NAPATIGIL si Alyssa sa paglalakad nang pumasok si Franco sa isang kwarto. At mukhang naramdaman nito ang hindi niya pagsunod dahil huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. His brows furrowed when their eyes met. "What are you still doing there, Audrey?" tanong nito sa kanya. Sa halip naman na magbigay komento ay nagpatuloy na siya pagpasok sa loob ng kwarto. Gusto niyang magtanong kung kaninong kwarto iyon pero hindi na lang niya ginawa dahil baka dinala na din ni Franco si Audrey doon. Baka mabuking pa siya kapag nagtanong siya. Kaya ang ginawa na lang niya ay pasimpleng nilibot ang tingin sa paligid ng kwarto. At hindi naman na niya kailangan na tanungin si Franco kung kaninong kwarto iyon dahil alam na niya. It was Franco's room. And she was right because Franco confirmed

