“Talaga bang attend ka ng meeting bukas? Pwede namang ako. Hindi naman nila kilala ang totoong may ari eh.” presenta ni Lovie. Hindi na talaga siya magkanda-ugaga dahil sa sunod sunod na news tungkol kay Carter sa mga sumunod na araw. Maging ako rin naman ay hindi makapaniwala sa sunod sunod na labas ni Carter. It was a hot fre-aking news. Halos lahat ng station ay iyon ang top new! “Ayos lang naman ako, ang inaalala ko lang ay si Reign.” sabi ko. Reign heard all of the news about Carter. Ngumunguso lamang siya kapag iniire ang tungkol kay Carter o ‘di kaya masakit ang tingin sa TV. Kaya itong si Lovie naman ay todo asar sa kanya tungkol kay Carter. Mabuti na lamang at hindi bastos magsalita si Reign sa Tita niya at tumatahimik na lang. “That’s Carter’s biggest problem. Ano kaya magig

