Chapter 21 Jesirey’s Pov NAIINIS ako kay Demetrius dahil panay ang kulit sa ‘kin na isama ako sa bahay niya. Ayaw ko sanang pumayag dahil baka makita ako ng kaibigan niyang si Honey. Pero naalala ko na hindi nga pala niya alam ang mukha ko. Pero kahit na, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay ko siya. Pero paano naman ako aalis ngayon eh ang walangya ay may dalang posas. Lumipat pa kaming dalawa sa harap dahil ang sabi niya ay ihahatid daw niya ako sa bahay ko. Ako naman na tanga ay naniwala din kaya pumayag na lumipat sa passenger seat. Gusto ko na kasing umuwi talaga sa bahay ko. Pero ng makalipat kaming dalawa ay saka niya ikinabit ang pisteng posas sa kaliwa kong kamay habang sa kanya naman ay sa kanan. Kaya heto ako ngayon, panay ang buntong hininga ko habang nakaupo

