NANLALAKI pa din ang mga mata ni Alyssa habang magkalapat ang mga labi nilang dalawa ni Franco. Ramdam na ramdam nga niya ang lambot at init ng labi nito sa ibabaw ng labi niya. At dahil mulat ang mga mata ay kitang din niya na nakapikit si Franco. At nang makabawi si Alyssa mula sa pagkabigla ay do'n lang niya naisipan na bumangon. Pero hindi pa siya tuluyang nakakabangon nang magmulat ng mga mata si Franco. His charcoal eyes locked onto hers. At ganoon ulit ang panlalaki ng mga mata ni Alyssa nang hawakan siya ni Franco sa likod ng ulo at saka siya nito iyon hinila para maglapit muli ang mukha nila. At biglang kumabog din ang dibdib niya ng tawidin ni Franco ang natitirang distansiya ng labi niya. At wala na ngang inaksayang sandali si Franco dahil naramdaman agad niya ang paghagod

