Chapter 2

4065 Words
I became busy for the past few weeks because of my business. I have my own restaurant that I managed. Nagluluto rin ako paminsan-minsan doon at dahil nga nag-leave ang isa naming chef ay ako muna ang pumalit doon. Hindi naman kasi ako puwedeng basta-basta na lang mag-hire ng maraming chef dahil na rin sariling recipe ko ang gamit ko sa pagluluto kaya tatlo hanggang anim na chef lang ang tanging pinagkakatiwalaan ko ng recipe ko. Kaya naman umuwi ako sa bahay na pagod at puyat galing sa trabaho. Akala ko nga ay makakapagpahinga na ako sa wakas ngunit mas lalo lang 'atang nadagdagan ang stress at pagod ko sa sinabi ni Mommy. "Bukas na bukas din ay lilipat na tayo sa bahay ng magiging asawa ko. You two should pack your things up later," sabi ni Mommy sa kalagitnaan ng pagkain namin ng hapunan. Agad na kumunot ang noo ko kasabay ng paghigpit ng kapit ko sa kubyertos na hawak ko. "Really, Mom?" tuwang-tuwa na wika ni Violet. "Masiyado naman po 'ata kayong nagmamadali, Mom. Hindi pa po kayo kasal para lumipat sa bahay nila," singit ko sa usapan nila. "My fiance said that we can move there. Our wedding is coming. There is nothing wrong with it," aniya ni Mom habang naghihiwa ng steak sa plato niya. Mariing umiling naman ako habang bakas ang pagtutol sa mukha na tiningnan siya. "Kahit na. You are still not married yet." "Puwede bang hayaan mo na si Mommy na magdesisyon ng kaniya? Matanda na siya, okay? She can decide on her own," pambabara sa akin ni Violet na halatang kanina pa naiinis sa akin. Taas ang kilay at seryosong binalingan ko siya ng tingin. "Really? So wala na pala akong karapatan na magpahayag ng opinyon ko? I am her daughter and I am also part of this family. I am just concerned about what will people say lalo na at kamamatay lang din ng asawa ng fiance ni Mommy." Based on what my friend told me. Umismid siya habang matalim na nakatingin sa akin. "So? It's not our problem anymore. Palibhasa kasi sa iyo, palagi mong iniisip ang sasabihin ng ibang tao. That's why hindi ka nagiging masaya dahil diyan sa ugali mo at ngayon ay idadamay mo pa si Mom sa kamisirablehan mo. You're so bitter at pakialamera talaga. Let mommy marry the man that she wants," naiinis na sabi niya. Sarkastikong ngumisi ako. "Really? Hahayaan mong magpakasal si Mom sa taong ilang buwan pa lang niya nakikita at nakikilala? Sige nga! How sure are you na mabuting tao ang papakasalan ni Mom? How sure are you na hindi niya sasaktan si Mom? Sige nga, sabihin mo!" mabigat ang paghinga na singhal ko sa kapatid. Alam kong masamang mag-away sa harap ng pagkain but she's really getting into my nerves. Pinapainit niya ang ulo ko sa pagiging bida-bida niya. "Of course. He is popular and he has money-" "Bullshit! Hindi basehan ang kasikatan at pera para lang masabi na mabuti ka. Sometimes people hide their true color behind those things because they know how manipulative and how money and fame works. Katulad sa iyo, madali ka lang mauto sa mga bagay na mamahalin not thinking na may kapalit ang mga iyon." Kumuyom ang kamay niya habang nagngingitngit ang ngipin sa galit. Hindi naman halatang hindi kami magkasundo 'no? "Do you think na hahayaan niyang madungisan ang pagkatao niya? Kapag sinaktan niya si Mom, mabilis na kakalat ang issue na ikababagsak niya. News can spread like wildfire lalo na kapag sikat at mayaman ka. He was known for being rich and kind kaya isang pagkakamali lang niya, mawawala sa kaniya ang lahat," she reasoned out. Muntik na akong mapangiwi sa sinabi niya. Kapatid ko ba talaga 'to? Nasaan ang utak niya? Lumipad sa ibang planeta at hindi na bumalik? f**k her worthless and unreasonable reasons! "That's why there's money and connection. Puwede niyang pagtakpan lahat ng baho niya! Hindi ka ba nag-iisip?! Nasaan ang utak mo? O baka naman naubos na dahil kinain na ng mga peste sa katawan mo!" I hissed. Mas tumalim ang mata niya sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin, paniguradong pinaglalamayan na ako ngayon. Akmang magsasalita pa sana siya nang pigilan siya ni Mommy. "Okay, that's enough," saway sa amin ni Mom. Napatingin kami sa kaniya na minamasahe ang gitnang parte ng dalawang kilay niya na animo'y na istress na. Napabuntong-hininga siya bago ako nilingon. "Vivian, that's enough complaining. Whether you like it or not, we will move to that house. But if you really don't like it then stay here. We will not force you to go with us," seryosong sabi niya. Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "What? You gotta be kidding me, Mom! You can't leave me here." "You leave no choice," aniya bago tumayo at naglakad paalis. Sunod naman na tumayo si Violet na nginisihan muna ako bago sumunod kay Mommy. Naiwan akong awang ang labi habang nakatingin sa likod nila. Nang mawala sila sa paningin ko ay inis na napasabunot ako sa buhok ko habang nakapikit. What a f*****g life. KINABUKASAN ay maaga akong naghanda para sa paglipat namin. Ngayon lang din ako nag-impake. I just packed some but not all of my clothes and things. Babalik pa rin naman ako rito and for sure, may maiiwan dito na mga maids namin to clean this house every week. Lumabas ako dala-dala ang maleta ko at bumaba sa hagdan. Naabutan ko si Violet sa baba na nakahalukipkip na napatingin sa akin. Tumaas ang kilay niya at bumaba ang tingin niya sa hawak ko "I thought you wouldn't come with us?" taas-kilay na tanong niya sa akin. Hindi na ako nag-abala pa na sumagot sa tanong niya. Sa totoo lang ay hindi naman dapat ako sasama pero syempre nangako ako kay Daddy bago siya namatay na aalagaan ko si Mommy. Wala akong tiwala sa magiging asawa ni Mommy kaya naisipan ko na sumama para bantayan ang tanging natitirang magulang ko. Kailangan makilatis at makilala ko muna nang mabuti ang magiging asawa ni Mommy bago ako magpapasya kung ano ang dapat na susunod na gagawin ko. Kapag may nakita akong kahit isang pagkakamali sa akto nito ay hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Kahit anong paraan pa 'yan ay gagawin ko. Umirap naman si Violet bago nag-iwas ng tingin mula sa akin nang walang nakuhang sagot. "So let's go?" yaya ni Mommy nang makababa siya mula sa hagdan. Tumango naman ako. Bitbit ang mga gamit ay sumakay kami sa Van. Habang nasa biyahe ay panay ang kuwento ni Mommy sa amin kung gaano kabuting tao ang magiging asawa niya. "You know, Gregorio is a good man. Marami na siyang natulungan na mga tao na may sakit. He is a good doctor and he also has a free center and facilities for those who can't afford to pay for the hospital. May nag-iisang anak din siya na lalaki mula sa yumaong asawa niya. His son is a businessman. Balita ko, sobrang successful din ng anak niya. He indeed a good father to his son. Alam kong kapag nakita at nakilala mo siya ay paniguradong magugustuhan mo siya. He is kind, honey," wika sa akin ni Mommy na nasa tabi ko. "Yeah. Whatever," bagot na sabi ko bago nilagay ang earphone sa tainga ko at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan. Natahimik naman si Mommy sa tabi ko habang ako naman ay itinuon ko ang atensyon sa daan. Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan namin sa tapat ng marangyang bahay. Mula sa bintana ay tanaw ko ang magara at malaking bahay na maihahambing sa mansyon na nasa ibang bansa. Sobrang elegante ring tingnan ang bawat disenyo nito at bumagay ang kulay ginto at puti na pintura sa mansyon. Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko bago bumaba. Lumabas kami sa sasakyan at sinalubong ng nakahilerang mga maid sa tapat ng pinto. "Magandang umaga po, Ma'am," sabay-sabay na bati ng mga maid sa amin. "Magandang umaga rin," nakangiting tugon sa kanila ni Mommy. Kinuha ng mga maid ang gamit namin para dalhin sa kuwarto namin. Habang ang iba naman ay bumalik na sa kaniya-kaniya nilang trabaho. Pumasok kami sa loob ng bahay at sumalubong sa amin ang nakangiting lalaki na kasing edad ni Mommy. Sa tantya ko ay nasa 40's to 50's pa lamang ito ngunit kahit gano'n ay hindi maipagkakailang guwapo pa rin ito kahit na may edad na. Lumapit siya kay Mom at hinawakan ang baywang nito bago hinalikan sa pisngi. "Hi, hon," bati niya. Mommy smiled as she looked at him. "Hi rin, Hon. By the way, these are my daughters, Vivian and Violet." Pakilala sa amin ni Mom. Agad namang tumingin sa amin ang fiance ni Mommy. He smiled that made his wrinkles in eyes visible. "Hello, nice to meet you, ladies," he said before he turned his gaze to Mom. "As I expected, you raised two beautiful daughters, hon," aniya rito. "Thank you, tito," sabi ni Violet. Ngumiti lang ito bago inilapat ang paningin sa akin na katabi ni Violet. "You're Vivian, right?" Baling sa akin ng fiance ni Mom. "Ah yes, she's Vivian," sagot ni Mommy nang hindi ako sumagot. "Oh I see." Ngumiti ito habang sinusuri ang mukha ko. May kung ano sa mata nito ang dumaan na hindi ko maipaliwanag. Para bang may alam siya na hindi ko alam. Bahagya naman akong nailang sa tingin niya. Ngumiti lang siya bago nag-iwas ng tingin. "So shall we?" Inilahad nito ang kamay kay Mommy. Nagtungo kami sa kusina. Nakita namin ang maraming mga pagkain na nakahanda sa lamesa. Iba't ibang putahe at sobrang linis din ng dining area nila. Kahit lamok ay mahihiyang dumapo dahil sa sobrang linis at kintab ng mga gamit. May chandelier pa sa gitna ng lamesa na nagdaragdag ng eleganteng dating sa dining area. Umupo kami sa bakanteng upuan. Katabi ko si Violet na kaharap si Mom, katabi naman ni Mommy ang fiance niya na nakaupo sa gitna. "So let's eat?" yaya ng fiance ni Mommy. "Wait. Where's Elton? Hindi ba natin siya hihintayin?" tanong ni Mom. Nagkibit-balikat naman ang fiance niya. "He said he's busy so we should eat first." Tumango naman si Mom at nagsimula na kaming kumain. Kumuha lang ako ng kaunting kanin at salad. Nagkukuwentuhan sila habang tahimik lamang ako sa tabi nila na nakikinig sa pinag-uusapan nila. Parang bigla akong na out of place dahil sa mga pinag-uusapan nila na hindi ko maintindihan o baka wala lang talaga akong pakialam kung kaya hindi na pinoproseso pa ng utak ko ang sinasabi nila. Wala akong interes sa pinag-uusapan nila at nakayuko lamang ako na kumakain kung kaya gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang kausapin ako ng fiance ni Mommy. "So how old are you, Vivian?" tanong sa akin ng fiance ni Mommy. Tumikhim ako bago pinunasan ang bibig ko gamit ang tissue. "25 years old po." "What's your work?" "I have my own restaurant that I am handling right now. It was just a small business that I managed," sagot ko. Tumango-tango naman siya. "That's good. How about you, Violet?" Baling niya sa kapatid ko na agad na nag-angat ng tingin sa kaniya. "I am currently enjoying my life right now, Tito," nakangiting sabi nito. "Oh so you don't have a plan to work?" bakas ang pagkadismaya sa mukha ng fiance ni Mommy. Tumaas naman ang kilay ko sa reaksyon niya. "I don't know. It's not like I need to work. My mom was there to sustain me, financially," kampante na sagot ni Violet. Umiling naman ang fiance ni Mommy. "But she is not always there. It is better for you to have savings in case something bad happens. It is also necessary for you to have work so you can have your own money." Nagkibit-balikat lang si Violet at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy siya sa pagkain at mukhang wala lang sa kaniya ang sinabi ng Tito Gregorio niya sa kaniya. Napailing naman ang fiance ni Mommy bago bumuntong-hininga at tumingin sa akin. He smiled at me before he asked me a question. "So Vivian. Is your restaurant open for catering?" Natigilan ako ngunit agad ding tumango. "Yes, Sir." Mas lalo siyang napangiti. "Good. We