Chapter 47 Jesirey’s Pov MASAYA kaming namamasyal ni Demetrius sa sinasabi ni Love na pasyalan dito aa bundok. Ngayon ko lang nalaman na may ilog pala dito. Pero kailangan lang namin lakarin dahil malayo siya konti sa bahay ni Love. Magkahawak kamay kami ni Demetrius habang naglalakad kaming dalawa. “Hinihingal na ako sa lakad natin, my love. Ang tagal natin makarating sa pesteng ilog na yan.” Saad pa ni Demetri. “Ano ka ba! Dapat sulitin natin ang paglalakad natin. Ang saya kaya maglakad lakad sa bundok. Kasama naman kita kaya masaya ako.” Saad ko habang nakangiti sa kanya. Napangiti naman siya sa ‘kin saka dinala ang kamay ko sa labi niya at pinatakan ng halik ‘to. “Masaya ka ba na kasama mo ako, my love? Hindi ka ba nagsisisi na umalis ka sa grupo mo?” Tanong niya sa ‘kin kaya

