Halos isang linggo rin kami namalagi sa hospital bago tuluyang nakalabas, maging si Sha ay gano'n din, pero dahil ayaw niyang iwan ang ina ay nagpa-iwan siya roon kasama ang kanyang ama. They still need to monitor Lovie, lalo na iyong tama sa kanya. We bid our goodbyes to them before we left that day. Sa bahay kami ni Carter tumuloy, kahit medyo tutol pa si Reign doon pero kahit papaano ay unti unti na niyang natatanggap na may ama na talaga siya. Habang nasa bahay kami ni Carter, ginawa niya ang lahat para hindi ma bored si Reign. She still didn't want to go to school. Gusto niya lang ay kasama niya ako o 'di kaya si Carter, hindi siya mapakali kapag wala kaming dalawa sa tabi niya o mag isa siya. Kahit sa pagtulog ay ayaw niyang naiiwan siyang mag-isa. My mom visit us, grabe ang alal