can contact you if there is any occasion or event that will be held by our business or family." Nanlalaki ang mata ko. "Talaga po?" "Yes." Malawak na ngumiti ako sa narinig. Malaking opportunity ito 'pag nagkataon. Kilala ang pamilya nila bilang mayaman at malawak na angkan kaya siguradong maraming kukuha sa amin kung sakaling magustuhan nila ang service namin. Dagdag pa na kilala rin ang pamilya nila sa larangan ng business. Kumpara sa mga sikat at magaling na chef ay wala pa ako sa kalingkingan nila. Kumbaga, nagsisimula pa lamang ako kung kaya gano'n na lamang ang pagkatuwa ko sa sinabi niya. It is such an honor to have someone who has a high standard to trust your capabilities. Hindi ko inaasahan na pagkakatiwalaan niya ang restaurant ko sa kabila ng sinabi ko na maliit pa lamang ito. Hindi naman pala siya katulad ng iniisip ko na mataas ang tingin ang sarili at nangmamaliit ng kapuwa. Maybe I judge him too quickly. He is not that bad after all pero ayaw ko rin na masiyadong maging kampante at magpadala sa matamis na salita o mabuting ginagawa niya. Malay ko ba kung nagpapanggap lang siya na mabait para makuha ang loob ko. "Thank you, Sir." Abot tenga at halos mapunit ang labi ko na nakangiti sa kaniya. "Welcome." He matches my smile. "And call me Tito from now on. Besides, I will be your step-father soon." Tumango lamang ako kahit na medyo nakakailang na tawagin siya na Tito. Hindi naman siya kapatid ni Mommy at hindi pa sigurado kung matutuloy ang kasal nila. Ngunit sa kabila no'n ay napagtanto ko na mabait naman pala ito at kita ko ang sinseridad sa mga mata niya pero hindi dapat ako magtiwala agad dahil baka pakitang tao lamang nito iyon. Magaling pa naman magpanggap ang mga taong may maitim na balak. Natigil ang kuwentuhan namin nang may isang boses na nagsalita. "I'm sorry, I'm late." Humigpit ang hawak ko sa kubyertos na hawak. Nanindig ang balahibo ko sa katawan sa sobrang lalim at lamig ng boses na iyon. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko at panlalamig ng kamay ko dahil sa nagyeyelong boses ng lalaki. Narinig ko ang mabibigat na yapak niya palapit. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ako sa entrada ng dining area. Nag-angat ako ng tingin nang umupo ito sa kaharap ko na upuan na siyang katabi ni Mommy. Mahinang napasinghap ako at unti-unting nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa pamilyar na mukha ng lalaki. What the- siya iyong nakatitigan ko sa cafe shop, hindi ba?! Paanong napunta iyan dito? Puno ng kaguluhan na tiningnan ko siya habang nananatiling malamig lamang ang mga mata niya na sinalubong ang tingin ko. Naputol ang pakikipagtitigan namin sa isa't isa nang magsalita si Tito. "Elton, you're here," sabi ng fiance ni Mommy. "Hmm." Tango no'ng Elton. Tumikhim si Tito bago ibinaling ang tingin sa amin na magkapatid. "By the way, this is Elton, my son." Napaawang ang labi ko sa nalaman. Kaya pala... I didn't expect na siya ang anak ng magiging asawa ni Mommy. What a coincidence. "And this is Vivian and Violet, your stepsisters." Tumango lang ako sa kaniya ngunit nagulat ako nang ilahad niya ang kamay sa harap ko. "I'm Elton," seryosong pakilala niya habang malalim ang mga mata na nakatingin sa akin. Tulalang tinitigan ko lang siya. Makakapal na kilay, mahabang pilik-mata, kulay asul na mga mata, matangos na ilong, perpektong panga, at maninipis na labi na parang ang sarap halikan. Tumikhim ako bago umayos ng upo. Wala akong nagawa kun'di tanggapin ang kamay niya na nakalahad. Ayaw ko namang maging bastos sa harap niya lalo na't nakatingin sila Mom at ang magiging asawa nito sa amin. "Vivian," sabi ko bago kinuha ang kamay niya. Ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko at ang panlalamig ng kalamnan ko nang maglapat ang kamay namin sa isa't isa. Sobrang gaspang at init ng kamay niya. Halos sakupin din ng malapad na kamay niya ang maliit na akin. Nagmumukha tuloy kamay ng bata ang kamay ko kapag hawak niya. Agad na binitawan ko rin ang kamay niya bago nag-iwas ng tingin at muling ipinagpatuloy ang pagkain ko. Ganoon din ang ginawa niya. "Hi. Elton, right?" narinig kong tanong ni Violet habang malagkit na nakatingin kay Elton. Ang kaninang bagot na mukha ng kapatid ko ay biglang nabuhayan nang makita si Elton. "Yeah," tipid na sagot ni Elton bago sinubo ang steak na hiniwa niya. "I'm Violet." Nilahad ni Violet ang kamay sa harap nito. Tumango lang si Elton at hindi pinansin ang kamay nito. Napapahiyang nagbaba naman ng kamay si Violet sa hindi nito pagtanggap sa kamay niya. "So how's business?" tanong ni Tito kay Elton. "It's okay, Dad," walang ganang sagot nito sa ama. "I heard you just successfully made a deal with other investors," nakangiting sabi ni Tito. Isang beses na tumango lang si Elton. "Yes." Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang tahimik lamang ako na nakikinig sa kanila habang kumakain. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagod at pagkabagot kung kaya medyo binilisan ko na na kumain. Hindi nagtagal ay natapos na rin ako sa pagkain. Tumayo ako dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. "Mauuna na ako. I'm tired. Where's my room, Mom?" tanong ko kay Mom na napailing lamang sa akin. "Oh wait, iha. Marie!" tawag ni Tito sa isang maid na agad namang lumapit. "Yes, Sir?" magalang nitong tanong bago sumulyap sa gawi ni Elton. Kita ko ang bahagyang pagpula ng pisngi niya nang makita ang lalaki na prenteng nakasandal sa upuan nito habang nakatutok ang mata sa akin. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya dahil sa pagka ilang na nararamdaman. Kanina ko pa napapansin ang panaka-nakang pagtingin niya sa akin at sa totoo lang, hindi ako natutuwa. Ang uncomfortable kaya sa pakiramdaman na may nakatingin sa 'yo habang kumakain dagdag pa na ito ang ikalawang pagkikita namin. Well… unang pagkikita sa pormal na paraan, I mean. "Kindly guide Vivian to her room," utos ni Tito sa katulong. "Sige po. Halika na po, Ma'am," yaya ng katulong sa akin na medyo mas bata lang sa akin ng kaunti. Tumango ako at akmang susunod na sa kaniya nang tumunog ang upuan kasabay ng pagtayo ni Elton. "I'll take her to her room," seryosong wika ni Elton na nakatingin sa amin. Napabaling ang lahat kay Elton na nagpresentang ihatid ako sa kuwarto. Napaawang ang labi ko bago umiling. "Hindi na. She can assist me." Tukoy ko sa katulong na katabi ko. "I insist. My room is next to yours so I can accompany you to your room. I will also go to my room to change my clothes," pilit niya sa gusto niya. "Ah yeah. Just go with Elton, Iha," Singit ng ama niya sa usapan namin. Wala akong nagawa kun'di pumayag. Tahimik na naglakad ako palabas ng dining area at ramdam ko ang pagsunod niya sa likod ko. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lamang ang pagtabi niya sa akin habang sabay kaming naglalakad. Tahimik lamang kami habang paakyat sa hagdan nang bigla siyang magsalita. "Vivian, right?" tanong niya habang nasa nasa harap ang mata. "Yeah," tipid na sagot ko. "So what's your hobbies, Vivian?" tanong niya ulit. Kumunot ang noo ko. I didn't expect him to ask me some random question pero gano'n pa man ay sumagot na lamang ako. "Cooking." Tumango-tango siya. "I see. How old are you now?" "25. Ikaw?" Sinulyapan ko siya sa gilid ko na nakapamulsang naglalakad. Kailangan ko pang tingalain siya para lang makita ang mukha niya. "27." "Okay…" sabi ko na lang sa kawalan ng ibang sasabihin. Tumikhim siya bago lumingon sa akin. Iyon naman ang siyang pag-iwas ko. Ewan ko ba, may kakaiba kasi sa tuwing nagtatama ang paningin namin. Para bang hinihila ng malalim na mga mata niya ang hininga ko at hindi ako makahinga nang maayos sa pagkalunod dito. Hindi ko alam kung ilang minuto niya akong