"What?! Are you serious, Mom?" hindi makapaniwalang bulalas ko kay Mommy na nasa harap ko.
"Yeah, I'm serious. I will marry him," walang pagdadalawang isip na sabi niya.
"Mom!! It's been only six months since my father died. Are you seriously going to marry another man?!" malakas ang boses na sigaw ko.
Lumayo ako nang sinubukan niyang hawakan ako. Her eyes became more soft like she was begging me to understand her decision.
Well I can't! I will never understand her reasons and decisions to get married another guy. Sapat ba na patay na si papa para palitan na lang niya ito nang gano'n-gano'n? Kasi sa akin, hindi! Hinding-hindi ko kayang palitan si Daddy sa puso at isipan ko kaya nakakapagtakang ang dali lang sa kaniya na gawin ito.
"Darling, please understand me. I love him, okay? I love your father but I can't just lock myself in a room while murmuring because your father just died. Baka mabaliw ako kakaisip sa Daddy mo."
Hindi makapaniwalang umiling ako sa sinabi niya. "Exactly! Your husband just died but you're here! Standing in front of me, looking happy and blooming like Dad didn't die and now you're telling me that you will marry a stranger. Ang bilis mo namang maka-move on, Mom!" galit na akusa ko sa kaniya.
Dumilim ang mukha niya bago nanlilisik ang mata na tumingin sa akin. Ang kaninang maamong mukha ay napalitan ng parang tigre. She gritted her teeth as if she was stopping herself from bursting out.
"You don't know how much I suffered from your father's death, Vivian. You don't know how much I missed him and how many tears I cried for thinking we will not grow old together. You don't know how I prayed to God that he will give your father back to us again and make him alive. You don't know anything, so don't say that to me again!" she angrily shouted that made me step back in fear.
"Mom-" Sinubukan kong tumutol pero she didn't let me and immediately cut me off.
"Shut up! Whether you like it or not, I am going to marry Greg. It's my final decision and you can't do anything about that," huling sabi niya bago niya ako talikuran at umakyat sa hagdan papunta sa taas.
I frustratingly ran my finger through my long hair and sighed heavily. Napadako ang tingin ko sa kapatid ko na walang pakialam sa nangyayari at abala sa paglilinis ng kuko niya.
"Hindi ka man lang ba mag-rereact?" tanong ko kay Violet na nakaupo sa sofa habang walang pakialam sa paligid.
Tumaas ang kilay niya at walang gana akong nilingon.
"I don't care. She will do whatever she wants to do. Let her be happy with Tito Greg, Vivian. Don't be so OA. Nakakairita ka..." Umirap siya bago tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko.
Akmang lalampasan na niya ako nang hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
"Tito Greg? Close kayo?" kunot-noong tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at mukhang guilty. Napasinghap ako nang mapagtanto. f**k!
"So all this time, alam mo na may kalandian si Mommy at hinayaan mo lang? Kung hindi ko pa nabalitaan na ikakasal siya sa mayamang Gregorio na 'yon, hindi niyo pa sasabihin sa akin?! Wow ha! Parang hindi ako parte ng pamilya kung maglihim kayo!" galit na sigaw ko.
Napaasik siya bago hinatak ang braso niya na hawak ko. "Why can't you just be happy for Mom? Simula nang mamatay si Daddy ay ngayon ko na lang siya nakitang masaya. So don't be selfish and just support her decision in life. Huwag ka nang magreklamo." Nilampasan niya ako at sumunod sa taas.
Naiwan naman akong tulalang nakatayo habang pinoproseso ang nangyari.
Am I really that selfish? But it's just been a year since my father died. Hindi ba puwedeng masaktan ako? Mahal ko si Daddy eh at ayaw kong kalimutan siya. Ayaw kong tuluyan siyang kalimutan ng pamilyang ito. Ito iyong pinakakinatatakutan kong mangyari na nangyayari na. I can't believe this is actually happening. I really can't.
"HALA! Seryoso? Akala ko fake news lang 'yong narinig ko," hindi makapaniwalang sabi ni Danica.
Nandito kami sa isang sikat at mamahaling cafe shop malapit sa village na tinitirhan ko. It is just 5 kilometers away from our house. Inaya ko kaagad siya rito pagkatapos naming magkasagutan nila Mommy at Ate kanina. Kinuwento ko rin sa kaniya ang nangyari kanina.
I hummed and nodded at her. "Yeah."
Sandali siyang nanahimik bago nagsalita.
"So… anong plano mo ngayon? Kilala mo naman ang mommy mo. 'Pag nagdesisyon iyon, gagawin niya talaga. What if pumayag ka na lang? Wala namang mawawala kung susubukan mo," aniya habang nakatingin nang mariin sa akin.
I sighed. "As much as I want her to be happy, hindi ba parang ang bilis naman? Like come on! It's only been a year since Daddy died. Parang ang bilis naman 'ata," tutol ko.
Mataman siyang nakatingin sa akin at pinag-aralan ang mukha ko. "Dahil ba talaga sa nabibilisan ka sa nangyayari o may iba pa? Aminin mo nga, hindi ka pa rin maka-move on sa pagkamatay ng Daddy mo 'no?"
