Chapter 5

1939 Words
"Kanina pa 'to wala sa sarili eh, anong nangyari kahapon Matt nakatulog ako eh," sabi ni Lily sabay tingin kay Matt "Maayos 'yan nung hinatid ko," "Okay lang ako gagi," I don't know what is wrong with me to be honest, I just feel tired maybe. Umupo ako nang maayos nang magsi-akyatan ang mga guro sa stage . We are asked to gathered here for some reason, seminar for students I think. "Nakakainis naman bakit hindi pa binubuksan 'yong gate" aburido na sabi ni Lily. Humiga siya sa balikat ko and started to use his phone. Humiga rin ako kay Matt at tinanaw ang mga estudyanteng papasok ng court. Nang makita ko si ate, tinignan ko ang mga kasama niya, may partikular na tao ang hinanap ng mata ko. Nang makita ko siya, ngumuso ako at tumingin sa ibaba. Hindi mo 'ko nireplayan. I mean okay lang naman, pero kahit thank you wala? grabe naman, well 'di naman kami friends, pero ba't niya ko tinatawagan? baliw ba siya tsk. Nagtama ang paningin namin ni ate, kinunot niya ang noo niya habang dahang dahan umupo sa mono bloc sa hindi kalayuan sa amin. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdapo ng mga mata ni Callen sa katabi ko at ang paglunok niya. Mabuti nalang at hindi sila sa harap namin pumuwesto dahil hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap ni Callen. I texted him and got no reply. He called me when he got drunk. It must be very awkward for him to approach me, well I feel the same too. I tried to focus on the person who was speaking in front but I couldn't help but to glance at him. I am facing him while he is facing the front so it is easy for me to watch what he is doing. Naramdaman ko ang pag angil at paggalaw ni Matt sa balikat niya kaya tinggal ko na ang ulo ko doon. Tinanggal na din ni Lily ang ulo niya sa balikat niya. "Nangalay na," I chuckled at hinawakan ang braso niya. Maya maya pa tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tiningnan ang mensahe na pumasok. From: 09********* Thank you. Kumunot ang noo ko. Tinignan ko si Callen, he throw glance at me bago bumalik ang tingin sa stage. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng ngiti. What was that? s**t Mr. What have you done? "THIS girl has a split personality," sabi sa 'kin ni Lily. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Kanina lang ang tamlay tamlay mo," sambit niya. "Dito tayo Matt may split p—o—-sorry po," Humingi rin ng pasensya si Matt sa natapakan ni Lily na lalaki dahil sa kakaatras nito "Napaka gulo mo kasi," bulong ni Matt sa kaniya. Tapos na ang seminar, we are on the way to the gate para makalabas, pero dahil lahat ng estudyante ay nandirito masikip at crowded and daan papunta sa gate. Mabuti nalang at nakalabas kami ng maayos doon, sobrang siksikan at may nag aaway na sa pila kanina. "Bye guys una na kayo may date ako," sabi sa amin ni Lily It surprise me, hindi pa siya nagkakaboyfriend but she is good at making friends ma pa babae man 'yan o lalaki. "Sino?" tanong ni Matt "Lily Ann suntukin kita diyan hindi mo sinasabi sa'kin 'yan," sabi ko sa kaniya at pinanliitan siya ng mata, kaya pala kanina pa nasa cellphone ang atensyon niya. "Alam ni tita?" "Bakit ko ipapaalam? Tsaka ko na sasabihin sa inyo kapag kami na, bye," she was about to leave pero hinawakan ni Matt ang braso niya. "Pangalan?" maotoridad na tanong ni Matt. Nalukot ang mukha ni Lily dahil doon. Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang tawa habang pinapanood sila. "Ih Matt!" reklamo niya. "Kahit pangalan lang," paguulit ni Matt. Nang sinabi niya ang buong pangalan at kung saan sila makikita, pinaalis na rin namin siya. Sabay kaming naglakad palabas ni Matt. Looks like kaming dalawa ngayon ang magkasama. "Buti nalang nahabol kita," sabi ng isang hinihingal na lalaki kay Matt, wearing a jogging pants and a shirt. Beads of sweat are on his forehead, at basa ang damit sa bandang leeg. "Tawag ka ni sir, start na daw ngayon," he said. I looked at them confused. "Ba't late nag announce?" nakakunot ang noong tanong ni Matt. "Ewan ko," Tinignan ako ni Matt like he was sorry. Nang mapagtanto ang nangyayari, I straighten my back at ngumiti sa kaniya. "Okay lang gagi, mag ano ka na do'n," Looks like I have to go home alone, naghintay ako ng masasakyan medyo late na, mabuti na lang at mayroon pa kahit papano. Paakyat na sana ako ng jeep pero napahinto nang makita kung sino ang nasa loob no'n. Habang siya mukhang hindi nagulat makita ako. Dalawang bakanteng upuan na lang ang nadoon, sa tabi niya at isa sa harap niya. Pumasok ako at umupo sa bakanateng upuan sa harap niya, while the other student sits beside him. Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng pera. “Ako na,” rinig kong sambit niya. Inangat ko ang paningin ko at tinignan siya. “Ha?” tanong ko dito. “Ako na,” paguulit niya at kumuha ng pero sa wallet niya. Kulay itim ito at mukhang mamahalin. "Bayad po, dalawa," sabi niya. My heart raced. Is that for me, humigpit ang pagkakahawak ko sa pera, ibabayad ko pa ba 'to. I was awkward the whole ride, for real. Nang makababa kami, inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para lapitan siya at iabot ang bayad ko kanina. "Para sa'n 'to?" "Bayad ko kanina," "What?" He asked in a ridiculous tone. "You don't have to, libre ko," sabi niya at ipinakita sa akin ang mapuputi at magaganda niyang ngipin. Binawi ko ang pera at ibinulsa uli ito. He lend me the way kaya nagsimula na akong maglakad, sinabayan niya ako maglakad. "About the call," pag umpisa niya "I accidentally got your number from... From your friend," Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang sinasabi niya 'yon. s**t I am feeling something. Si Lily? "Hindi kay Lily," he said na para bang nababasa niya ang nasa isip ko. I laugh without humor at tumingin sa ibaba. "I'm sorry, I was drunk," Nanatili akong nakatingin sa kaniya, "Okay lang," I said and let out a laugh. "No I'm really sorry, you need to see that side of me, I am careless, don't worry hindi na mauulit," He cares so much about his image. "Cute kaya.." bulong ko "I heard that," Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya, nag init ang pisngi ko doon. "But don't worry I'll pretend that I didn't, I'll get going" natatawa niyang sabi bago nagpa alam sa'kin at umalis. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko and I feel like my heart was about to explode because of that. NGITING-ngiti na naman siya habang nakatingin sa cellphone niya. For the past few days madalang na lang siya sumabay sa'min umuwi. "Sinabi ko kay Mommy na kayo kasama ko ah, kapag tinawagan ka you know what to do," sabi niya at kinindatan ako. Palagi niya kasama 'yong nanliligaw sa kaniya. While Matt, nagsimula na ang training nila, minsan inaantay ko siya, pero madalas akong umuwi mag isa , malungkot pero naiintindihan ko naman sila. "Tinawagan ako ng mommy mo," sabi ko pagdating ni Lily sa classroom Makikita mo na wala ito sa mood dahil wala ang usual energy at hindi siya maligalig ngayon. "Napapadalas daw ang pag uwi mo ng late," "Hayaan mo sila," sabi niya in low, tired and boring tone. She looks like a mess. Nagkatinginan kami ni Matt. "Sa'n ka galing Lily?" tanong ni Matt "Pati ba naman kayo papagalitan