tinitigan bago muling nagsalita. "You look uncomfortable. Did I scare you?" medyo marahan ang boses na tanong niya ngunit nandoon pa rin ang lalim nito. Umiling naman ako. "No. Hindi lang ako sanay na may kausap na ibang lalaki." "Ow. I see." He bit his lower lips before he combed his hair backward using his fingers. Natahimik siya. Mukhang napansin niya na hindi ako interesado sa mga tinatanong niya dahil sa tipid na mga sagot ko kaya hindi na siya nagsalita pa. Naging awkward tuloy ang atmosphere sa pagitan namin. Sobrang tahimik at tanging yapak at paghinga lamang namin ang maririnig sa kabuuan. Nagsisisi tuloy ako na hindi ko pinahaba ang usapan namin. Mas gusto ko pa na may pinag-uusapan kami kaysa 'yong ganito na sobrang awkward na para bang may harang sa pagitan namin. Ano na lang kaya ang mangyayari sa susunod na araw? How can we approach and act with each other if there is tension between us? Araw-araw pa naman kaming magkikita sa bahay na ito dahil simula ngayon ay dito na rin ako titira kasama sila Mommy. Ilang sandali pa ay huminto kami sa tapat ng malaking pinto na kulay ginto. "Here's your room," aniya. Tumango ako bago siya hinarap at tumingala. Sumalubong sa akin ang nakakalunod na mga mata niya. "If you need anything. Just call me. My room is there." Turo niya sa katabing kuwarto habang nanatiling malamig ang mukha niya. "Okay. Thanks," tipid na sagot ko bago pumasok sa kuwarto ko at sinara ito. Narinig ko ang mabigat na yapak nito paalis dahilan upang mapabuga ako ng hininga na hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan. Napaka intimidating naman ng lalaking iyon. Ngayon pa lang ay alam ko na na hindi kami magiging malapit sa isa't isa. Pareho kasi kaming tahimik. You know, I believe in the saying that 'like repel and opposite attract." Napailing ako sa naisip. Sinigurado ko muna na naka lock ang pinto bago dumiretso sa kama at humiga. Hindi na ako nag-abalang malinis ng katawan dahil kakaligo ko lang din naman sa bahay at isa pa, tinatamad na rin akong tumayo. Ang lambot ng magiging kama ko, parang gaganahan 'ata ako na matulog dito buong araw. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Sana tama ang desisyon ko na sumama kay Mommy at iwan ang bahay na kinalakihan ko. I don't want to leave my father's memory pero hindi ko rin kayang iwan si Mommy dahil nangako ako sa puntod ni Daddy na hinding-hindi ko siya pababayaan. Mukha namang mabait ang magiging asawa ni Mommy pero hindi ako sigurado kung iyon ang totoo nitong ugali. Alam mo naman ang mga lalaki, sa una lang magaling. Sobrang galing nilang magpanggap para lang makuha ang loob ng mga babae pero kapag alam nilang wala ka nang kawala, doon na magsisimulang lumabas ang totoong ugali nila. Hindi naman sa nangingialam ako sa lovelife ni Mommy pero kung mag-aasawa rin naman siya ng bago ay dapat iyong matino at hindi siya sasaktan. I don't want to see her hurting again. Masakit lang makita dahil parang hindi ko natutupad ang pangako ko kay Daddy na papasayahin ko si Mommy kahit na wala na siya. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng anak ng stepfather ko. Elton is extremely handsome but dangerous. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang pakitunguhan nang maayos gayo'ng sa tuwing magkikita kami ay para niya na akong sinusunog ng buhay sa paraan ng tingin niya sa akin. There was something between us that I don't know how to explain. Parang ngayon pa lang ay kinakabahan na ako na isipin na palagi ko siyang makikita. It is not that I like him but I don't know, there is something inside me that tells me that he is no good to me… that he is dangerous and my inner guts is telling me that I should stay away from him. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-iisip kung ano ang magiging buhay ko sa bahay na ito sa susunod na mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD