“Where’s your Mom?” dinig naming tanong ni Carter kay Reign. Pinagkrus ng anak ko ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, dahil sa ginawa niyang iyon ay dinig ko ang mahinang pagtawa ni Lovie sa likuran ko. Hindi ko rin mapigilang mapa-iling sa ginawa niya. “Kids aren’t allowed here, you know?” muli sabi ni Carter nang hindi sumagot si Reign. Ngumuso si Reign at niliitan ng mata ang lalaki sa harapan niya. “You, why are you here?” Hindi sinagot ni Reign ang tanong ni Carter at siya na iyong ngayon ang nagtanong. Kumunot lamang ang noo ni Carter dahil sa hinding pagsagot ng tanong ng bata sa kanya. “I have a meeting here. I didn’t expect that this building welcomed kids, though.” sabi niya na may pagkataka. “So, you are not expecting me?” Tumaas ang kilay ng anak ko. Double mean

