Hapon na pero ngayon ko Lang napansin na, Wala pala si itay. Hindi ko naitanong kanina Kay inay Kung nasan Ang amo ko.
Lumabas ako ng bahay, para hanapin si inay sa likod bahay, madalas Kasi ng pupunta si inay sa likod, para magpahangin oh KAYA Naman mag ayos ayos ng mga pananim.
Nung makarating na ako sa likod bahay nakita ko Ang akin ina na nasa duyan at ng papahinga sa ilalim ng puno.
Inay! Tawag ko sa ina ko. Lumingon Naman Siya sakin nung nakita Niya ako.
Oh Tala? Ano Ang kaylangan mo.
Inay itatanong ko Lang Kung bakit Wala pa si itay, kanina pag gising ko.
Hindi ko na Siya nakita, Hindi ko na din na alala na itanong sainyo. Kung bakit Wala po si itay kanina.
Ah tala Ang itay mo ay nasa bayan may binili Siya doon, para sa dadalhin ninyo ni Daichi sa manila.
Bakit kaylangan pa na magpunta ni itay sa bayan, hindi na Sana Siya ng punta doon.
Anak ng punta Siya don para may dalhin ka sa mga magulang ni Daichi, oo nga pala okay na ba Yung mga dadalhin mo anak. Opo okay na po yun, Wala Naman po ako nakalimutan na dalhin.
Oh Siya Maya maya ay nanjan na Ang iyung itay, kaylangan mo na din mag ayos ng iyong sarili, tala nakita mo ba si Daichi, tumingin ako Kay inay. Bakit Naman KAYA sakin, hinahanap ang isang Yun. Hindi ko po nakita Ang lalake na iyon nay, narinig ko Ang buntong hininga ni inay. Anak alam Namen ng itay mo na ayaw mo talaga mag pakasal pero, Sana Naman maging mabuti ka Kay Daichi, mukang matinong binata Naman si Daichi at nakikita ko na mukang maaalagan ka Naman Niya.
Pag nasa manila na kayo dalawa, umiwas ako sa tingin ni inay sakin. Kung alam ninyo Lang inay, Kung ano ba talaga Ang totoong ugali ng lalake na iyon.
Panigurado pag-nasa manila na ako, don magiging karbaryo Ang buhay ko sa lalake na iyon.
Dumating Ang oras na aalis na kame ni Daichi, papunta ng manila.
Nung nasa labas na kame nang bahay ay handa na ako magpaalam sa magulang, Siya anak mag iingat ka sa manila, iba Ang pamumuhay doon kisa dito sa probinsiya. Tumango ako sa mga bilin ni inay sakin.
Wala na ba kayo nakalimutan, tumingin ako Kay Daichi at tinanong ko Siya Kung may nakalimutan ba Siya.
Daichi baka may nakalimutan ka. Tumingin Siya sa magulang ko.
Wala Naman po akong nakalimutan ma'ma.
Ano ka ba hijo tita na Ang itawag mo sakin.
Kung ganon pala at Wala Na pala kayo nakalimutan, Sige na umalis na kayo para Hindi kayo masyado gabihin sa daan.
Napa irap na Lang ako, Exsatid talaga sila na palayasin ako sa bahay na ito. Agad na akong tumalikod sa kanila para pumasok sa sasakyan ni Daichi, pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko Ang isang boses na tumawag sakin.
Pag lingon ko sa ligod ko, ay nakita ko si ivan na papalapit samen.
Oh ivan mabuti at naabutan mo pa kame, tumingin si ivan sa mga magulang ko para bumati sa kanila.
Magandang hapon po tito Benjamin, at sainyo din po tita, magandang hapon din SAYO ivan mabuti at na abutan mo pa sila tala.
Oo nga po tita may nakapag sabi po sakin, na ngayon po Ang luwas ni tala pa manila KAYA po sumugod po ako agad dito. Para makapag paalam manlang sakanya, ay kung ganon Sige na magpaalam ka na baka gabihin pa sila sa daan.
Tala puwede ba Tayo mag usap kahit sandali Lang, oo Naman ivan.
Kung puwede ay don Tayo mag usap, Sige halika don.
Ano ba ang sasabihin ko ivan?
A-Ah Ano Kasi tala Ang gusto ko Lang Sabihin SAYO na mag iingat ka sa manila, Kung Wala Kang makausap ay puwede mo akong tawagan.
May inabot sakin si ivan na isang papel.
Ano Naman ito?
Number ko Ang nakasulat sa papel na Yan ng palit na Kasi ako ng number KAYA yan na Ang bago. Kung hindi ka busy tawagan mo ako. Ngumiti ako sakanya at sabay na tumalikod, bago pa ako makalayo sakanya ng paalam na din ako. Dahil tinatawag na din ako ni itay.
Habang nasa biyahe kame ni Daichi hindi ko maiwasan mailang,
Sawakas makakabalik na din ng manila, nung marinig ko Yun ay hindi ko ma iwasan na tumingin sakanya, Alam ko na mag uumpisa na Ang kalbaryo ko.
Huminto Ang sinasakyan namen dalawa, KAYA napatingin ako sa harap ng sasakyan at don ko nalaman na Naka stop Ang stop light, pag baling ko sa katabi ko ganon na Lang Ang gulat ko nung nakita na nakatingin sakin si Daichi at naka ngisi, kinabahan ako sa nakita ko sa muka Niya.
Ngayon babae ilabas mo Ang tapang mo sakin. Isang buong araw din ako nanahimik wag ka Lang patulan.
Lumapit sakin ang kanyang muka at tinitigan ako sa mga mata. Hindi ko naalala na nasa loob nga pala kame ng sasakyan KAYA, Hindi ako masyado makagalaw.
Naalala mo ba ang sinabi ko SAYO, nung nasa loob Ako ng kuwarto mo, Mag ingat ka Tala Dahil ako Naman Ang may gagawin SAYO na Hindi mo magugustuhan,
Kinakabahan ako sa mga sinabi Niya sakin. Pero Kung yun Ang binabalak Niya puwes nakahanda ako. Itinulak ko Siya palayo sakin.
Kung yun Ang nais mo Daichi Wala akong pake Alam, Ano man ang gawin mo nakahanda ako, hinila Niya Ang damit ko. Sa pagkakabigla ko muntik ng maglapat Ang amin mga labi.
Titig na titig ako sa mga mata ni Daichi, napaka tapag mo Babae Hindi na masama. Nakarinig kame ng busina ng sasakyan, pag tingin namen sa harap ay naka Go na pala ang stop light, KAYA binitawan ni Daichi Ang damit ko at ng simula ng magmaniho.
Nang makaratig kame, sa manila ni Daichi. Dumaan muna kame sa isang drive thru sa mcdonald's para makakain, sahaba ng biyahe Hindi manlang naalala ng magaling na lalake na ito na kumain manlang.