Chapter 46

1529 Words

Chapter 46 Jesirey’s Pov SABAY-SABAY KAMI nag hapunan nila Love at Val. Syempre kasama ko ang boyfriend ko na kanina pa ako hindi kinikibo. Siguro ay naiinis siya dahil sa sumama ako kay Love na pumunta mamalengke. Hindi ko na nga lang sinabi sa kanya na may sumugod sa’min ni Love. Ayaw kong mag alala si Demetri kaya mas mabuti ng ilihim na lamang. Madali naman kausap si Love at pumayag sa gusto ko na wag ng sabihin. Mamaya ko nalang lalambingin ang my love ko kapag tapos na kami kumain. Kanina pa kami nakabalik pero hindi niya ako masyadong pinapansin. Nauna si Demetri natapos kumain at pati si Val ay tapos na kumain. Kami na lang ni Love ang hindi pa tapos. “Yari ka, ate Jhie. Galit sayo si doc.” Pananakot pa sa ‘kin ni Love. Langya ‘tong lalaking ‘to, nakuha pang takutin ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD