Chapter 20 Jesirey’s Pov NALILITO ako kung anong gagawin ko. Nandito ako sa bar at umiinom ng whiskey. Kahit may saksak ako ay hindi ko mapigilan mapa diretso sa bar sa mga natuklasan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong na s-stress ng malaman kong magkaibigan si Demetrius at Honey. Hindi lang magkaibigan dahil close pa talaga. Talagang mapapainom ako ng alak. Bwisit talaga! Sa dami-daming tao na pwedeng maging kaibigan ni Honey ay bakit si Demetrius pa. Paano na lang ang plano ko na patayin ang mga taong malapit kay Honey kung ang isa doon ay si Demetrius. Napasabunot ako sa buhok ko at mas lalo akong nairita sa buhay ko. Bwisit na buhay talaga ‘to! Isang beses na nga lang magka gusto sa kaibigan pa ng kalaban ko. Hindi na ako nagpasama pa kay Gray uminom sa bar. Pe