Natigilan naman ako at napagtanto na tama nga siya. Hindi ko pa nga siguro matanggap ang pagkamatay ni Dad. Well, sino nga ba naman ang madaling makamove on kung namatay ang tatay mo.
He has been so good to me that I can't ask for anything. Hindi siya nagkulang sa akin. In fact, sobra pa nga ang pagmamahal at pag-aalaga na binigay niya sa akin. Siya ang nagturo sa akin ng mga bagay na dapat kong matutunan. He is the only one that I've been close in my family. Palaging busy si Mommy sa trabaho and Violet… we never been close. Masiyado siyang masungit at masama rin ang ugali niya. Marami kaming pagkakaiba sa isa't isa so we never get close. Kaya nga lumaki akong Daddy's girl so I don't think na makakamove on ako. Makalimot nga, hirap akong gawin eh. Well, wala naman akong planong kalimutan si Daddy. Kaya siguro ako nagagalit dahil ang bilis nilang maka move on habang ako naman ay hindi pa rin makausad. Parang wala lang sa kanila na namatay ang lalaking minsan din nilang minahal.
"Ewan ko ba. Siguro nga, tama ka…" kibit-balikat kong usal bago uminom ng kape at ibinaba rin agad.
"I'm really sorry to say this but I really think you should move on already. Hindi na babalik si Tito Reynaldo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan, okay? Let go of the past and face reality. People who died will soon be forgotten but they will stay forever in their family's heart like Tito, he will forever be in your heart. Kaya huwag mong pigilan si Tita na maging masaya dahil karapatan niya iyon and she also deserves to be happy," maingat na wika ni Danica sa akin.
Maybe she's really right. I guess I need to move on. Napapikit ako para pigilan ang nagbabandya kong luha na gustong kumawala. But I don't know how to…
Tumango na lang ako bago magmulat at ibinaling ang atensyon sa kalsada sa labas. Natahimik naman si Amanda at binigyan ako ng oras na makapag-isip.
"Sorry, I should've not said that." Bakas ang guilt sa boses niya.
I looked at her and smiled, assuring her that I am okay. "It's fine…"
Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya habang pinili ko naman na manatili rito. I just want to stay here to think what will I do. Kung dapat ko bang tanggapin na ikakasal na si Mommy o gagawa ako ng paraan para hindi matuloy iyon. Pero masiyado naman 'ata akong masama kung gagawin ko iyong pangalawa.
I was in deep thoughts when a loud ringing bell entered my ear. Napaangat ako ng tingin sa pinto ng cafe at napaawang ang bibig ko nang pumasok ang dalawang naggwa-gwapohang lalaki. Nakatitig ako sa dalawang lalaki partikular na sa isang lalaki na may asul na mata.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kaniya kaya muntik na akong mapatalon sa kinauupuan nang magtama ang mata namin. Gusto ko mang mag-iwas ng tingin ay hindi ko magawa at sa halip ay pinasadahan ko pa siya ng tingin.
He has a thick eyebrow, deep set of blue eyes, perfect nose, strong and prominent jaw, thin and red lips that perfectly suit his diamond shaped face. His hair was a bit messy like he was so lazy to fix it. He was wearing a casual long-sleeved white shirt and black denim jeans. The sleeve of his shirt was rolled up. I can see his rolex wrist watch and long veined brown hands. I wonder how many women got a chance to hold those hands.
Napatingin ako sa mata niya at nakita ko kung paano niya rin ako pinasadahan ng tingin. Natauhan lamang ako nang makarinig ng impit na tili mula sa babaeng nakaupo malapit lang sa table ko na sinundan naman ng iilan pang kababaihan dito. Napaiwas ako ng tingin at ibinaling na lang sa baso na hawak ang paningin.
"Dude, what's wrong?" Narinig kong tanong ng kasama nito.
Mukhang napansin nito ang pagtigil ng lalaki.
"Nothing."
Nagtaasan ang balahibo ko sa batok sa lamig ng boses ng lalaking naka eye to eye ko kanina. Sobrang lamig at husky nito na animo'y nang-aakit. Boses pa lang, malalaman mo na agad na guwapo.
Napailing ako sa naisip.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong pumunta na sila sa counter at nag-order.
"Here's your order, Sirs. Have a nice day. Come again." Rinig kong masiglang wika ng babae sa counter.
Ilang minuto pa ay narinig ko na lang ang yabag nila papunta sa pinto. Mukhang nag-take out lang sila at paalis na.
Sa huling pagkakataon ay inangat ko ang tingin para silipin ito at nagulat ako nang magtama ulit ang paningin namin ng lalaking may asul na mata.
Madilim ang mata nito at mataman akong tinitigan. Gusto ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko magawa dahil may kung ano sa kaniya na parang hinihigop ang kaluluwa ko. He was staring at me intensely and I stared at him back. Hindi ako nagtangkang mag-iwas ng tingin kahit sobrang kinakabahan at naiilang na ako sa pagtingin niya sa akin.
Sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng pagsikip ng dibdib habang nakikipag titigan sa kaniya.
Isang sulyap pa ang ginawad niya sa akin bago tuluyang umalis.
Napasapo ako sa dibdib at dinama ang mabilis pa rin na t***k ng puso ko. Tiningnan ko ang lalaki na sumakay sa mamahaling kotse hanggang sa umandar ito papalayo.