para hindi kami magkatabi.
Napaka spoiled brat talaga.
We are at the court, our subject teacher is one of the judges so he required all of us to watch the competition since we have no teacher.
"Anong grade 'yang mga 'yan?" tanong ko kay Matt while we are watching
"10 daw"
When we were in grade 10 we did not do a cheerdance, it looks fun pa naman, sayang at hindi namin nagawa.
A guy approach Matt and said " G na daw"
"Ha?"
Tinignan ko silang dalawa. Mukhang hindi rin ineexpect ni Matt ang sinabi ng lalaki. Pero tumayo siya.
"Hala wala na akong kasama" sabi ko kay Matt
Lily is with other group of friends, nakiki others. While me I only have Matt.
"Libre kita bukas" he said and lightly pinch my cheeck bago umalis.
Sumimangot ako at tumingin na lang sa mga nagpeperform.
Napasadahan ko ng tingin ang cellphone sa kamay ko kaya binuksan ko ito at tinignan kung may bago bang mensahe sa akin.
Napatingin ako kay Lily na ngayon ay nakangiti habang pinapanood ang mga nagsasayaw.
Nang buksan na ang gate at nagsimula nang magpalabas, bahala siya hindi naman kami bati and for sure sasamahan siya ng 'boyfriend' niya umuwi or magd-date sila, whatever.
Umalis na rin ang mga iilang estudyante sa court kahit hindi pa tapos. Tumayo na rin ako at pumunta sa college department para sunduin si ate. Nadaanan ko sila Matt na nagp-practice, I gave him a thumbs up bago nagpatuloy.
Huminto ako sa tapat ng pintuan ng classroom ni ate nang makita silang nakapalibot ang mga upuan sa blackboard habang nagsasalita sa harap si Callen.
Kumuha ng upuan si ate nang makita ako at pinaupo ako do'n.
"Malapit na kami matapos, mga 20 minutes nalang, wait lang ha" sabi niya sa akin
"Sige sabihin ko kila Mama"
Sila lang ang tao doon. May mga graph na naka dikit sa blackboard at maraming nakasulat na numbers.
Nagtama ang paningin namin ni Callen, he just gave me a half smile.
"Hello kapatid ni Xy" sabi ng isang lalaki na nadoon.
He smiled at me warmly.
"Hello.." sabi ko sa maliliit na boses
It's because nakatingin silang lahat sa akin, especially him he is looking like he is examining me, kaya nahihiya ako.
Callen continue to discuss. He really looks like a hot proffessor right there, lalong nakadagdag ang salamin niya.
Hindi ako nabored dahil na aaliw naman ang pinaguusapan nila.
"One of the best way to increase our sales is to introduce new products that---"
Nakakapangha kung papaano siya mag explain ng mga bagay bagay, kung papaano niya ideliver ung mga ideas niya. Kaya kahit wala akong alam sa mga sinasabi niya, sa pinaguusapan nila, naiintindihan ko ang punto niya.
Nang may mapagkasunduan sila, natapos na rin ang meeting and they started to pack up.
"Hindi na ako nakapagsuggest masyadong ginalingan nang isa d'yan" rinig kong sabi ng isa nilang kaklase.
Sinulyapan ko si Callen na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin habang nagliligpit ng gamit niya.
"Hoy," she nudged me with her elbow.
"Ano?"
"Cleaners ako, maghintay ka muna sa labas o kaya tulungan mo na kami" Sabi niya at tinignan kung sino ang sinusulyapan ko kanina.
She glared at me at mahinang pinalo ang noo ko "Umayos ka" sabi niya.
"Aray, hindi naman kita inaano d'yan" sabi ko at tinignan rin siya ng masama.
Tinulungan ko silang mag ayos ng upuan.
"Ang galing mo kanina" sabi ko sa kaniya nang makalapit ako, kinuha ko ang pagkakataong lumapit sa kaniya nang bumili ng trash bag si ate.
"Salamat, What brings you here?" tanong niya sa akin
"May pupuntahan kami ni ate--"
"Maalikabukan ka" sabi niya nang sinubukan kong lumapit.
Pinaalis gamit ang kamay niya ang mga alikabok ng chalk na papunta sa akin.
Tinakpan ko ang bibig ko, ganoon din ang ginawa niya.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinagpagan ang buhok ko na siguro ay nalagyan ng chalk.
I can't help but to look at him, kailangan ko pang tumingala dahil matangkad ito.
Nakakunot ang noo niya habang pinupunasan ang buhok ko, nang magtama ang paningin namin smile slowly formed in his lips kasabay ng dahan dahan niyang paghaplos sa ulo ko. I can help but to smile too.
He do really makes me happy, sa mga simple ''good morning' texts niya, pag aaya niya sa akin bumili ng ice cream and the way he always gentleman in front of me.
"Hoy"
Sabay kaming napatingin sa kadadating na si ate.
"Suntukin kita d'yan Callen 'wag 'yong kapatid ko"
"I didn't do anything," kabit balikat niyang sabi.
"And will stop reliving the pa--"
"Wala! Akong pake sa sasabihin mo, kayo na maglinis dito" sabi ni ate at hinila ako palabas
"Kaibigan pwede pa, kapag lagpas na do'n hindi na!" sigaw sa akin ni ate.
"Wala naman kaming ginagawa" sabi ko at naunang maglakad sa hagdan.
"Isusumbong kita!"
"Magsumbong ka" mahinang bulong ko
"Narinig ko 'yon, 'yong bunganga mo talaga eh!"
"Magsumbong ka sabihin mo nakikipagkaibigan ako sa lalaki" I sarcastically said.
