SINUKLAY ni Alyssa ang mahabang buhok. At saka niya pinusod iyon in a messy bun style. At nasa ganoong posisyon siya ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Ibinaba naman niya ang hairbrush na hawak at saka dinampot ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng bedside table para tingnan kung sino ang tumatawag. She glanced at her phone and saw that Tita Dana was calling, so she answered right away "Audrey," wika ni Tita Dana nang sagutin niya ang tawag nito. "Napatawag po kayo, Tita?" tanong niya sa dahilan kung bakit ito tumawag sa kanya. "Mangangamusta lang," sagot naman nito sa kanya. "Okay lang naman po ako, Tita." “Is Dawson taking good care of you?” sunod na tanong ni Tita Dana. Hindi naman napigilan ni Alyssa ang pagsilay ng ngiti sa naging tanong ni Tita