rin ako? Give me a break pwede," medyo galit niyang sabi. Woah. Nanlaki ang mata ko at napaatras ng kaunti. "Ba't ka nagagalit tinatanong ko lang?" Mahinahon kong sabi. "Hindi sa lahat ng pagkakataon sasabihin sa inyo lahat," Medyo nasaktan ako sa sinabi niya at the same time nakukuha ko rin ang point niya. "Lily!" "Edi 'wag mong sabihin, duh, go whatever do what you want," I said as I rolled my eyes. "Dayne," "Hayaan mo 'yan Matt, malaki na siya, marunong na 'yan mag isip," Nakita ko ang matalim na tingin sa 'kin ni Lily. This is not the first time that we fight, hindi kami madalas mag away pero kapag nag away kami grabe talaga. Dahil siguro pareho kaming ayaw magpatalo. "Shut up," I raised my eyebrow nang makitang naiiyak na siya, so why is she crying now? "What? go doon ka na sa boyfriend mo," I told her. Tsaka ko lang napansin ang pasa niya sa braso dahil itinaas niya ng manggas ng damit niya. "Anong nangyari diyan?" tanong ko Nag iwas siya ng tingin, tinakpan ang pasa niya at lumabas ng room. Hindi kami nag usap pagdating niya, Matt is trying to talk to her, but he got rejected. hindi siya sumabay sa 'kin pa uwi, hindi nakasabay si Matt dahil may training. I feel bad for having a fight to Lily, pero bahala siya. I can't do anything kung gusto niya ng ganon it's her life by the way. I WAS spacing out habang nakalinya, walang maingay na Lily or Matt that I can talk to. May humawak sa balikat ko at iginaya ako palakad sa harap. Tsaka ko lang na realize na kanina pa pala naglakad ang studyante sa harapan ko, kaya malaki na ang distansiya namin. Nang lingunin ko kung sino ang nakahawak sa 'kin, Parang gusto kong matunaw nang makitang si Callen iyon. "Wala kang kasama?" he asked me bago bitawan ang balikat ko. Umiling ako. "Uuwi ka na?" Tumango ako. Pakiramdam ko napipi na ako ngayong kaharap ko siya. "Wanna grab some snacks?" O my G— is he asking me for a date? pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko. "Nahihiya ka ba?" sabi niya at tumawa. Nag iwas siya ng tingin. "O God she's cute.." mahinang sabi niya pero narinig ko pa rin, mas lalo akong hindi mapakali. "LOOSEN up, I won't bite you," sabi niya at sumubo ng ice cream. He is currently walking me home. Nahihiya ako pero kailangan ko rin siguro nito pampagaan ng pakiramdam. "Ah—" he stop at humarap sa akin. "Who is your favorite character in Tekken?" The conversation went on and on hanggang sa hindi ko na namanlayan na nasa bahay na pala kami, how I wish na sana binagalan ko ang paglakad para mas matagal kaming nakarating sa bahay. "Thank you......for ice cream....and walking me home," "You are always welcome," "Pero dapat hindi ka na nag abala, narinig ko kay ate na may mga upcoming exams kayo...." Pansin ko rin ang pagod sa mukha nito. "It's okay, I can handle that, I just need some power source to..." hindi na niya itinuloy ang sinasabi niya. Tumingin ako sa ibaba and said "Goodnight" to him. Tinanguan niya ako at hinintay makapasok sa loob. Pagkapasok ko my legs turn into a jelly like and I can feel my heartbeat it's so damn loud like it's about to explode. "Si Callen 'yon diba?" nagulat ako nang makita si ate sa harapan ko. Tumayo ako ng maayos. "Yup," Pinanliitan niya ako ng mata. "Hinatid ka?" Lumunok ako at nag iwan ng tingin. Hindi naman siguro bawal diba. "Oo," Ilang minuto siyang hindi nagsalita at nakatingin lang siya sa akin. "You are getting weird—" "Save yourself from him Dayne," makahulugan niyang sabi. Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa at umalis an rin agad. That’s very weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD