"Lily 'wag kang magulo, nahihilo ako sa'yo" sabi ko
At isa sumasakit lalo 'yong puson ko kapag nauuga niya ako. I lean at Matt's shoulder, who is now reading some notes.
"Tignan mo kasi, nagkiss sila!" sabi niya sabay pakita sa akin ng pinapanood niyang drama.
Vacant namin ngayon, kaya my classmates are doing what they want to do. While I am here, suffering because of the freaking cramps.
"Guys hindi daw papasok si ma'am, may seminar sila sa court"
Nagdiwang ang mga kaklase ko nang sabihin 'yon ng presidente ng klase, kailangan nalang namin maghintay niyan hanggang sa mag uwian.
"Guys punta tayo sa building ng college, hanap tayo ng pogi" sabi ni Lily at itinago ang cellphone niya.
"--at maganda" sabay tingin niya kay Matt.
"Pass, masakit puson ko, kayo nalang ni Matt" sabi ko at umalis sa pagkakasandal kay Matt.
Pakiramdam ko din hindi ako makakatayo dahil masakit talaga.
"Hindi ako naghahanap ng maganda,"
"Ang KJ n'yo, puntahan natin si ate Xy Matt,"
Pupuntahan nila ang ate ko nang hindi ako kasama, ang galing galing ng mga 'to.
"Sabihin natin may sakit si Dayne" sabi niya at nagliwanag ang mukha, may dahilan na siya ngayon para umalis.
"Huwag ka ngang OA natural lang 'to sa mga babae" sabi ko
"Sino bang pupunta mo do'n?"
Nag iwas siya ng tingin and said "wala" bago ngumuso.
Pinanliitan siya ng mata ni Matt. I look at her too with suspicion.
I placed my arm on the table at ipinatong ang ulo ko roon, trying not to move to lessen the pain.
"Bili na nga lang ako," narinig kong sabi ni Lily
"May papasabay ka Dayne?" she asked me
Umiling ako nang hindi nag aangat ng tingin.
"Okie" sabi niya tsaka ako nakarinig ng mga hakbang papalayo. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa marinig ko muli ang mga hakbang na papalapit sa akin.
May kumuha sa kamay ko at naglagay roon ng heating pad kaya nag angat ako ng tingin.
"Sa'n mo nakuha 'to?" tanong ko kay Matt
"Ilagay mo dito?" sabi niya sabay hawak sa tiyan niya
Naglapag din ng mga pagkain sa harap ko si Lily,
"O ayan"
Kinuha ko ang bottled water at ininom ito.
"Parang tanga 'yong clinic may heating pad pero walang gamot," rinig kong bulong ni Lily.
Ipinasok ko sa blouse ko 'yong heating pad at ipinuwesto iyon sa tiyan ko. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.
NANG mag bukas ang gate ng school, humawak ako sa wrist ni Lily as a support.
"Gusto mo bumili ako ng gamot?" tanong ni Matt
"Oo, do'n Matt oh, dali," sabi ni Lily
Umalis si Matt, umupo muna kami kung saan madalas tumambay ang mga studyante kapag uwian na.
"Namumutla ka gagi" sabi ni Lily habang nakatingin sa akin
'Masakit talaga' I mouthed her
"Birthday na ni Matt bukas,"
"Kapag nawala ang cramps ko, pupunta ako, kapag hindi nawala, hindi ko alam"
"Mawawala na 'yan bumili na ng gamot si Matt eh"
Habang naghihintay kami, pinilit kong kuhaniin ang cellphone ko at tignan ang account ni Callen sa f*******:, baka may bago na siyang post o nag iba ng litrato. Pero kahit wala siyang bagong post, itinuloy ko pa rin ang pagtingin sa account, I just find it satisfying.
Until I stop searching for his profile.
Why am I doing this?
Biglang pumasok sa isip ang nangyari nang ihatid niya kami. Is he showing sign or nag-aasume lang ako? Damn I don't want to expect anything, masama 'yon. Mabilis kong itinago ang cellphone ko.
Pasimple akong lumingon sa paligid at baka makita siyang pauwi, pero naalala ko magkaklase sila ni ate kaya maaga ang uwi niya.
Ininom ko ang gamot na binili ni Matt at nagpahinga na rin pagdating sa bahay.
Thankfully the next day, wala na ang cramps ko kaya naka attend ako ng birthday ni Matt.
Pagkarating ko sa bahay nila, binati ko muna si tita at tito bago ko hinanp si Matt at ibinigay ang regalong hawak ko. Medyo konti palang ang tao. I wonder sino sino kaya ang bisita ni Matt.
"Happy birthday! Regalo nila Mama 'yan, ako wala, " sabi ko at nag peace sign
"Okay lang," sabi niya sa 'kin habang nakangiti siyang nakatingin sa regalo na para bang nahihiya siya.
He is wearing a tattered pants and simple black fitted shirt, bagong gupit din ang mahaba nitong buhok. While I wore a denim skirt and black top too. Kahit na mag kapit bahay lang kami, kailangan ko pa ring magkuhang presentable sa harap ng mga magulang at bisita niya.
"Nando'n si Lily sa loob," sabi and we are about to walk nang may humarang sa aming babae.
"Akira?" I called her, May dala dala siyang regalo na yakap yakap niya.
Nagkatingin kami ni Matt. The girl is looking at Matt at hindi ako pinansin.
"H-happy birthday M-matt" she is stuttering
Maaawa sana ako sa kaniya kaso lang nangaaway 'tong babaeng 'to eh. Mabuti nga at hindi pa ako tinitignan ng masama. Sobra mag angkin kay Matt, akala mo girlfriend.
Matt was shocked at first too, pero tinggap niya pa rin ang regalo and said "thank you,". expected from Matt, he is really kind.
Nang tumalikod si Matt tsaka niya ako tinignan ng masama, sinasabi ko na nga ba eh, I rolled my eyes bago sumunod kay Matt.
"Matt ano shot na ba?" sabi sa kaniya ni Lily habang nakaupo mag isa sa isang sofa at may lollipop sa labi.
"Seventeen ka lang Lily, 'wag kang maligalig diyan," sabi ko
But little I didn't know, kanina pa pala ito umiinom dahil sa mga bote sa harap niya.
"Ba't mo pinabayaan?!" gigil na bulong ko kay Matt
May ipinakita siyang post sa akin, it was two hours ago, a news about her father na may kasamang ibang babae.
Napabuntong hininga nalang ako at tinabihan siya. Tinignan ko siya at inayos ang bangs niya. Medyo nakapikit na ang mata at mukhang patulog na siya.
"Gusto niya daw matulog dito, pero ayaw niya sa guest room gusto niya sa kwarto ko, okay lang daw kahit sa sahig siya basta gusto niya may kasama siya"
Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang sinabi iyon ni Matt. I look at her who is peacefully sleeping now in the couch, tinanggal ko ang lollipop na naka subo pa sa kaniya.
Kadadating ko lang tulog na agad siya hindi pa kami nagsisimula magsaya, dinala siya ni Matt sa guest room.
Kaunti lang ang tao sa bahay nila, mga iilang kamag anak niya at mga kakilala at ibang mga kaklase namin. Pakiramdam ko tuloy boring ang birthday ni Matt dahil wala si Lily. Nadagdagan iyon ng inis ng patuloy na lapit ng lapit sa amin si Akira at pilit na kinakausap si Matt. Bakit ba kasi nandito ang isang 'to. hindi tuloy kami makapag usap ng maayos ni Matt.
"Matt...pwedeng.. picture tayo,"
Some people can be really annoying sometimes.
Dahil mabait si Matt, pumayag siya at ako ang kumuha ng litrato doon. Pero patuloy pa rin siyang nakasunod sa amin kahit sa'n kami magpunta.
Hanggang sa hindi na ako nakapagpigil at hinarap na siya "Hindi ako masyadong makakilos dahil palagi kang nakasunod" kung nandito sa Lily mas harsh pa ang sasabihin no'n.
Naramdaman ko ang hawak ni Matt sa braso ko.
"Wala ka bang ibang pupuntahan? you are annoying me for real, you don't know what is... quality time...with his friends?""
Tinignan niya si Matt na parang naiiyak siya, parang humihingi siya ng tulong dito. Hinarap ako ni Matt ang gave me a stop-it-look.
"What?" tanong ko kay Matt at unti unti ibinaling ang atensyon kay Akira na nakatayo at hindi pa rin umaalis sa harapan namin.
"Leave," I said bago ko hinatak si Matt papaalis.
"Potek, d'on na nga lang ako sa party ni Callen," narinig kong bulong niya kaya napahinto ako sandali ako sandali.
Birthday rin ni Callen, pero iba ang nakalagay sa f*******: niya.
Tinext ko si ate at itinanong kung ngayon ba ang birthday ni Callen, nagulat ako nang sabihin niyang oo at nandoon daw siya ngayon kaya napahinto ako.
"Bakit?" tanong sa akin Matt
Umiling ako.
I wanted to go too, I mean to thank him sa paghatid sa'min and greet him too, pero birthday din. ni Matt I can't leave.
"SI Lily ah," pag bibilin ko sa kaniya nang maihatid na niya ako sa tapat ng bahay namin
"'oy wala talaga akong regalo sorry, libre nalang kita bukas anong gusto mo?” tanong ko sa kaniya.
His lips rose. Flashing a small smile.
"Kahit ano, basta libre mo,” sabi niya at tumango.
This guy. Ganiyan siya.
"O sige ililibre kita ng fishball," sabi ko at tumawa.
Tumawa rin siya at tumingin sa ibaba.
"Night," he said after a minute of silence.
"Goodnight~" sabi ko at pumasok sa loob
Kaagad kong pinuntahan si ate sa kwarto niya, nakita ko siyang may ginagawa sa laptop niya, nagulat pa siya nang makita ako.
"Birthday ni Callen ngayon?"
Kumunot ang noo niya " oo"
"May number ka niya?"
Mas lalong naging suspicious ang tingin niya sa akin.
"Babatiin ko lang siya"
"Tigilan mo 'ko Xya Dayne"
"babatiin ko nga lang, friends kami"
I don't know if we are friends, pero hinatid niya kami so I assume and besides they are friends, I am his sister, nag usap na kami kaya friends na kami, hindi ba gano'n naman.
Nang binigay niya ang number niya, hindi ko naman alam ngayon kung papaano siya itetext.
Gumulong gulong ako sa kama at sinubukang mag tipa ulit.
Happy birthday Callen Eiji Alcarez
-Dayne
Binura ko ito, parang hindi naman kami nag uusap nito, sobrang pormal.
Happy birthday
-Dayne here
Buburahin ko na sana nang biglang nag-vibrate ang phone ko.
It was a text message from unknown number.
From: 09*********
Heyyyyyyyyyyyy
It says there then variety of emoji's
Kumunot ang noo ko. Hindi pa man ako nakakapagtipa ng mensahe nagtext uli ito
From; 09*********
Yo where you at?
Who the f**k is this.
I was about to block the number nang tumawag ito.
Inis ko itong sinagot.
Maingay ang background nito, I heard someone's 'shh'
("I'm sad") he said in deep voice, nakarinig ako ng sigawan sa background niya.
"I beg your pardon?"
Hindi niya ako sinagot bagkus huminga siya ng malalim bago pinatay ang tawag.
Weird.
I was about to continue to delete my text nang may mapansin.
Napatakip ako ng bibig nang marealize na ang numero na binigay ni ate at numero ng tumawag ay magkaparehas, so ibig sabihin...s-si C-callen 'yon?
SHIT.
Napatulala ako ng mga ilang minuto do'n.
Why would he call me? and tell that he is sad? O- this is making me crazy.
Okay babatiin ko lang siya, ba-ba-ti-in.
I text him a happy birthday hindi ko na inilagay ang pangalan ko.
Pagkatapos kong maisend iyon, I threw my phone at mabilis na nagtalukbong, bigla ako nahiya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.
But all I know is that sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko ngayon, dahil sa kaba at saya...siguro.