"Hindi 'yon kaibigan, 'wag mo kong gawing tanga"
"Gano'n rin kami ni Matt--"
"Magbestfriend na rin kayo ilang buwan pa lang?" she said in sarcastic tone.
Hindi ako sumagot hanggang sa makarating kami sa gate.
"Didn't I tell you to stay away from him"
I remained silent. Saktong may dumating na jeep at sumakay na ako doon, hindi siya nagsalita habang nasa jeep kami, sa unahan ako umupo habang siya sa dulo.
Kumain kami sa labas kasama si mama at papa pero hindi kami nagpapansin dalawa. Hindi siya nagsumbong, pero hindi niya ako pinapansin.
My phone vibrated, napabangon ako nang makita na mensahe ito galing kay Lily.
It was a very long message, parang nag init ang puso ko nang mabasa iyon, she admit her mistakes and said sorry to me. I also said sorry to her.
After I send the message sakto may tumawag sa'kin.
("Hey")
It's Callen.
"Hmm?" sabi ko at niyakap ang unan sa tabi ko
("Pinagalitan ka?")
I stop.
"Hayaan mo 'yon"
("Sorry")
"Huy hindi, gano'n lang talaga si ate err protective"
It's a lie, sinabi ko lang 'yon dahil kahit ako hindi ko maintindihan si ate.
("I'll talk to her,")
Pakiramdam ko pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya sa hindi malamang dahilan. For a second I didn't know how to respond.
("You must be tired--")
"Hindi!"
Natahimik kami pareho sa sinabi ko, parang gusto kong sabunutan ang sarili ko nang mga oras na 'yon.
Hanggang sa narinig ko ang mahinang tawa niya. I cleared my throat at inulit ang sinabi ko pero sa mas mahinahong tono.
("Silly")
I LOOK at myself at the mirror, I am wearing a spaghetti strap dress, my hair is on pony tail then white flat shoes.
Nang lumabas ako ng kwarto nadatnan ko si ate sa lamesa, kumakain.
Tuloy tuloy na sana akong maglalakad kung hindi lang siya nagsalita.
"Sa ka pupunta?"
"Mall,"
Pinanlitan niya ako ng mata at pinadadahan ng tingin ang suot ko, sa tingin niya palang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.
"Sila Lily ang kasama ko"
Pagkatapos niyang marinig 'yon nag iwas siya ng tingin kaya umalis na ako.
Paglabas ko ng gate nandoon na pala si Matt, he is wearing a black pants with white shirt and a denim jacket,
Sabay kaming pumunta sa bahay ni Lily para sunduin siya.
Since hindi na kami masyadong magkasamang tatlo this past few days dahil busy si Matt at magka away kami ni Lily, naisipan naming lumabas ngayong weekend.
"MAG Tekken nalang uli tayo tapos talunin mo si Dayne Matt" sabi ni Lily
She is now back in her self I guess.
"Hindi na ako makikipaglaban kay Matt dahil ang galing niya no'ng kalaban si Callen"
"Pinagbibigyan ka lang pala!" sabi ni Lily at malakas na tumawa
Ngumuso ako at tinignan si Matt, nagpeace sign siya sa akin.
Sa food court namin naisipang kumain, naghanap ako ng upuan habang silang dalawa naman ang nagorder ng pagkain.
Mabuti nalang at walang masyadong tao sa lugar at nakahanap agad ako ng mauupuan, inilabas ko ang cellphone ko at tinitigan iyon.
He is probably busy, I told myself.
Napataas ako ng tingin nang may lumapit sa table namin, nagulat ako nang makita ang dalawang hindi pamilyar na lalaki at walang pasintabi silang umupo sa harap ko.
"Wala kang kasama?" halos kasing edad ko lang ang mga ito
"Uh" sinulyapan ko sila Matt na ngayon ay nakatalikod sa akin dahil nakapila sila.
"Meron" I said and raised my eyebrow
Malagkit niya akong tinignan pababa sa katawan, pumito pa siya.
Tumayo ako and slap him. "So kahit sa loob ng mall may mayak? Sa loob ng mall may masamang tao? Why? Is it because I am wearing this kind of dress?" tanong ko sa kaniya
Hindi talaga maihinto ng mga lalaki ang kalibugan nila ano at pati mall gumagawa ng kagaguhan.
Nanlisik ang mata ng kausap ko sa akin like anytime he was about to strangle. Kapansin pansin rin ang pamumula ng mata nito.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Matt and the way he looks parang tinotorture niya ang mga ito and he is ready to throw a punch.
Naramdaman kong may presensiya pa sa likod kaya kaya nilingon ko ito at nanlaki ang mata ko nang makita si Callen doon. He is dead serious too.
Pumito na ang guard pero hindi pa rin narinig ang dalawang katabi ko.
Habang ang dalawa sa harap ko, umalis na.
Nakasunod pa rin ang tingin ni Callen sa dalawang umalis.
"Mga adik" nasabi ko nalang, bigla akong nawala sa mood.
Pinagmasdam muna ni Matt ang kabuuan ko bago hinubad ni Matt ang jacket niya at isinuot ito sa akin.
"Hindi ko kasalanan Matt--" sabi ko
"Alam ko. Malamig baka magkasakit ka" sabi niya
Callen is just silently watching us.
"Uh, anong ginagawa mo dito?" bulong ko sa kaniya
"Are you okay?" pangbabalewala niya sa tanong ko at hinawakan ang ulo ko
Tumango ako sa kaniya. He is wearing a cap, jeans and gray shirt.
Napahinto si Lily nang makita kung sino ang kasama namin. Pinaghalong mangha at pagkasabik ang ekspresyon niya.
"Omg-- is Callen gonna join us?"